NEWS AND UPDATE

Benchmarking activity of Quezon Provincial Information Office (PIO) on La Union PIO’s Best Practices | October 4, 2024

Benchmarking activity of Quezon Provincial Information Office (PIO) on La Union PIO’s Best Practices | October 4, 2024

Bumisita ngayong araw, Oktubre 4 sa tanggapan ng Provincial Government of La Union ang mga kawani ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) sa pangunguna ni Jun E. Lubid upang isagawa ang Benchmarking Activity of Best Practices ng La Union Provincial Information Office sa pamumuno ni Rowan Joshua E. Dimaculangan. Layon ng nasabing aktibidad na mas mapalawak pa ang kasanayan at kaalaman ng QPIO Team upang masiguro na mailalahad at maipaparating ang mga nararapat na serbisyo’t impormasyon sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon. Dagdag pa rito’y ibininahagi rin ng PIO La Union ang mga prosesong kanilang isinagawa upang tatlong beses na makuha ang ISO Certification na malaking tulong naman lalo’t hinahangad na makuha ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing certification. Ipinaabot namam ng QPIO ang pasasalamat sa malugod na pagtanggap sa kanila ng Provincial Government of La Union sa pangunguna ni Governor Rafy Ortega-David.


Quezon PIO

Pagbabasbas ng mas Maayos at Magandang Kalagayan ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Claro M. Recto | October 03, 2024

Pagbabasbas ng mas Maayos at Magandang Kalagayan ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Claro M. Recto | October 03, 2024

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbabasbas ng mas maayos at magandang kalagayan ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Claro M. Recto sa Infanta, Quezon nitong araw ng Oktubre 3.

Nadagdagan ng mga bagong medikal na kagamitan at pasilidad ang nasabing ospital kabilang na ang Intensive Care Unit (ICU) na higit na makatutulong para sa mga pasyenteng kinakailangan ng malalim na tugon sa kanilang karamdaman.

Mahalagang bagay naman ito sapagkat nailalapit na ang mas dekalidad na serbisyong pangkalusugan, at hindi na kakailanganing bumiyahe ng malayo ang mga pasyenteng naninirahan sa REINA at POGI Area upang makapagpagamot.

Inaasahan naman na madadagdagan din ang mga doktor at espesyalista sa QPHN-Claro M. Recto para sa tuloy-tuloy na pagtugon sa mga may iniindang sakit sa unang distrito.


Quezon PIO

Bagong Sea Ambulance Para sa Islang Bayan ng Panukulan at Burdeos | October 04, 2024

Bagong Sea Ambulance Para sa Islang Bayan ng Panukulan at Burdeos | October 04, 2024

Sa walang patid na paglilingkod ni Governor Doktora Helen Tan para sa lalawigan ng Quezon, kanyang pinangunahan ang pagkakaloob ng bagong Sea Ambulance para sa islang bayan ng Panukulan at Burdeos nitong araw ng Oktubre 3 sa Real Port.

Ang nasabing 30-footer sea ambulance ay kayang mag-accomodate ng 8-10 katao at may bilis na 35 knots o mahigit 64 kilometres per hour na malaking tulong upang mabilis na maihatid patawid ng dagat ang mga pasyente. Nagmula naman ang pondo nito sa 20% Development Fund.

Samantala, nakasama sa ginanap na programa sina Vice Governor Third Alcala, Burdeos Mayor Freddie Aman, Panukulan Mayor Alfred Mitra, at Real Mayor Bing Diestro-Aquino.


Quezon PIO

2024 Provincial Elderly Filipino Week Celebration | October 03, 2024

2024 Provincial Elderly Filipino Week Celebration | October 03, 2024

Bilang pagpapahalaga sa mga minamahal na nakatatandang Quezonian, ipinagdiriwang ang Provincial Elderly Filipino Week na may temang “Senior Citizens – Building the Nation, Inspiring Generations” sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni PSWDO Sonia Leyson ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 3, sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Layon ng nasabing selebrasyon na gunitain ang kahusayan, kaalaman at sakripisyong kanilang naibahagi upang maitaguyod ang lahing Quezonian at magsilbing inspirasyon hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Buong pusong nagpasalamat sa mga Senior Citizens si Governor Doktora Helen Tan, Isa rin sa kaniyang mga pangunahing layunin na mabigyang halaga ang pangangailangan at kapakanan ng ating mga Elders, gayon din ang patuloy na pagsulong ng mga aktibidad at programa lalo’t higit sa kanilang pangkalusugan.

Sa pagtatapos ng programa itinanghal sa kategoryang Lola Queen at Lolo King ang mga partisepante mula sa bayan ng Calauag, Candelaria, Tayabas at General Luna. nagmula naman sa bayan ng Tiaong, Gumaca, Unisan at Infanta ang mga nagwagi sa kategoryang Modern Dance Contest.

Muli, Salamat sa hindi matatawarang pagmamahal mga Lolo at Lola!

FOOTER


Quezon PIO

Job Fair – October 04, 2024

Job Fair – October 04, 2024

Isang tulog na lang JOB FAIR na!!!

Nasasabik na ba kayo JOBSEEKERS?

Narito ang mga dapat mong tandaan:

● Tiyaking alam ang posisyon na

aapply-an

● Ihanda ang mga kailangan para sa pag-aapply.

● Matulog ng sapat para magkaroon ng alistong kaisipan sa interview.

● At higit sa lahat, siguraduhing makararating sa itinakdang oras bukas sa gaganaping JOB FAIR.


Quezon PIO

Filing of Certificates of Candidacy | October 03, 2024

Filing of Certificates of Candidacy | October 03, 2024

TINGNAN: Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy ngayong araw, Oktubre 3 si Governor Doktora Helen Tan para kumandidato bilang Gobernador sa gaganaping Eleksyon sa 2025.

Binigyang-diin naman ni Gov. Tan ang hangarin na maipagpatuloy ang kanyang sinimulan na Tunay, Mahusay at responsableng pamumuno para sa kagalingan at kaunlaran ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, kasabay ring naghain ng kanilang pagkadidato ang iba pang mga opisyal sa lalawigan tulad nila Vice Governor Third Alcala, 1st District Congressman Mark Enverga, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at Doc Kim Tan.


Quezon PIO