NEWS AND UPDATE

Management Committee (ManCom) meeting

Management Committee (ManCom) meeting

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagsusumikap na mapabuti ang mga programa at serbisyong inihahatid sa mga mamamayang Quezonian, muling isinagawa ang Management Committee (ManCom) meeting, ngayong Miyerkules, Hunyo 11.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, kasama sina Provincial Administrator Manny Butardo at mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.
Ilan sa naging sentro ng usapan ay ang mga plano para sa mga aktibidad kaugnay ng Executive Legislative Agenda (ELA), mga update hinggil sa kasalukuyang implementasyon ng mga programa ng Kapitolyo, gayundin ang mga pamamaraan upang higit pang mapabuti ang mga ito.

Sa huli, binigyang-diin din ni Governor Doktora Helen Tan ang kahalagahan ng patuloy na pagpapatupad ng mga pamantayang itinakda ng International Organization for Standardization (ISO) upang mapanatili ang dekalidad at epektibong serbisyo sa loob at labas ng mga tanggapan ng pamahalaan.

Congratulations Topnotchers!

Congratulations Topnotchers!

‎Congratulations Topnotchers!

‎Pinarangalan ng Professional Criminologist Association of the Philippines, Inc (PCAP) sina Lycamae F. Penarejo bilang Top 1 at Drake Borris F. Garcia bilang Top 2 na bahagi ng Ten Outstanding Criminology Student (TOCS) 2025 sa buong Region-IV.

‎Ang buong lalawigan ng Quezon ay saludo sa inyong ipinakitang galing at talino. Nawa’y magsilbing inspirasyon kayo ng kabataang Quezoinan.

Kulturang Quezonian Congressional District Competition 2025

Kulturang Quezonian Congressional District Competition 2025

Sa pamamagitan ng tinig, damdamin, at talento nag-aalab ang puso ng Kulturang Quezonian!

Matagumpay na idinaos ang Kulturang Quezonian Congressional District Competition 2025, tampok ang mga talentadong kabataan mula sa iba’t ibang bayan sa IKATLONG DISTRITO ng lalawigan na nagpakitang-gilas sa larangan ng Oration, Declamation, at Sabayang Pagbigkas na ginanap sa Agdangan Central School nitong araw ng Martes, Hunyo 10.

Sa temang “Si Quezon at Ako,” binigyang buhay ng mga kalahok ang diwa ng kabayanihan, pagmamahal sa wika, at pagtanaw sa kultura bilang pundasyon ng pagkataong Quezonian mula sa matitinding damdamin ng bawat pagbigkas hanggang sa sabayang tinig ay naipamalas ang diwa ng wikang Filipino at kultura noon hanggang sa makabagong panahon.

Naisakatuparan ang naturang patimpalak sa pangunguna ng Provincial Tourism Office sa superbisyon ni Nesler Louies Almagro.

Samantala, narito ang mga nagwagi sa naturang kompetisyon at magsisilbing kinatawan ng IKATLONG DISTRITO:
DECLAMATION CONTEST
• Nico Roca – Mulanay Quezon
ORATION CONTEST (High School)
• Sheree Anne Eroles – Agdangan Quezon
ORATION CONTEST (College)
• Danilo Castillo – San Andres
SABAYANG PAGBIGKAS
• Agdangan

Abangan ang kanilang pagsabak sa mas matinding tagisan sa nalalapit na Grand Showdown ng Niyogyugan Festival 2025 ngayong darating na buwan ng Agosto!

Congratulations to all the winners, first district of Quezon!

Congratulations to all the winners, first district of Quezon!

Congratulations to all the winners, first district of Quezon!

Ikinagagalak naming ipakilala ang apat (4) na bayan na naging kampyeon at magiging kinatawan ng unang distrito para sa Provincial Level:
Quezon, Game KNB? Season 2 – General Nakar, Quezon
Lambanog Relay – Mauban, Quezon
Coconut Relay – Lucban, Quezon
Bangus Deboning Relay – Lucban, Quezon
Quezon Kakanin 224 – Patnanungan, Quezon

Kita-kits ngayong Agosto para sa Cocolympics 2025, Championship Round!

MOA signing sa pagitan ng SICAP at SeedCore

MOA signing sa pagitan ng SICAP at SeedCore

Masiglang ginabayan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang pagpapalakas ng kalakalan ng Cacao sa mga potensyal na institusyon na mga mamimili. Kung saan matagumpay na naisagawa ang MOA signing sa pagitan ng SICAP Quezon Agriculture Cooperative (SICAP Coop) at SeedCore Agri-Industrial Corporation (SeedCore) na kinatawan ni G. Mark Soledad, tagapangulo ng SICAP Coop at G. Roberto Crisostomo, CEO ng SeedCore na sinaksihan din ng mga opisyales at mga pangulo ng SICAP mula sa iba’t-ibang bayan.

Patuloy na mapalakas at tuloy-tuloy na kalakalan at makatuwirang bentahan ang napagkasunduan na nilalaman ng nasabing agreement.

Sa kabuoan, positibo ang lahat na patuloy at ibayong sigla ang magiging resulta nito at aasahan narin lalo’t higit ng mga magtatanim ng cacao dahil sa magandang ugnayan ng industriya sa merkado.

Congratulations! QPHN-QMC.

Congratulations! QPHN-QMC.

PAGBATI mula sa QPHN-QMC!

Ang QPHN-QMC Obstetrics and Gynecology Department ay matagumpay na nakamit ang Provisional Accreditation (PAP 0 Status) mula sa Philippine Board of Obstetrics and Gynecology (PBOG) sa ilalim ng PARTP Evaluation.

Dahil dito, tumatanggap na kami ng mga aplikante para sa 1st Year Residency Training Program sa OB-Gyne!
• Lugar: 2nd Floor, Main Building, QMC Compound
• Makipag-ugnayan kay Ms. Bamba Deseo – 0998-550-2776
• LIMITADO ANG SLOTS – MAG-APPLY NA AGAD!
Isang malaking hakbang para sa iyong propesyonal na pag-unlad sa isang ISO-certified Level 3 Provincial Hospital.

SOLOCOM Heathcare Fair 2025

SOLOCOM Heathcare Fair 2025

Nakiisa ang Office of the Provincial Veterinarian kasama ang City Veterinary Offices ng Lucena at Tayabas, gayundin ang Quezon Veterinary Medical Association sa ginanap na SOLCOM Healthcare Fair 2025 nitong ika-10 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Camp Guillermo Nakar Lucena City na may temang:”Serbisyong Medikal na Maaasahan: Alay ng Kawal sa Sambayanan!”. Nagtulong-tulong ang mga nasabing ahensya at samahan sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng veterinary services katulad ng libreng antirabies vaccination, deworming, vitamins distribution at consultation para sa mga fur babies ng AFP, PNP Personnel at mga residente ng mismong kampo.

Paalala ngayong Tag-ulan

Paalala ngayong Tag-ulan

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧
Dahil mas mataas ang panganib na kumalat ang ASF ngayong panahon ng tag-ulan, maiging paigtingin ang implementasyon ng Biosecurity sa ating babuyan. Dahil kapag may sapat na kaalaman, may laban tayo sa ASF ngayong tag-ulan.

General Flood Advisory # 12, For Region 4-A (CALABARZON), Issued at 6:00am, June 13, 2025

General Flood Advisory # 12, For Region 4-A (CALABARZON), Issued at 6:00am, June 13, 2025

𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 #𝟏𝟐
𝐅𝐨𝐫 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝟒-𝐀 (𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍)
𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭 𝟔:𝟎𝟎 𝐚𝐦, 𝟏𝟑 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓
(𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐭𝐡𝐞 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐢𝐬𝐬𝐮𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝟔:𝟎𝟎 𝐩𝐦 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐲)
PRESENT WEATHER:
Habagat(Southwest Monsoon) ang nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon
FORECAST 12-HR RAINFALL:
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
WATERCOURSES LIKELY TO BE AFFECTED:
#QUEZON – RIVERS AND ITS TRIBUTARIES PARTICULARLY UPPER UMIRAY, LOWER BOLBOK (LAWAYA), MALAKING-ILOG, IYAM, MACALELON, CATANAUAN, SILONGIN LAGDA, PAGSANJAN, YABAHAAN, BIGOL, GUINHALINAN, VINAS, CALAUAG, PANDANAN, STA. LUCIA, LUGAN MALAYBALAY, MAAPON, BUCAL (LALANGAN), LAKAYAT, TIGNOAN, AGOS, ANIBAWAN (POLILIO ISLAND) AND UPPER KILBAY – CATABANGAN.
Ang mga nakatira malapit sa mga paanan ng bundok at sa mga mabababang lugar sa paligid ng mga nabanggit na mga ilog, pati na rin ang mga lokal na Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapababa ng Bantang Panganib at Sakuna, ay pinapayuhan pa ring maging alerto sa posibleng flashflood.


Quezon PDRRMO

Earthquake Information No. 1 Date and Time: 13 June 2025 – 05:30 AM

Earthquake Information No. 1 Date and Time: 13 June 2025 – 05:30 AM

Earthquake Information No. 1
Date and Time: 13 June 2025 – 05:30 AM
Magnitude = 2.1
Depth = 005 km
Location = 14.89°N, 122.73°E – 048 km N 63° E of Jomalig (Quezon)
Origin: Tectonic


Quezon PDRRMO