NEWS AND UPDATE

Veterinary Medical Mission | June 15-16, 2023

Veterinary Medical Mission | June 15-16, 2023

Ito ay pinangunahan ni Dr. Philip Augustus C. Maristela, Head ng Animal Health and Welfare Division, kasama sina Dr. Milcah I. Valente, Dr. Camille C. Calaycay at ilan pang technical personnels, katuwang din ang Office of the Municipal Agriculturist ng nasabing bayan.

Nagsagawa rin ng pagkakapon sa mga alagang aso at pusa upang maiwasan ang hindi inaasahang pagdami ng populasyon nito.

Narito ang kabuuang datos ng mga serbisyong matagumpay na naihatid sa dalawang araw na aktibidad na ito:

Spay and Neuter
    Animals Served: 22
       • Dog – 8       • Cat – 14
    Clients Served: 20
       • Male – 7      • Female – 13

Anti-Rabies Vaccination
    Animals Served: 76
       • Dog – 6       • Cat – 14
    Clients Served: 63
       • Male – 26     • Female – 37

Treatment/Consultation
     Animals Served: 123
       • Dog – 71      • Cat – 52
    Clients Served: 78
       • Male – 28     • Female – 50

Source: Quezon PROVET

2nd Quarter Regional Peace & order Council (RPOC) Meeting | June 16, 2023

2nd Quarter Regional Peace & order Council (RPOC) Meeting | June 16, 2023

Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, ika-16 ng Hunyo ang 2nd Quarter 2023 Regional Peace on Order Council Meeting ng na pinangunahan ni RPOC CALABARZON Chairperson Governor Doktora Helena Tan sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan nina AFP 2ID Commander MGEN Roberto Capulong at PNP PRO4A CALABARZON PBGEN Carlito Gaces, kasama ang iba pang mga ahensya na miyembro ng nasabing konseho.

Tinalakay sa pulong ang mga programa at hakbangin na ipapatupad sa rehiyon na naglalayong matiyak ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.

Source: Quezon PIO

Personal na Pagbisita ni Regional Peace and Order Council CALABARZON Chairperson Governor Doktora Helen Tan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) 2ID na Matatagpuan sa Camp Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal | June 16, 2023

Personal na Pagbisita ni Regional Peace and Order Council CALABARZON Chairperson Governor Doktora Helen Tan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) 2ID na Matatagpuan sa Camp Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal | June 16, 2023

Personal na binisita ni Regional Peace and Order Council CALABARZON Chairperson Governor Doktora Helen Tan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) 2ID na matatagpuan sa Camp Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal upang pangunahan ang pagpupulong na ginanap ngayong araw, Hunyo 16.

Bilang pagpapakita ng mainit na pagtanggap, binigyan ng Arrival of Honors ang gobernadora ng lalawigan ng Quezon, na isinagawa ng AFP 2ID Troops sa pangunguna ni AFP 2ID Commander MGEN Roberto S Capulong.

Sinundan naman ito ng Traditional Tree Planting na parte ng Greening Program ng AFP 2ID Command para sa magandang pangangalaga ng kanilang kapaligiran.

Samantala, inilunsad din ngayon araw ang bagong Regional ISO Operations Center na magsisilbing 24-hour monitoring center ng uniformed personnels sa buong rehiyon na layong mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Source: Quezon PIO

2nd Quarter 2023 Meeting – PDC Sectoral Committee on Development Administration | June 16, 2023

2nd Quarter 2023 Meeting – PDC Sectoral Committee on Development Administration | June 16, 2023

Ginanap ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 16 ang Provincial Development Council Sectoral Committee on Development Administration Second Quarterly Meeting via Zoom Video Conference..

Dinaluhan ng iba’t ibang pampublikong organisasyon, mga kawani mula sa lokal na pamahalaan at pamunuan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang pulong upang talakayin ang mga planong programa kaugnay sa provisional agenda na pinamunuan ng Provincial Development Council.

Isa na rito ang Real Property Assessment and Classification na iniulat ni Ms. Ivy Tiu ng Provincial Assessor’s Office, at nagbahagi rin si Ms. Zarah Mae Cuasay mula sa Provincial Internal Audit Service Office tungkol sa Internal Audit Service na naging matagumpay dahil sa suporta ng mga LGUs.

Hindi naman tumitigil ang pamahalaang panlalawigan katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO

MPBL Ticket Distribution | June 16, 2023

MPBL Ticket Distribution | June 16, 2023

Ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 16, hindi nagpapigil sa init ang ating mga kalalawigan upang makakuha ng libreng upper bleacher tickets para darating na laro ng Quezon Huskers laban sa Makati Okbet Kings ngayong darating na Sabado, Hunyo 17 na gaganapin sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Sabay-sabay nating ipakita ang suporta sa ating koponan!

Source: Quezon PIO

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm June 15, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm June 15, 2023

NGCP Advisory | 10:19am – June 15, 2023

NGCP Advisory | 10:19am – June 15, 2023

Power transmission services stable despite 6.2 magnitude earthquake

Power transmission services of NGCP remain normal despite the 6.2 magnitude earthquake which occurred 4km, West of Calatagan, Batangas at 10:19AM of 15 June 2023.

The grid remains intact as there are no reported cases of power interruptions and damaged transmission facilities in areas where the earthquake was felt.

Source: Quezon PIO

Veterinary Medical Mission – SOLCOM Grandstand Gulang Gulang, Lucena City | June 14, 2023

Veterinary Medical Mission – SOLCOM Grandstand Gulang Gulang, Lucena City | June 14, 2023

Inanyayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)- Quezon ang Office of the Provincial Veterinarian na magsagawa ng Veterinary Medical Missionsa sa ginanap na SOLCOM Healthcare Fair 2023 sa Camp General Nakar Grandstand Lucena City nitong ika-14 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ni Dr. Philip Maristela kasama si G. Wallen Molera ang pagbibigay ng veterinary services katulad ng libreng anti-rabies vaccination, deworming, at consultation para sa mga alagang hayop ng mga AFP at PNP Personnel at mga residente ng Camp Gen. Nakar.

Naging katuwang rin ng tanggapan at ng AFP Veterinarian ang City Veterinarian Offices ng Lucena City at Tabayas City, Quezon.

Source: Quezon PROVET

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm June 14, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm June 14, 2023

Distribution of AID to Barangay & BP Apparatus for BHW’s – Unisan, Quezon | June 14, 2023

Distribution of AID to Barangay & BP Apparatus for BHW’s – Unisan, Quezon | June 14, 2023

Walang sinayang na oras si Gov. Doktora Helen Tan ngayong araw ng Hunyo 14, sa kanyang inisyatibo ay nabiyayaan din ng Aid to Barangay ang tatlo pang bayan sa ikatlong distrito.

Tinanggap ng 36 Barangays mula sa Unisan, 22 Barangays sa Padre Burgos, at 12 Barangays sa Agdangan ang nasabinig tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P12,000.

Mayroong ding naipamahaging BP Appratus at insentibo na magagmit ng bawat barangay health workers upang pantawid na tulong pangkalusugan sa mga may iniindang karamdaman na mamamayan ng kanilang bayan.

Source: Quezon PIO