NEWS AND UPDATE

Groundbreaking of 2-Storey 4-Classroom School Bldg. – Pahinga Norte Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 4-Classroom School Bldg. – Pahinga Norte Elementary School | April 27, 2023

Masasayang ngiti ng mga mag-aaral ang sumalubong kay Gov. Doktora Helen Tan sa kanyang pagbisita sa Pahinga Norte Elementary School para sa groundbreaking ceremony ng itatayong 2-storey 4-classroom school building.

Kasama sina Mayor Ogie Suayan, Board Member Vinette Naca-Alcala at ang pamunuan ng Pahinga Norte ES ay matagumpay na naipagkaloob ang proyektong pang-imprastraktura na lubos na makatutulong sa edukasyon ng mga kabataang Quezonian.

Ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng HEALING Agenda ni Governor Tan na naglalayong saklawin ang mga aspeto ng mabuti at epektibong pamamahala.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Bukal Sur Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Bukal Sur Elementary School | April 27, 2023

Sunod na nagtungo si Gov. Doktora Helen Tan sa bayan ng Candelaria kung saan kanyang nakasama sina Mayor Ogie Suayan, Board Member Vinette Naca-Alcala at ang pamunuan ng Bukal Sur Elementary School para sa groundbreaking ceremony ng bagong 2-storey 6-classroom School Building para sa paaralan.

Lubos naman ang pasasalamat ng Bukal Sur ES para sa inisyatibo ng ina ng lalawigan at sa pagkakaloob ng proyekto para sa mga estudyanteng Candelariahin.

Asahan ang mga de-kalidad at maasahang proyekto para sa mga Quezonian mula sa ating pamahalaang panlalawigan.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 4 Classroom School Bldg. – Lucasan Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 4 Classroom School Bldg. – Lucasan Elementary School | April 27, 2023

Bilang ina ng lalawigan, nais ni Governor Doktora Helen Tan na mayroong sapat at kalidad na gusali at silid aralan ang bawat mag-aaral sa lalawigan ng Quezon.

Ngayong Huwebes, Abril 27 ay pinasinayaan ni Gov. Tan ang groundbreaking ng itatayong 2-storey 4-classroom School Building sa Lusacan Elementary School sa bayan ng Tiaong, Quezon katuwang ang pamunuan ng nasabing paaralan.

Sa tulong ng mga proyektong tulad nito, masisiguro natin na magiging maayos ang edukasyon at kinabukasan ng bawat kabataang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Pagbisita sa mga Pasyente ng Surgical Support Caravan | April 26, 2023

Pagbisita sa mga Pasyente ng Surgical Support Caravan | April 26, 2023

Kahapon, ika-26 ng Abril, nagsimula na ang ikatlong Surgical Support Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga doktor mula sa East Avenue Medical Center, Philippine College of Surgeon Southern Tagalog, Quezon Medical Society at Quezon Medical Center.

Personal na binisita ni Gov. Doktora Helen Tan ang mga pasyente na sasailalim sa operasyon ng nasabing programa sa Quezon Medical Center.

Magtatagal ang 3rd Surgical Support Caravan mula ika-26 hanggang ika-28 ng Abril na naglalayong makapagbigay ng pag-asa at agarang lunas sa mga iniindang karamdaman ng ating mga kalalawigang walang sapat na kakayanan na makapagpa-opera.

Source: Quezon PIO

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm April 26, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm April 26, 2023

3rd Surgical Support Caravan Opening Ceremony | April 26, 2023

3rd Surgical Support Caravan Opening Ceremony | April 26, 2023

Tuloy-tuloy ang isinasagawang Surgical Support Caravan sa Quezon Medical Center, kung saan ngayong ikatlong araw, Abril 26, dinaluhan ni Gov. Doktora Helen Tan ang inihandang seremonya para sa opisyal na pagsisimula ng isang linggong serbisyong medikal para sa ating mga kalalawigan na lubos na nangangailangan.

Kasama sila Medical Professional Staff Dr. Allan Troy Baquir ng East Avenue Medical Center at Dr. Executive Director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete ng National Kidney and Transplant Institue, kanilang ibinahagi ang suporta sa adbokasiya na mapabuti ang healthcare system sa lalawigan ng Quezon.

Pinasalamatan naman ng gobernadora ang bawat kawani at institusyon sa walang sawang nakikipagbalikatan upang maihatid ang libreng pagpapaopera ng mga Quezonian.

Kaakibat nito, naibigay sa nasabing ospital ang ilang medikal na kagamitan na makatutulong ng lubos sa patuloy na pagpapaunlad ng pangkalusugan na kalagayan ng probinsya, tulad na lang ng C-Arm machine at ventillators.

Magtatagal ang surgical caravan na ito mula Abril 24 hanggang Abril 28.

Source: Quezon PIO

1st Quarter Meeting para sa Joint Provincial/City/Municipal Committee Against Trafficking-Anti Child Pornography – VAWC | April 25, 2023

1st Quarter Meeting para sa Joint Provincial/City/Municipal Committee Against Trafficking-Anti Child Pornography – VAWC | April 25, 2023

Noong ika-25 ng Abril, 2023, isinagawa ang 1st Quarter Meeting para sa Joint Provincial/City/Municipal Committee Against Trafficking-Anti Child Pornography- VAWC. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Committee Against Trafficking mula sa lalawigan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Provincial Gender and Development Office Assistant Department Head Mr. Sedfrey Potestades at Ms. Aira Mae Davila kung saan tinalakay ang mga nakamit na layunin ng komite sa taong 2022.

Naisama rin sa talaan ang estatistika ng mga VAW o Violence Against Women mula sa Quezon Medical Center – Women and Children Protection Unit at Quezon Police Provincial Office – Women and Children Protection Desk.

Source: Quezon PIO

Mr. & Ms. A1 and Orally Fit Child 2023 | April 25, 2023

Mr. & Ms. A1 and Orally Fit Child 2023 | April 25, 2023

Ang lalawigan ng Quezon ay idineklarang may pinakamataas na rate ng Orally Fit Children o batang may pinakamagandang ngipin sa buong CALABARZON ayon kay Dr. Eliezer D. Apurado o “Dr. Bong”. Upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ng ngipin ang mga Quezonians, pinangunahan ng Integrated Provinicial Health Office (IPHO) ang kauna-unahang Mr. and Ms. A1 and Orally Fit Child ngayong araw ng Martes, Abril 25 na ginanap sa SM City Lucena.

Ang nasabing programang ay nauugnay sa National Oral Health Program na ang layunin ay hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang kanilang mga ngipin upang maiwasan ang tooth decay, gum disease, at oral cancer.

Sa paglalahad ni IPHO Head Dr. Kristin Mae-Jean M. Villaseñor, kanyang pinasalamatan ang Government Dentists ng Quezon Province at sa mga naging parte upang maisagawa ang programa, kung saan naman ang 19 na partisipante ng kumpetisyon ay mga pre-schoolers mula sa iba’t ibang paaralan ng lalawigan na mga itinanghal na panalo sa kani-kanilang bayan, at ngayon ay nagsama-sama sa isang malaking paligsahan para sa titulo ng “Mr. and Ms. A1 and Orally Fit” ng Quezon Province.

Hangad naman ni Dr. Bong na maipatuloy ang mga ganitong klaseng programa sa mga susunod na taon sapagkat makatutulong ito sa malaking progreso ng pagdami ng orally fit children.

Source: Quezon PIO

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm April 25, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm April 25, 2023