NEWS AND UPDATE

STAN on SKILLS

STAN on SKILLS

🌟 Get Ready to Improve Your Skills with STAN on SKILLS! 🌟Gusto mo ba ng libreng TESDA Training? Kailangan mo ba ng National Certificate para sa trabaho? O naghahanap ka ng dagdag na skills para sa iyong negosyo? 🤔Sa STAN ON SKILLS, posible ‘yan! 🙌

Ano ba ang STAN ON SKILLS?

Ang STAN ON SKILLS ay isang libreng programang binuo sa pangunguna ni Governor Angelina “Helen” Tan para solusyunan ang problema ng unemployment sa Quezon Province. Layunin ng programang ito na tulungan ang mga mamamayan na matuto ng mga bagong kasanayan na magagamit sa kanilang negosyo o trabaho.

📈 Bakit Dapat Lumahok?

Ang mga training programs na ito ay tugma sa mga pangangailangan ng lokal na industriya sa Quezon Province, kaya makasisiguro ka na ang iyong natutunan ay may malaking oportunidad para sa trabaho o negosyo. Bukod pa dito, libre ito at bukas para sa lahat!

Paano Sumali?

Para sa lahat ng gustong lumahok, maaaring kayong makipag-ugnayan sa aming mga partner STAN Satellite Offices:

STAN Unisan

TESDA Training: Plumbing NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: Unisan Evacuation Center, Brgy. F. De Jesus, Unisan, Quezon

Contact No.: 09915769916

STAN Candelaria

TESDA Training: HILOT (WELLNESS MASSAGE) NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: 2nd floor Malabanban Sur Satellite Office, Candelaria, Quezon

Contact No.: 09128940382

STAN Infanta

TESDA Training: SHIELDED METAL ARC WELDING (SMAW NC I)

No. of Available Slots: 29

Training Venue: Brgy. Pilaway Hall, Infanta, Quezon

Contact No.: 09617373337

STAN San Antonio

TESDA Training: BREAD AND PASTRY PRODUCTION NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: Brgy. Buliran, Covered Court, San Antonio, Quezon

Contact No.: 09291310111

STAN Jomalig

TESDA Training: ORGANIC AGRICULTURE PRODUCTION NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: Jomalig Integrated Farm, Brgy Talisoy Jomalig, Quezon

Contact No.: 09103302620

STAN Gumaca

TESDA Training: Housekeeping NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: Gumaca, Quezon

Contact No.: 09203130605 | 09266314845

STAN Atimonan

TESDA Training: Barista NC II

No. of Available Slots: 30

Training Venue: National Agency Bldg., Brgy. Zone I, Atimonan, Quezon

Contact No.: 09473412627

📞 I-contact na ang STAN Office na malapit sa inyo! Magdala lamang ng photocopy ng valid ID at Barangay Clearance.Ano pang inaantay mo , Mag-enroll na at maging bahagi ng pag-usbong ng skilled workforce ng Quezon!

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid0vNnMzAPrByLLJ2kHG7SwCyX4Henz2eXLCdoMcDMkeb5iZHuC1An6wsfygioK8wJtl?rdid=h6hyD5fc9VWyVTAK


Quezon PIO

Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 | October 10, 2024

Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 | October 10, 2024

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 Retooled Community Support Program (RCSP) and Strategic Planning and Identification of Target Beneficiary for FY 2025 Building Sustainable Peace In Quezon Province sa Kamayan sa Palaisdaan Brgy. Dapdap, Tayabas City ngayong araw, Oktubre 10.

Kasabay ng programa pinarangalan din ang mga Local Goverment Units (LGUs) para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang bayan. Ang mga LGUs na nakatanggap ng parangal ay ang mga sumusunod; General Nacar, Mauban, Real , Atimonan, Calauag, Candelaria, Tagkawan, General Luna, Mulanay, San Andres, at San Francisco.

Taos-puso ang pasasalamat ng gobernadora sa mga LGUs na nagpapanatili ng kapayapaan ng kani-kanilang bayan. Inaasahan din ang patuloy na pakikipagbalikatan ng bawat LGUs para sa patuloy na serbisyo para sa mga Quezonians.


Quezon PIO

Pagpupulong at Pagaamenda ng Batas na Amnesty na Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan | October 10, 2024

Pagpupulong at Pagaamenda ng Batas na Amnesty na Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan | October 10, 2024

Dinaluhan ng Quezon Amnesty Board ang pagpupulong at pagaamenda ng Batas na Amnesty na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, ngayong araw ng Oktubre 10.

Ang AMNESTY ay isang pormal na pagpapatawad na ibinibigay ng isang gobyerno sa mga indibidwal o grupo, karaniwang para sa mga pampulitikang paglabag, na nagpapahintulot sa kanila na makaiwas sa pag-uusig o parusa. Madalas itong layunin na magtaguyod ng pagkakasunduan at kapayapaan, lalo na pagkatapos ng mga salungatan o kaguluhan sa politika.

Kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, layunin ng nasabing pagpupulong ang palawigin sa Lalawigan ng Quezon ang Amnesty upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay ang Quezonians.


Quezon PIO

World Mental Health Day 2024

World Mental Health Day 2024

Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang mamamayang Quezonian ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng World Mental Health Day 2024 na may temang “Workplace Mental Health”.

Mahalaga ang pagkakaroon ng suporta mula sa pamilya, kaibigan, at komunidad. Maglaan tayo ng oras para sa ating sarili, magsanay ng self-care, at ipakita ang empatiya sa mga taong dumaranas ng iba’t-ibang hamon sa buhay.

Sa araw na ito, sama-sama nating itaas ang ating mga tinig para sa kalusugang pang-kaisipan. Ang pagkakaroon ng mas malusog na kaisipan ay daan tungo sa mas masaya at payapang pamumuhay!”


Quezon PIO

High-Value Crops Development Program | October 09, 2024

High-Value Crops Development Program | October 09, 2024

Matagumpay na dinaluhan ng 130 na magsasaka ang aktibidad ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano ngayong Miyerkules, ika-9 ng Oktubre, sa OPA, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.

Namahagi Ng 700 bags ng fertilizers at 300 bote ng insecticides, pesticides, at fungicides, na nakatuon sa pagpapabuti ng cacao, mangga, kape, gulay, pineapple, at saging. Ito ay gagamitin sa clustered projects, model farm, rejuvenation, at malakihang produksyon ng gulay.

Sa patuloy na pagtataguyod ng H.E.A.L.I.N.G agenda ni Governor Doktora Helen, ito ay nagsilbing suporta sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang produksyon at maitaguyod ang mas matatag na sektor ng agrikultura.


Quezon PIO

37th Anniversary: Stakeholder’s Recognition | October 09, 2024

37th Anniversary: Stakeholder’s Recognition | October 09, 2024

TINGNAN: Nagdiwang ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng kanilang 37th Anniversary:Stakeholder’s Recognition sa Seda Manila Bay, Paranaque City, ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 9.

Kasabay nito, inanunsyo ng BLGF ang mga Nangungunang Lalawigan, Lungsod, at Bayan sa Pagsusulong ng Pananalapi ng Lokal na Pamahalaan para sa mga Taong 2022 at 2023, na kinikilala ang kanilang natatanging pamamahala sa pananalapi, mga inisyatiba para sa napapanatiling paglago, at epektibong pagkolekta ng kita at mobilisasyon ng mga yaman.

Dahil dito, Matagumpay na tinanggap ng ating butihing Governor Doktora Helen Tan at Provincial Treasurer Marilou Uy ang mga parangal bilang Rank 1 Year-on-Year Growth in Local Source Revenues FY 2022, Rank 4 Local Source Revenues in nominal terms FY 2022, Rank 5 Local Source Revenues in nominal terms FY 2023, Rank 6 Ratio of Local Source Revenues to total current operating income (27.39%) FY 2022 at Rank 6 Ration of Local Source Revenues to total current operating income (32.33%) FY 2023.

Samantala, Taos-puso naman ang pasasalamat ng gobernadora sa mga natanggap na parangal ng Lalawigan ng Quezon sa nasabing programa. Asahan din ang mas lalong pagpapahusay ng serbisyo para sa mamamayang QUEZONIANS.


Quezon PIO