NEWS AND UPDATE

MLQ Quiz Bee | August 18, 2023

MLQ Quiz Bee | August 18, 2023

Sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023 ay ipinagdiriwang din ang ika-145 anibersaryong kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Kaugnay nito, upang buklatin at tuklasin ang makasaysayang buhay ng dating pangulo ay isinagawa ngayong araw, Agosto 18 sa STI College Lucena ang MLQ Quiz Bee (Tagisan ng Talino) na nilahukan ng mga mag-aaral ng Elementariya, Sekondariya, at Senior High mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng nasabing patimpalak mas mapapaigting ang pagkilala ng mga kabataan sa makabuluhang ambag ng tinaguriang ama ng wikang pambansa.

Narito naman ang mga pinagmulang bayan ng mga estudyanteng nagwagi sa kompetisyon:

Elementary

*1st Place – Lucena

*2nd Place – Candelaria

*3rd Place – Quezon

Junior High

*1st Place – Lucena

*2nd Place – Gumaca

*3rd Place – Alabat

Senior High

*1st Place – Tiaong

*2nd Place – Catanuan

*3rd Place- Macalelon

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Quezon Youth Leadership Seminar & Workshop | August 18, 2023

Quezon Youth Leadership Seminar & Workshop | August 18, 2023

Ginanap ngayong araw ng Biyernes, Agosto 18 ang Quezon Youth Leadership Seminar and Workshop sa Quezon Convention Center, Lucena City .

Pinangunahan ni SKPF President Hon. Iris H. Armando ang aktibidad na layong magbigay pagsasanay sa mga kabataang naghahangad na maging isa sa may pusong nais maglingkod para sa kanilang mga bayan.

Nakiisa si Governor Doktora Helen Tan kasama si Provincial Youth Development Officer John Carlo Villasin at nagbigay ng inspirasyon sa limang daan at animnapu’t apat na kabataan bilang pagsuporta sa kanilang hangarin na maglingkod kung saan naman ay hangad ng gobernadora ang matibay at tapat na serbisyo ng bawat kabataang dumalo sa nasabing aktibidad.

Source: Quezon PIO

Traffic Advisory – Re:Grand Parade sa Niyogyugan Festival Activity – August 19, 2023

Traffic Advisory – Re:Grand Parade sa Niyogyugan Festival Activity – August 19, 2023

TRAFFIC ADVISORY

Inaabisuhan ang publiko sa gaganaping Grand Parade ng #NiyogyuganFestival2023 sa ika-19 ng Agosto 2023.

Simula 1:00 ng hapon ay magsisimula na ang pagsasara at clearing ng Quezon Avenue Ext. Brgy. Cotta, hanggang ML Tagarao St., gayun din, simula sa Quezon Ave. cor. M.L. Tagarao St. Hanggang sa Alcala Sports Complex. Ito ay magtatagal hanggang 7:00 ng Gabi.

Tingnan ang bawat larawan para malaman ang mga alternatibong ruta para sa mga pampubliko at pribadong sasakyan sa Lungsod ng Lucena.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023.

Lalawigan ng Quezon, Niyogyugan na!

#TAraNasaQuezon

Link: https://www.facebook.com/TourismQuezonProvince/posts/pfbid0cRfXRH4pAr4upC2KYthspx2a5kbsrNmBfL7VGUkxmKhHkWzdWJ7Qa5Ef6jUwYTPKl

Source: Quezon Tourism

Groundbreaking Ceremony – Perez Super Health Center & 2-Storey 10-Classroom Building at Perez National High School | August 17, 2023

Groundbreaking Ceremony – Perez Super Health Center & 2-Storey 10-Classroom Building at Perez National High School | August 17, 2023

Isang pangarap para sa mamamayan ng Perez ang magkaroon ng sariling pagamutan at karagdagang silid-aralan na maisasakatuparan na sa isinagawang Groundbreaking Ceremony nitong Huwebes Agosto 17.

Sa pakikipagtulungan ni Governor Doktora Helen Tan at Cong. Atorni Mike Tan ng ika-4 na distrito ng Quezon sa Department of Health (DOH), itatayo na ang Super Health Center sa Barangay Pinagtubigan Weste na may sukat na 28 meters by 15 meters kung saan mayroon itong Birthing Room, Xray, Minor Operating Room, Laboratory, Pharmacy, Ward at iba pa na magpapalawig sa serbisyong pangkalusugan at hindi na kinakailangang tumawid ng isla ng mamamayan rito para maabot ang basic health services.

Habang 2-storey 10-classroom naman ang itatayo sa Perez National High School na mas maayos at komportableng silid aralan na mapakikinabangan ng aabot sa 500 estudyante.

Kaisa ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Charizze Marie Escalona upang patuloy na maiangat ang sektor ng bawat mamamayang Perezians.

Samantala, pasinayaan din ang Covered Court sa Barangay Montaña Quezon, Quezon kasama sina Board Member Harold Butardo at Mayor Juan Escolano. Ito ay may mataas na bakod, Comfort Room, at Stage na kayang mag accomodate ng mahigit 500 katao kapag may mga okasyon. Gayundin din ang pagbibigay ng mga gamot sa lahat ng mga Barangay sa mga nasabing bayan.

Source: Quezon PIO

Coordination Meeting Association of Municipal Accountants of Quezon (AMAZON) | August 17, 2023

Coordination Meeting Association of Municipal Accountants of Quezon (AMAZON) | August 17, 2023

Ngayong araw ng Huwebes, Agosto 17 nagsagawa ng pagpupulong para sa mga miyembro ng Association of Municipal Accountants of Quezon (AMAZON) na ginanap sa Conference Room ng Capitol Building, Lucena City.

Sa pangunguna ng Office of the Provincial Accountant na pinamumunuan ni Mr. Alberto S. Bay, Jr. ay kanilang tinalakay ang kahalagahan ng serbisyo na nabibigay ng mga municipal accountants upang mapanatiling tapat at maayos ang paggamit ng pondo ng bayan.

Samantala, kinilala naman sa pagpupulong ang mga local government unit (LGU) na nakatanggap ng mataas na audit rating o Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit (COA).

Source: Quezon PIO

Gawad Kalasag Seal Reguinal Field Validation | August 17, 2023

Gawad Kalasag Seal Reguinal Field Validation | August 17, 2023

“Ang accomplishment ng PDRRM ay accomplishment ng bawat isang miyembro.” Ito ang pahayag ni Quezon Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office head Doc. Melchor Avenilla sa ginanap na Gawad Kalasag Validation kahapon ng Huwebes, Agosto 17 sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

Matatandaang tumanggap ng pagkilala ang Quezon PDRRM bilang “Beyond Compliance” sa Gawad Kalasag Seal for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management noong 2021 at 2022. Dumalo sa isinagawang validation ang mga miyembro ng validation committee na sina CDO IV Kelvin John Reyes CDO I Patricia Beatrice Porte mula sa Office of the Civil Defense 4A, at Ma Christina Tatoy – Social Welfare Officer mula sa DSWD 4A.

Ipinaabot naman ni Provincial Administrator Manny Butardo ang mensahe at pagbati ni Governor Doktora Helen para sa kanilang husay at galing sa paglilingkod upang maiwasan ang mga panganib na idinudulot ng mga kalamidad sa buhay ng bawat Quezonian.

Source: Quezon PIO

Gabi ng Kulturang Quezonian – August 17, 2023

Gabi ng Kulturang Quezonian – August 17, 2023

Maaliw sa himig awitin ng Oroquieta Chamber Singers mamaya sa Gabi ng Kulturang Quezonian.
#TAraNasaquezon
#niyogyuganfestival2023

Source: Quezon Tourism

Tagayan Ritual Dance Competition | August 16, 2023

Tagayan Ritual Dance Competition | August 16, 2023

Na’ay po! Pakinabanggan po!

Upang mapanatili ang tradisyon at kultura ng mga taga-Quezon, idinaos kahapon ng Miyerkules, Agosto 16 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang Tagayan Ritual Dance Competition na nilahukan ng 23 bayan sa lalawigan.

Bawat grupong kalahok ay may sari-sariling pakulo sa pagpapakita ng kagandahan ng tradisyonal na sayaw na ito.

Nagwagi namang makuha ng mga sumusunod ang gantimpala ng kompetisyon:

*1st Place – Atimonan (50k)

*2nd Place – Lucban (40k)

*3rd Place – Infanta (30k)

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

On-The-Spot Painting Contest | August 16, 2023

On-The-Spot Painting Contest | August 16, 2023

Mas binigyang kulay ng mga talentadong pintor na Quezonian ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023 sa isinagawang On-the-Spot Painting Contest kahapon, Agosto 16 sa Perez Park, Lucena City.

Naglaban-laban ang mga bago at beteranong pintor sa paglikha ng kani-kanilang obra maestra na may temang “Kapistahan ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon” kung saan kanya-kanyang bersyon at interpretasyon ang kanilang mga ipininta.

Nakatanggap naman ng tropeo at cash prizes ang mga nanalo sa dalawang kategorya ng kompetisyon;

Bracket A (Amateur Category)

*1st Place – Dan Paolo Villaverde (Polillo)

*2nd Place – Ivan Del Espiritu Santo (Calauag)

*3rd Place – Art Dave D. Calusin (Pagbilao)

Bracket B (Professional Category)

*1st Place – Joyce B. Glorioso (Pagbilao)

*2nd Place – Julius Caezar L. Panganiban (Dolores)

*3rd Place – Elmer Envento (San Andres)

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Niyogyugan 2023 Jobs and Business Fair | August 16, 2023

Niyogyugan 2023 Jobs and Business Fair | August 16, 2023

“I wish you the best, I wish you goodluck.” Ito ang sabi ni DOLE Quezon Provincial Head Mr. Edwin T. Hernandez sa ginanap na Niyogyugan 2023 Jobs and Business Fair ngayong Miyerkules, Agosto 16 sa Quezon Convention Center, Lucena City

Sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan at ng Department of Labor and Employment (DOLE) Quezon katuwang ang TESDA Quezon at PESO Quezon Province ay nabigyang katuparan ang pagnanais ng ating mga kalalawigan na naghahanap ng trabaho.

Apatnapu’t dalawang (42) pribadong kumpanya at ilang ahensya ng gobyerno ang nagbigay ng oportunidad para sa mga dumating na aplikante. Tiniyak naman ng mga employer na nakiisa sa aktibidad na mabibigyan ng pantay-pantay na pagkakataon ang mga kwalipikadong indibidwal, anuman ang kanilang edad.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ni DOLE Regional Office IV-A Regional Director Atty. Roy L. Buenafe, DOLE Quezon Provincial Head Mr. Edwin T. Hernandez, TESDA Regional Office IV-A Mr. Baron Jose L. Lagran, TESDA Quezon Provincial Director Gerardo Marasigan, Quezon Provincial Administrator Manny Butardo at Provincial PESO Manager Atty. Melojean Puache.

Pangako ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang DOLE na walang maiiwan, lahat ay mabibigyan ng pagkakataong maiangat ang mga sarili at maiahon ang bawat pamilyang Quezonian sa kanilang estado sa buhay.

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO