
Step-up Orientation and Business Matching Activity | May 20, 2025
STEP-UP PARA SA MSMEs ng Quezon!
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ng Martes, Mayo 20, 2025, ang STEP-UP Orientation and Business Matching Activity para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa conference room ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Ang aktibidad ay alinsunod sa adhikain ni Governor Doktora Helen Tan at ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco na mapataas ang antas ng pagnenegosyo sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay, kagamitan, at direktang koneksyon sa merkado. Isa rin sa mga layunin ang pagtulong sa mga negosyante na mairehistro ang kanilang produkto sa FDA, na magbubukas ng mas malalaking oportunidad sa lokal at internasyonal na merkado.
Pinangunahan ni Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco at Mr. Vincent Villasin ng Flavors of Quezon ang orientation, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng inobasyon, digitalization, at networking sa iba’t ibang ahensya at pribadong sektor.
Samantala sa business matching activity naman ay nabigyang daan ang posibilidad na maipasok ang mga produktong Quezon sa mga kilalang establisyemento gaya ng SM City Lucena, Pacific Mall Lucena, Metro, LCC Malls, at 10 Walter Mart branches sa CALABARZON, sa pamamagitan ng mga Tan-kilik Hubs.
Nagkaroon din ng open forum upang direktang marinig ang pangangailangan ng ating MSMEs at kanilang mga mungkahi para sa mas angkop na pagsasanay.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa mas maunlad na kabuhayan at mas matatag na kinabukasan para sa bawat negosyante sa ating lalawigan.
For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1FAX9W6k8B/
#StepUpOrientation
#HEALINGQuezon
#SerbisyongTunayAtNatural
Quezon PIO