NEWS AND UPDATE

Congratulations, Tagayan Ritual 2nd Runner-up Best Institutionalized Program for Culture & Arts

Congratulations, Tagayan Ritual 2nd Runner-up Best Institutionalized Program for Culture & Arts

Pagbati para sa the Land of Thousand Colors!

Pinarangalan ng Association of Tourism of the Philippines (ATOP) Pearl Awards 2024 ang Tagayan Ritual ng Quezon Province bilang 2nd Runner-Up (Provincial Catergory) Best Institutionalizes Program For Culture & Arts, habang ang Pahiyas Festival ng bayan ng Lucban ay pinarangalang Grand Winner (Municipal Category) bilang Best Tourism Event at Best Religious Festival sa The Farm, Carpenter Hill, Koronadal City, South Cotobato nitong araw ng Oktubre 10.

Tunay ngang maipagmamalaki ang angking ganda ng kulturang mayroon ang Lalawigan ng Quezon.

Kaya’t ano pang hinihintay nyo?

TARA NA SA QUEZON!


Quezon PIO

Veterinary Medical Mission – Sampaloc, Quezon | October 12, 2024

Veterinary Medical Mission – Sampaloc, Quezon | October 12, 2024

Noong nakaraang sabado, ika-12 ng Oktubre 2024, ang Office of the Provincial Veterinarian ay naimbitahan kasama ang Quezon Veterinary Medical Association ng samahang University of the Philippines Alumni Association of Quezon Province katuwang ang Office of the Municipal Agriculture. Sila ay nagsagawa ng libreng veterinary medical mission sa naturang munisipalidad.

Ito ay isinagawa sa dalawang barangay ng nasabing munisipalidad: Brgy. Banot at Poblacion. Nagkaroon ng libreng veterinary medical services katulad ng pagbabakuna laban sa rabies, pagpupurga at konsultasyon para sa mga alagang fur babies. Ang ganitong uri ng aktibidad ay naglalayong magbigay ng kamalayan sa mga fur parents tungkol sa pag-iwas sa rabies at upang bigyang pansin ang patuloy na pagtalo sa nakakatakot na sakit na ito.

Anti-Rabies Vaccination

Kabuuang bilang ng hayop na nabakunahan: 496

🐶: 378

😺: 118

Kabuuang bilang ng mga tao: 336

👨: 171

👩: 165

Pagbibigay ng iba pang serbisyong pambeterinaryo (hal. pagpupurga, konsultasyon, pagbibigay ng bitamina)

Kabuuang bilang ng mga hayop: 689

🐶: 536

😺: 153


Quezon PIO

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Infirmary Hospital at ang Bagong Munispyo sa Lucban, Quezon | October 12, 2024

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Infirmary Hospital at ang Bagong Munispyo sa Lucban, Quezon | October 12, 2024

Sa pagtungo ni Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Lucban nitong araw ng Sabado, Oktubre 12, kanya ring binisita ang Infirmary Hospital at ang bagong Munispyo ng nasabing bayan.

Masaya naman ang Gobernadora sapagkat malaking tulong ang Infirmary Hospital para sa pagtugon sa pangkalusugan na pangangailangan ng mga mamamayan ng Lucban. Gayundin ang bagong Munispyo ay maghahatid ng mas malawak na espasyo upang makapaghatid ng serbisyo sa mga residente.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 12, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 12, 2024

Sa pagpapatuloy ng malawakang paghahatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga Quezonian, sunod na nagtungo sa bayan ng Lucban ang buong Medical Team sa pangunguna nina Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala nitong araw ng Sabado, Oktubre 12.

Mayroong 4,005 benepisyaryo ang naitalang nakinabang ng medical check-up, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa maliit na bukol, ENT, cervical cancer screening, pagbabakuna ng anti-pneumonia, eye check-up at libreng pagpapasalamin para sa lubos na nangangailangan na nito, X-ray, Ultrasound, ECG, FBS/RBS, CBC, Cholesterol, at Urinalysis.

Para naman mga pasyenteng hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang pagpapa-laboratoryo ng doktor, nabigyan sila ng medical assistance mula sa programang AICS na naisakatuparan sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).


Quezon PIO

Pamamahagi ng Libreng mga Esensyal na Gamot at Tulong Pinansyal | October 12, 2024

Pamamahagi ng Libreng mga Esensyal na Gamot at Tulong Pinansyal | October 12, 2024

Ginanap ngayong araw ng Sabado, Oktubre 12 ang pamamahagi ng libreng mga esensyal na gamot at tulong pinansyal para sa mga Barangay sa bayan ng Lucban na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan.

Mahalagang tugon ang nasabing mga gamot sapagkat magsisilbi itong pantawid tulong para sa mga may iniindang sakit, habang ang tulong pinansyal na natanggap ng 32 Barangays ay magagamit para sa iba pang serbisyong pangkalusugan.


Quezon PIO

Medical Mission – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Medical Mission – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Mga naging kaganapan sa ginanap na Medical Mission sa bayan ng Lucban ngayong araw ng Sabado, Oktubre 12 sa pangunguna nina Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala.


Quezon PIO

Tatlong Bagong Barangay Service Vehicle – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Tatlong Bagong Barangay Service Vehicle – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala at Mayor Tenten Villaverde ang pagkakaloob ng tatlong bagong barangay service vehicle sa bayan ng Lucban ngayong araw, Oktubre 12.

Ang nasabing service vehicles ay natanggap ng Brgy. 2, Brgy. Kalyaat, at Brgy. Igang sa bayan ng Lucban na layong maging instrumento sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga nangangailangan residente ng nasabing mga barangay.


Quezon PIO