NEWS AND UPDATE

2nd Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024 | October 12-13, 2024

2nd Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024 | October 12-13, 2024

Isang programa ang inilunsad ng Provincial Sports Office sa ilalim ng pamumuno ni Coach Aris A. Mercene, ang 2nd Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan Table Tennis Tournament 2024, na ginanap nitong Sabado at Linggo, Oktubre 12-13, 2024, sa Balagatas Sports Complex, Atimonan, Quezon.

Mula sa tournament na ito, pumili ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan na magiging kinatawan ng Quezon Province sa Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2024 na gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan sa darating na Nobyembre 24-28, 2024.

Sa hangarin na magkaroon ng makapangyarihang mamamayan ay patuloy ang suporta ng ating Gobernadora sa mga batang Quezonian sa larangan ng sports.


Quezon PIO

Special Program for Employment of Student | October 14, 2024

Special Program for Employment of Student | October 14, 2024

Matagumpay na naipagkaloob na sa isang daang (100) benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES), ang 60% ng kanilang sahod na nagmula sa budget ng Provincial Government of Quezon, matapos isagawa ang maikling programa para sa SPES payout nitong araw Lunes, Oktubre 14 na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Iginawad nina Gov. Doktora Helen Tan, Assistant Department Head ng Quezon Provincial PESO/ Acting PESO Manager na si Ms. Genecille P. Aguirre at ng Provincial Assessor (at dating Acting PESO Manager), Atty. Melojean M. Puache, ang pagkilala sa mga kabataang mag-aaral na naging benepisyaryo ng programa. Kasabay nito ay ipinagkaloob din ang sertipiko ng pagpapahalaga sa dalawampu’t tatlong (23) tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na naging katuwang sa pagpapatupad ng programa.

Sa pangkalahatan ay naging matagumpay ang naging paglulunsad ng SPES sapagkat naging daan ito upang makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga napiling benepisyaryo. Gayundin, naging isang makabuluhang instrumento ito upang patuloy na mahubog ang kasanayan ng bawat kabataang Quezonian, sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa ating mga kalalawigan.


Quezon PIO

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center | October 13, 2024

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center | October 13, 2024

Binisita ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Oktubre 13 ang kasalukuyang kalagayan ng itinatayong Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center na matatagpuan sa Brgy. Potol, Tayabas City.

Sa ngayon, binigyang atensyon ng gobernadora ang napabayaang konstruksiyon nito sapagkat hindi ito nabibigyan ng sapat na pondo, kung kaya’t siya’y nananawagan sa Department of Health (DOH) upang mabigyang prayoridad ang napakalaki at napakahalagang proyektong tumutugon sa suliraning pangkalusugan.

Noong Abril 2022 nang maisabatas ang Republic Act No. 11702 na iniakda ni Gov. Tan noong siya’y kongresista pa katuwang si 1st District Congressman Mark Enverga, ito ang nagsilbing hudyat upang maipatayo ang nasabing multi-specialty hospital na layong maging kauna-unahang pagamutan ng iba’t-ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at isa sa magiging end-referral hospital.

Pangangasiwaan naman ito ng DOH upang masiguro ang mahusay at epektibong pagtugon para sa mas mataas na dekalidad na serbisyong medikal sa Quezon at iba pang mga karatig-lalawigan gaya ng Laguna, Cavite, Rizal, Batangas, Bicol, Marinduque, Romblon, gayundin ang Metro Manila.

Samantala, naisagawa naman ang Groundbreaking Ceremony ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center noong Mayo ng taong 2022.


Quezon PIO

Medical Mission sa Brgy. Calumpang, Tayabas City | October 13, 2024

Medical Mission sa Brgy. Calumpang, Tayabas City | October 13, 2024

Bilang patunay na tuloy-tuloy at hindi pababayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga mamamayang Quezonian, natanggap na ng mga pasyenteng mula sa ginanap na Medical Mission sa Brgy. Calumpang, Tayabas City ang kanilang mga libreng salamin.

245 ang benepisyaryong nakakuha ng mga prescribed eyeglasses na sinukat sa kanila noong sila’y nagpakonsulta sa mata sa isinagawang Medical Mission sa nasabing Barangay nitong nakaraang Setyembre.

Samantala, malugod namang pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pamamahagi ng mga libreng salamin.

Asahan naman na hindi mapapatid ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo’t programa, upang masiguro ang malusog at masiglang lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Service Vehicles para sa Apat na Barangay sa Lungsod ng Tayabas | October 13, 2024

Service Vehicles para sa Apat na Barangay sa Lungsod ng Tayabas | October 13, 2024

Naipagkaloob ngayong araw, Oktubre 13 sa apat na Barangay ng Lungsod ng Tayabas ang mga bagong Brgy. Service Vehicles sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Una nang nabigyan ang ilang Barangay ng nasabing Lungsod ng service vehicle, at ngayon nama’y natanggap ito ng Brgy. Gibanga, Brgy. Alsam Ibaba, Brgy. Katigan Silangan, at Brgy. Calantas kung saan magagamit upang maghatid ng serbisyo sa mga nangangailangan residente.


Quezon PIO

Iba’t-ibang Libreng Serbisyong Medikal para sa mga Mamamayan ng Tayabas City | October 13, 2024

Iba’t-ibang Libreng Serbisyong Medikal para sa mga Mamamayan ng Tayabas City | October 13, 2024

Kaalinsabay sa paghahatid ng iba’t-ibang libreng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Tayabas City, ginanap rin ngayong araw ng Linggo, Oktubre 13 ang pamamahagi ng mga libreng esensyal na gamot at tulong pinansyal para sa mga Barangay ng nasabing lungsod.

Ang nagkakahalagang P55,000 na esensyal na mga gamot ay magsisilbing pantawid tugon at tulong para sa mga residenteng may iniindang sakit, habang ang Aid to Barangay na sinimulang ibigay muli noong nakaraang taon ay naglalayong maging daan sa pagpapatupad ng mga serbisyong pangkalusugan sa kanilang Barangay.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | October 13, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | October 13, 2024

Ang mga naging kaganapan sa isinagawang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Tayabas East Central School ngayong araw ng Linggo, Oktubre 13.

Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang mga doktor at espesyalista na nagmula pa sa Maynila at iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO