NEWS AND UPDATE

Groundbreaking of San Francisco District Hospital | July 12, 2023

Groundbreaking of San Francisco District Hospital | July 12, 2023

Sa hangarin na maibigay ang dekalidad na serbisyong medikal para sa ating mga kalalawigan, patuloy na isinasaayos at pinapalawak ang mga ospital sa lalawigan ng Quezon.

Ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 12 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen, ginanap ang groundbreaking ceremony ng pagtatayuan ng bagong gusali ng San Francisco District Hospital.

May sukat na 2,670 sqm ang unang palapag nito, habang pangalawang palapag ay may 2,646 sqm. Sa kasalukuyan ay sampung pasyente lamang ang maaaring maconfine sa ospital, ngayo’y magiging walumpu’t dalawang bed capacity na ito sa bagong gusali.

Samantala, nagpakita rin ng pagsuporta sa proyekto sina 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Mayor Roming Edaño, at Vice Mayor Kresna Fernandez.

Source: Quezon PIO

We are Now Accepting Applicants for SPES (Special Program for Employment of Students)

We are Now Accepting Applicants for SPES (Special Program for Employment of Students)

EYES HERE YOUNG QUEZONIANS

WE ARE NOW ACCEPTING APPLICANTS FOR SPES (Special Program for Employment of Students)

Kindly bring all DOCUMENTARY REQUIREMENTS to be submitted starting tomorrow JULY 12, 2023 (Wednesday) until JULY 17, 2023 (Monday) from 8:00AM to 5:00PM ONLY

For more information, you may call (042) 373-4805 / 0933-868-5524 or send us a message here at our Facebook Page.

Source: Quezon Provincial PESO

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 11, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 11, 2023

NGCP UPDATE | 4:00pm – July 11, 2023

NGCP UPDATE | 4:00pm – July 11, 2023

Yellow alert for Luzon grid lifted

As of 4:00PM, yellow alert has been lifted by NGCP for the Luzon grid.

A yellow alert is issued when the operating margin is insufficient to meet the transmission grid’s regulating and contingency requirement.

Source: Quezon PIO

Launching of Quezon Primary Care Provider Network (QPCPN) Konsulta Sandbox | July 11, 2023

Launching of Quezon Primary Care Provider Network (QPCPN) Konsulta Sandbox | July 11, 2023

Opisyal nang inilunsad ngayong araw ng Martes, Hulyo 11 ang Quezon Primary Care Provider Network (QPCPN) Konsulta Sandbox sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang PhilHealth, Department of Health (DOH), at Provincial Health Office (PHO).

Sa pamamagitan ng QPCPN, mas lalong mapalawig ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) sa lalawigan, at malaking hakbangin din ito upang makapagbigay ng epektibong paghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal para sa mga Quezonian. Ilan sa mga serbisyong handog nito ay libreng konsulta, 13 diagnostic services, at 21 essential medicines na kung saan ay PhilHealth ang magbabayad o sasagot nito.

Labis naman na ikinatuwa ni Governor Tan na ang Quezon ay isa sa apat na lalawigan sa Pilipinas ang nagpapatupad ng programang Konsulta sapagkat direktang maipaparamdam sa ating mga kalalawigan ang mga pangkalusugang serbisyo.

Samantala, inanusyo sa ginanap na programa ang mga miyembro ng 9 interlocal health zone network na magbabalikatan sa panahon na may kakulangan sa resources at man power ang mga magkakaratig na bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa pagtatapos una nang nagparehistro si Governor Tan sa Konsulta program ng PhilHealth, gayundin ang ilang Quezonian na mula sa iba’t-ibang sektor.

Upang magparehistro at maging benepisyaryo sa programang ito, ay pumunta lamang sa mga accredited Konsulta Health Facilities at Health Center na malapit sa inyong lugar.

Source: Quezon PIO

Ika-52 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | July 10, 2023

Ika-52 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | July 10, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Hulyo 10 ang Ika- 52 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Hindi tumitigil sa pag aapruba ng mga ordinansa, resolusyon at mga atas tagapag paganap ang Sangguniang Panlalawigan para sa ikabubuti ng mga mamamayan sa Lalawigan ng Quezon. Ilan sa mga naaprubahan sa sesyon ay ang ordinansa ng Tayabas pagdating sa kalusugan, at ordinansa na sumusuporta sa organisasyon ng Infant and Young Child Feeding (IYCF) na nagbibigay ng libreng gatas mula sa isang ina para sa mga sanggol na higit na ngangangailangan.

Aprubado rin sa pulong ang ordinansa na nagdedeklarang tuwing ika- 13 ng Agosto ay magiging araw ng Kalayaan ng Lalawigan ng Quezon. Ito’y itatakda bilang isa sa mga highlights ng Niyogyugan Festival.

Samantala binigyang kapangyarihan naman ng sanggunian si Governor Doktora Helen Tan na malagdaan na ang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Pambansang Pamahalaan sa proyekto ng Department of Environment and Natural Resources: Ang ilog ay buhay, ibalik ang kulay. Isang proyektong nasyunal na mag rerehabilita ng ating mga ilog na nasasakupan.

Ipinakilala rin sa pulong ang pinakabagong Provincial Director ng DILG Quezon Abigal Andres. Aniya “Ang Quezon po ay aking pagsisilbihan sa lubos ng aking makakaya.”

Source: Quezon PIO

Provincial Government of Quezon Best Performing Offices on Solid Waste Management | July 10, 2023

Provincial Government of Quezon Best Performing Offices on Solid Waste Management | July 10, 2023

Ginawaran ng parangal ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office ngayong araw ng Lunes, Hulyo 10 ang mga Best Performing Offices at Focal Persons ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa wastong pagtatapon ng mga basura ngayong Second Quarter ng taon.

Alinsunod sa Solid Waste Management Program patungkol sa tamang kaayusan at pagtatapon ng basura ng mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan, tumanggap ng parangal mula sa PG-ENRO ang mga sumusunod:

-Office of the Provincial Administrator – Ms. Emelita L. Gregorio

-Office of the Provincial General Services – Ms. Maria Cecelia B. Tañala

-Office of the Provincial Internal Audit – Ms. Raquel G. Limbo

-Office of the Provincial Library – Ms. Ludivina A. Coladilla

-Provincial Governor’s Office, Ground Floor – Ms. Annalissa B. Dedace

Ang kalinisan ay isang sangkap ng disiplina kung kaya’t inaasahan na mapapanatili ang kaayusan sa mga tamang tapunan ng bawat opisina ng pamahalaang panlalawigan.

Source: Quezon PIO

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 10, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 10, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 09, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm July 09, 2023