NEWS AND UPDATE

Coco Zumba Dance Contest | August 13, 2023

Coco Zumba Dance Contest | August 13, 2023

Bigay todo sa paggiling at pagkembot ang mga kababaihang kalahok sa isinagawang kauna-unahang Coco Zumba Dance Contest na ginanap kahapon, Agosto 13 sa Perez Park, Lucena City.

Ang apat na grupong kalahok sa kompetisyon ay mula sa apat na distrito ng Quezon at mga miyembro ng 4K, kung saan sila’y nagtagisan upang masungkit ang pagiging kampeon.

Nakiisa at nakisaya din sa nasabing kompetisyon si Governor Doktora Helen Tan kasama sina Board Member John Joseph Aquivido, 4K Provincial President Glenda Alpuerto, may bahay ni 3rd District Cong. Reynan Arogancia – Agnes Arogancia, at ilang municipal mayors.

Sa huli, ang mga nagwagi ay nakatanggap ng tropeo at cash prizes;

*Champion & Best in Costume – District 4

*1st runner up – District 2

*2nd runner up – District 3

*3rd runner up – District 1

Congratulations sa lahat ng mga nanalo!

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Ang mga Obra Maestrang Likha ng Ating mga Talentadong Quezonian | August 13, 2023

Ang mga Obra Maestrang Likha ng Ating mga Talentadong Quezonian | August 13, 2023

Mga kalalawigan, halina’t bisitahin at masdan ang mga obra maestrang likha ng ating mga talentadong Quezonian!

Matatagpuan ang exhibit sa unang palapag ng kapitolyo.

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Niyogyugan Triathlon | August 13, 2023

Niyogyugan Triathlon | August 13, 2023

Sa ika-limang araw ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023, ginanap ngayong Agosto 13 ang Triathlon na nilahukan ng mga atletang nagmula sa iba’t ibang bayan ng Quezon at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Pinangunahan ng M.O.P. Sports Event Organizer ang nasabing aktibidad sa paglalayon na mapaigting ang aktibo at malusog na lifestyle sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan.

Naging mainit naman ang labanan ng mga kalahok sa pabilisan ng paglangoy sa 600 meters pool sa Alcala Sports Complex, sumunod naman ang pagbisikleta nila ng 18 kilometers, at ang pagtakbo ng 5 kilometers.

Sa huli, ang mga nagwagi mula sa iba’t ibang kategorya ay nakatanggap ng tropeyo at cash prizes na nagkakahalagang 15,000 (1st place); 10,000 (2nd place); at 7,000 (3rd place).

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Coco Zumba Dance Contest

Coco Zumba Dance Contest

Wowie De Guzman nasa Niyogyugan Festival mamaya. O ha! Di ba! Ano’ng say mo?

Maki-coco zumba na, Sige ihataw mo!!!

#TAraNasaquezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon Tourism

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 Winners

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 Winners

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 winners; Kristian Angelo Ariola from Real, Quezon and Juliana Louise Martinez from Pagbilao, Quezon.

You both truly deserve the crown!

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Cocolympics 2023 Finals | August 11, 2023

Cocolympics 2023 Finals | August 11, 2023

Upang mas pasiglahin ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023 para sa ating mga magniniyog na Quezonian, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Agosto 11 ang Cocolympics Championship Round.

Nagtagisan sa bilis, diskarte, galing at talino ang mga kalahok mula sa mga bayan ng apat na distrito ng Quezon sa paglalayon na maipanalo ang bawat patimpalak na inihanda para sa kanila.

Sa huli, hinirang na panalo ang mga sumusunod:

*Coconut Relay – Sampaloc

*Pamanang Luto Cooking Contest – Mulanay

*Agri-Henyo – Sariaya

*Kapitan Levy Paragon Designing Contest – Macalelon

*Farm Family Feud – Unisan

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program

Magandang balita para sa ating mga mag-aaral na Quezonians!

Bukas na para sa aplikasyon ang 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa mga kabataan mula sa pinakamahihirap na pamilyang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Ang mga mag-aaral na nais maging Iskolar ay kinakailangang:

– Isang Pilipino

– Mamamayan ng Lalawigan ng Quezon

– Nagmula sa mahirap na pamilya (indigent)

– Nakapagtapos ng Sekondarya (Senior High School)

– Wala pa ni isa sa kanyang pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo

Bibigyang prayoridad ang mga mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o mula sa mga pinakamahihirap na pamilya (Poorest of the Poor)

Sa mga kwalipikadong mag-aaral, ipasa ang mga sumusunod:

– Letter of Intent

– Application Form (i-download mula sa link na ito

https://drive.google.com/file/d/18BsGQbutrPTafuG6PEEoQIzZwJSg_aGC/view?fbclid=IwAR1vA-zzQhLA4Vu7sW1HJRtoIxTBakNm2ZLBprC_naxH0dahdHqP4tDVToU

– Alin man sa sumusunod:

o Certified Copy ng Birth Certificate mula sa Civil Registrar;

o PSA Birth Certificate; o

o Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang orihinal na ID sa regisration)

– Certified Photocopy ng DepEd School Form 9 o Learner’s Progress Report Card (Signed and Sealed by School Principal)

– Social Case Study mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)

Mangyaring isulit ang mga dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong lugar o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa Governor’s Mansion, Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City. Tatanggapin lamang ang aplikasyon hanggang ika-1 ng Setyembre 2023.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:

(042) 785 0281 o 0998-548-6607

Source: Quezon PIO

Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear | August 09, 2023

Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear | August 09, 2023

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023, ginanap kahapon ng Miyerkules, Agosto 9 ang labanan para sa Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear sa Perez Park, Lucena City.

Inirampa ng dalawapu’t dalawang kalahok na Ginoo at dalawampu’t walong Binibini ang kanilang magagarbong kasuotan na dinesenyohan ng iba’t ibang materyales tulad ng niyog.

Ginawa naman mismo ng mga local designers ang mga nasabing kasuotan ng mga kandidato at kandidata upang bigyang kilala ang kanilang galing at malikhaing talento.

Personal na tinunghayan ni Governor Doktora Helen Tan ang kompetisyon, gayundin ang ilang mga punong bayan bilang pagpapakita ng supporta sa kanilang mga pambato.

Sa darating na Agosto 11, ala-syete (7:00 pm) ng gabi ay abangan ang Coronation Night ng bagong Ginoo at Binibining Niyogyugan 2023 na gaganapin sa Quezon Convention Center.

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO