Blessing of Farm to Market Road | October 15, 2024
Live: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/554205490349868/
Quezon PIO
Live: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/554205490349868/
Quezon PIO
Sa ika-sampung pagkakataon sa taong 2024, muling isinagawa ang KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo ngayong araw ng Martes, Oktubre 15 sa Quezon Capitol Compound, Lucena City.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang buwanang aktibidad katuwang ang Department of Trade and Industry Quezon Provincial Office at ng ibaโt ibang mga ahensya bilang pakikiisa sa paghahangad ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mailapit ang mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer sa pamamagitan ng mga lokal at abot-kayang produkto gaya ng sariwang prutas, sariwang gulay, mga kakanin at mga natatanging produktong Quezonian.
Samantala, bukod naman sa mga produktong nagmula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Quezon ay muling nakiisa ang representante mula sa Lalawigan ng Batangas at Laguna sa kanilang produktong Farming Cooperative Carabao Milk na mayroong iba’t-ibang flavors.
Abangan ang muling pagsasagawa ng proyektong inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga sumusunod na petsa:
November 15, 2024 (Friday)
December 13, 2024 (Friday)
HALINA’T TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN, TARA NA SA QUEZON!
Quezon PIO
Live part 1: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/1231995031345442/
Live part 2: https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=1672197676725286
Live part 3: https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=558920230143757
Quezon PIO
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ : ๐:๐๐ ๐๐ ๐ญ๐จ๐๐๐ฒ – ๐:๐๐ ๐๐ ๐ญ๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ
๐:๐๐ ๐๐, ๐๐ ๐๐๐ญ๐จ๐๐๐ซ ๐๐๐๐ โ๐:๐๐ ๐๐, ๐๐ ๐๐๐ญ๐จ๐๐๐ซ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐: Kadalasan ay maulap na kalangitan na may kasamang kalat – kalat na pag-ulan pagkidlat sa bahagi ng lalawigan
๐๐๐๐: Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan
๐๐๐๐๐๐๐: Mahina hanggang sa katamtamang alon sa karagatan
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:24ยบC – 32ยบC
๐:๐๐ ๐๐ โ ๐:๐๐ ๐๐, ๐๐ ๐๐๐ญ๐จ๐๐๐ซ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐: Kadalasan ay maulap na kalangitan na may kasamang kalat – kalat na pag-ulan pagkidlat sa bahagi ng lalawigan
๐๐๐๐: Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan
๐๐๐๐๐๐๐: Mahina hanggang sa katamtamag alon sa karagatan
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: 24ยบC โ 29ยบC
Quezon PIO
a patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang Turnover of Office Ceremony nitong araw ng Lunes, Oktubre 14 sa Camp Guillermo Nakar Lucena City.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga opisyales ng kapulisan ng Lalawigan na nakatuwang sa pagsaksi sa pormal na pagpapasa ng pamunuan ni Outgoing Provincial Director PCOL Ledon D Monte kay Incoming Provincial Director PCOL Ruben B Lacuesta
Madamdaming nagbigay ng mensahe at pasasalamat ang dating Provincial Director PCOL Monte kasabay ng pagtanggap niya ng parangal bilang pagkilala sa kanyang matapat na serbisyo at dedikasyon sa Lalawigan, gayon din ang taos-pusong pagtanggap ng bagong Provincial Director PCOL Lacuesta sa tungkulin at responsibilidad niya bilang bagong liderato.
Sa pagtatapos, malugod na naghatid ng pasasalamat si Governor Doktora Helen Tan sa Outgoing at Incoming Provincial Director maging sa buong Kapulisan ng Lalawigan, aniya laging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang hindi matatawarang serbisyo upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mamayang Quezonians.
Quezon PIO
Mula sa Provincial Government of Quezon, malugod na pagtanggap at pagbati sa iyo bilang bagong itinalagang Provincial Director, PCOL RUBEN B LACUESTA!
Nawa’y ang iyong karanasan at dedikasyon sa serbisyo ay maging inspirasyon sa mga kapulisan at mamamayang Quezonians.
Quezon PIO
Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng 21st National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD) Awareness Week mula Oktubre 14-20, 2024.
Ito’y alinsunod sa Proclamation No. 472 (2003) kung saan tuwing ikatlong linggo ng Oktubre ay ginugunita ito, at ngayong taon ay may temang “The Multiverse of ADHD: Embracing Strengths, Exploring Possibilities.”
Ang ADHD ay isa sa mga pinakakaraniwang neurodevelopmental disorder ng pagkabata at kadalasang tumatagal hanggang sa pagtanda. Ang mga bata o taong may AD/HD ay maaaring magkaroon ng problema sa pagbibigay pansin, pagkontrol sa mga mapusok na pag-uugali o kung hindi man ay kumilos ng hindi iniisip kung ano ang magiging resulta at kadalasan din sila’y sobrang aktibo.
Nawa’y ating bigyan ng malalim na pag-una ang bawat indibidwal na diagnose sa nasabing mental na sakit.
Quezon PIO
Live Part 1: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/27040341365610581/
Live Part 2: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/1076513387398664/
Quezon PIO
Isang pagbati kay Dr. Agnes S. Balicuatro sa kanya pagkakatalaga bilang Medical Officer III ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Alabat.
Pinangunahan naman ni Governor Doktora Helen Tan ang ginanap na Oathtaking Ceremony ngayong araw, Oktubre 14.
Quezon PIO
Sa patuloy na pagnanais ng Sangguniang Panlalawigan na lalong mapabuti ang mga mamamayang Quezonian, pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala ang ika-118 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Oktubre 14 via zoom conference.
Kasama ang mga board member at ilang pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing session ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, at iba pang liham. Naglahad din ang mga board member ng kani-kanilang report alinsunod sa mas lalo pang pagpapa-unlad ng Lalawigan ng Quezon.
Kasama ring ipinakilala at inaprobahan ang bagong Provincial Accountant na si Mary Grace Gordula na makatutulong sa pinansyal na aspeto ng mga departamento sa Kapitolyo.
Quezon PIO