Pagtitipon ng Bawat Samahan ng Coffee Growers sa CALABARZON | October 20, 2023
Sa ikatatlong pagkakataon ay nagtitipon ang bawat samahan ng coffee growers sa CALABARZON nitong ika-20 ng Oktubre, 2023 sa Lukong Valley Farm, Brgy. Pinagdanlayan, Dolores, Quezon.
Isa sa mga layunin nito ang makabuo ng lehitimong pederasyon na magsusulong ng mga polisiya at proyektong makakatulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng industriya ng kape sa buong rehiyon.
Sa loob ng ginanap na workshop ay nailahad ang kasalalukuyang suliranin sa industriya ng kape kung saan magiging batayan sa kung ano ang nais tahakin at mga kinakailangang gawain sa pagtupad mga layunin nito. Kabilang dito ang pagkakaroon ng pagsasanay ukol sa post-harvest processing at ilan pang best practices, pagsasamerkado ng mga inaning kape sa lokal na coffee shops, insentibo para sa mga coffee growers at paraan sa pamamahala sa mga peste at sakit sa taniman.
Ayon kay Provincial Agriculturist Liza Mariano, isang hamon at pribilehiyong maituturing na magbigay-daan sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa lalawigan kung saan ayon sa datos ay mga magsasaka ang naitalang may malaking poryensto dito. Dagdag pa niya na bukas ang Pamahalaang Panlalawigan na maging katuwang ang bawat coffee producers sa rehiyon upang matugunan ang malaking produksyon ng isang institutional buyer na katuwang nito.
Binigyang-diin naman ni Mayor Orlan Calayag ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga taniman ng kape bilang agri-tourism farms tulad ng ibang rehiyon. Aniya, โThey are selling the experience, not just the coffee.โ
Ilan din sa mga nakiisa sa naturang aktibidad ay sina Regional Coffee Focal Person Ms. Maria Ana Balmes APCOs at Provincial Focal Persons ng kape sa bawat lalawigan kabilang ang mula sa host province na si G. Mark Julius Dahil at mga kawani mula sa Pambayang Agrikultor ng Dolores at Panlalawigang Agrikultor ng Quezon.
Sa ngayon, ang pederasyon, sa patnubay ng bagong hanay ng mga opisyales, sa pangunguna ni G. Thdyrranno Exconde ay magsisimulang bumuo ng kanilang bylaws at magprehistro sa Security and Exchange Commission katuwang ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at Kagawaran ng Pagsasaka ng CALABARZON.
Source: OPA Quezon