NEWS AND UPDATE

Inspection of Bantilan Bridge | September 22, 2023

Inspection of Bantilan Bridge | September 22, 2023

Hindi naging hadlang ang pagbuhos ng ulan upang personal na inspeksyonin ni Governor Doktora Helen Tan ang kasalukuyang kalagayan ng isinasaayos na Bantilan Bridge na nagdurugtong sa San Juan, Batangas papuntang Sariaya at Lucena City.

Gumuho ang pundasyon ng nasabing tulay sa kasagsagan ng bagyong Paeng noong 2022 na nagdulot ng pinsala sa mga residenteng naninirahan malapit dito.

Magpapatuloy naman ang construction at pagpapatibay ng tulay para sa matiwasay at ligtas na paglalakbay ng mga motorista at biyahero.

Source: Quezon PIO

Visitation of On-Going Construction of School Buildings – Lucasan Elementary School, Bukal Sur Elementary School & Pahinga Norte Elementary School | September 22, 2023

Visitation of On-Going Construction of School Buildings – Lucasan Elementary School, Bukal Sur Elementary School & Pahinga Norte Elementary School | September 22, 2023

Binisita ni Governor Doktora Helen Tan ang mga on-going construction ng gusali sa Lusacan Elementary School sa bayan ng Tiaong, Bukal Sur Elementary School at Pahinga Norte Elementary School sa bayan ng Candelaria, ngayong araw, Setyembre 22.

Matatandaang isinagawa ang groundbreaking ng mga gusaling pampaaralan nitong nakaraang Abril 2023, at pare-parehong kinuha ang pangpagawang pondo sa Special Education Funds na mula sa buwis na binabayaran ng ating mga kalalawigan.

Asahan na patuloy na paglalaanan ng pansin ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasaayos at pagdaragdag ng pasilidad para sa ikabubuti ng pag-aaral ng mga kabataang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Turn-Over Ceremony of Dairy Multiplier Farm to Palcon Dairy Multipurpose Cooperative | September 22, 2023

Turn-Over Ceremony of Dairy Multiplier Farm to Palcon Dairy Multipurpose Cooperative | September 22, 2023

Ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 22, pormal nang nailipat sa PALCON Dairy Multipurpose Cooperative ang pamamahala ng Dairy Multiplier Farm na matatagpuan sa Sitio Ma-cow, Brgy. Concepcion-Palasan, Sariaya.

Personal na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na sermonya, kung saan kanyang hinikayat ang bawat miyembro ng kooperatiba na mas palawigin ang kanilang produksyon ng gatas ng baka dahil malaking oportunidad ito upang mapaunlad pa ang kanilang industriya.

Maaasahan naman na parating aagapay ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pagpapalawak ng proyektong ito na mahigit anim na taong pinagplanuhan.

Nakasamang dumalo upang magpakita ng suporta sa seremonya sina DA-4A Regional Technical Director Fidel Libao, DA PRDP Deputy Project Director Redelliza Gruezo, Provincial Veterinarian Dr. Flomella Caguicla, Provincial Agriculturist Dr. Lisa Mariano, Assistant PPDC Jo Marie Salonga, at PALCON Dairy MPC Chairman Virgilio Ferrer.

Source: Quezon PIO

Turn-Over Ceremony of Processing & Marketing of Virgin Coconut Oil to Quezon Federation and Union of Cooperatives (QFUC) | September 22, 2023

Turn-Over Ceremony of Processing & Marketing of Virgin Coconut Oil to Quezon Federation and Union of Cooperatives (QFUC) | September 22, 2023

Opisyal nang inilipat sa Quezon Federation and Union Cooperatives (QFUC) ang pamamahala ng Processing and Marketing of Virgin Coconut Oil Facility na matatagpuan sa Brgy. Binahaan, Pagbilao, Quezon sa ginanap na maikling programa ngayong araw, Setyembre 22.

Ayon kay QFUC Vice Chairperson Cess Villamena, nagsimula ang proyektong ito noong 2015 na layong makatulong sa mga magniniyog ng lalawigan. Naibahagi rin niya na walang masasayang na niyog sapagkat sa ilalim ng kanilang pamamahala ay hindi lamang virgin coconut oil ang kanilang magiging produkto.

Ikinatuwa naman ni Governor Doktora Helen Tan na matagumpay na naisakatuparan ang nasabing proyekto lalo’t lubos na mapakikinabangan ito ng ating mga kalalawigang magniniyog.

Samantala, nakasama rin sa turn-over ceremony sina DA PRDP Deputy Project Director Redelliza Gruezo, Provincial Agriculturist Dr. Lisa Mariano, at Assistant PPDC Jo Marie Salonga.

Source: Quezon PIO

Tulong Pinansyal para sa mga Estudyante ng Lalawigan ng Quezon | September 21, 2023

Tulong Pinansyal para sa mga Estudyante ng Lalawigan ng Quezon | September 21, 2023

Sa tulong ni Senator Raffy Tulfo, naipamahagi ngayong araw, Setyembre 21 ang tulong pinansyal para sa mga estudyante ng Lalawigan ng Quezon.

Mahigit isang libong mga mag-aaral mula sa bayan ng Lucena, Pagbilao, Sariaya at Candelaria ang nabigyan ng educational assistance sa ilalim ng programa ni Senator Raffy Tulfo, kung saan layon nitong matulungan ang bawat mamamayan na nangangailangan ng tulong pinansyal lalo’t higit ang mga mag-aaral ng bansa.

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa nasyunal na pamahalaan sapagkat isa ang ating lalawigan na nabigyan ng tulong para sa mga estudyante na ang hangad ay matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Source: Quezon PIO

Conferment of PGS Institutionalized Status to Quezon PPO | September 21, 2023

Conferment of PGS Institutionalized Status to Quezon PPO | September 21, 2023

Dahil sa maganda at maayos na paggampan sa tungkulin ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), ipinagkaloob sa kanilang tanggapan ang Performance Governance System (PGS) Institutionalized Status sa ginanap na programa ngayong araw, Setyembre 21.

Ang PGS ay isang management tool o pamamaraan upang masubaybayan ang performance ng serbisyong ibinibigay ng kapulisan para sa katiwasayan at panatag na lalawigan. Malaking bahagi rin ito sa pagsusulong ng “good governance” na isa sa layuning nakapaloob sa HEALING Agenda ni Govenor Doktora Helen Tan.

Binigyang pugay ng ina ng lalawigan ang dedikasyon na ibinibigay ng bawat kapulisan ng Quezon upang mapanatili ang mapayapa, matiwasay, at panatag na pamumuhay ng mga Quezonian. Kanya ring hangad na patuloy nilang tugunan ng maayos ang kanilang tungkulin at panatilihin ang pagmamalasakit sa bayan at bansa.

Nagpakita naman ng suporta sa nasabing programa si PRO4A Regional Director PBGEN Carlito M Gaces at QPPO Provincial Director PCOL Ledon D Monte. Dumalo rin ang mga chief of police ng iba’t ibang bayan ng apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, natanggap rin ng QPPO ang Silver Eagle Award dahil mahusay at epektibong pamamahala ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030

Source: Quezon PIO

Filipino Brand of Service Excellence | September 21, 2023

Filipino Brand of Service Excellence | September 21, 2023

Mula sa pangunguna ng Department of Tourism-Region IV-A/CALABARZON at ng Quezon Provincial Tourism Office ay naidaos ang FILIPINO BRAND OF SERVICE EXCELELLENCE na dinaluhan ng mga Frontline Personnel ng iba’t ibang tanggapan ng Provincial Government of Quezon na naganap ika-21 ng Setyembre 2023 sa STI College Lucena, Lungsod ng Lucena. Si Mam Beybs Cantillo Rofule ang mahusay na Resource Speaker sa nasabing gawain.

Source: Provincial Tourism

1st PCPN Steering Committee Meeting | September 20, 2023

1st PCPN Steering Committee Meeting | September 20, 2023

Ginanap ngayong araw, Setyembre 20 sa SEDA Hotel BGC, Taguig, Metro Manila ang kaunahang pagpupulong ng mga miyembro ng Primary Care Provider Network (PCPN) Steering Committee.

Kabilang rito ang lalawigan ng Quezon, Bataan, Guimaras, South Cotabato, at Baguio City na pare-parehong nagsusulong ng Konsulta Sandbox sa paglalayon na maging iisa ang sistema ng kani-kanilang serbisyong medikal upang mas maging madali at maayos na maibigay sa bawat nangangailangan ang sapat at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa pangunguna ng PhilHealth, personal na nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pulong upang makipagtalakayan patungkol sa mga prayoridad na tungkulin ng bawat kasapi ng nasabing Steering Committee.

Nakasama rin sa pagpupulong ang iba’t ibang ahensya na layong mapalakas ang mga serbisyong medikal sa Pilipinas, tulad ng LabX Asia, Qualimed, ThinkWell, USAID ProtectHealth at ReachHealth.

Source: Quezon PIO

Masaganang Coco-Buhayan Graduation Ceremony | September 20, 2023

Masaganang Coco-Buhayan Graduation Ceremony | September 20, 2023

TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Setyembre 20 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang Graduation Ceremony para sa mga magniniyog na magsisipagtapos sa programang Masaganang Coco-buhayan: School-on-the-Air (SOA) on Coconut Production and Processing.

Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, Philippine Coconut Authority IV, at Office of the Provincial Agriculturist ay matagumpay na naibahagi sa mahigit 500 na magniniyog mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ang wastong mga kaalaman at stratehiya na makatutulong upang mas mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pagniniyog.

Pinasasalamatan din ang suportang ibinigay ni Chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food – Senator Cynthia Villar upang maging posible ang mga ganitong programa.

Mabuhay ang bawat magniniyog na Quezonian!

Source: Quezon PIO

Advisory – Pagbabago ng Pangalan ng mga Ospital sa Ilalim ng Pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | September 20, 2023

Advisory – Pagbabago ng Pangalan ng mga Ospital sa Ilalim ng Pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | September 20, 2023

PABATID: Sa bisa ng Provincial Ordinance No. 2023-008, ipinababatid sa publiko ang pagbabago ng pangalan ng mga ospital sa ilalim ng pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at tatawaging Quezon Provincial Hospital Network (QPHN):

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid0DQNX1vve8zEJAN7xwcxhG3Y98KTifhuLjdqBVvY6Xy6BF3EQbhtdLx9gCk8CHZbfl

Source: Quezon PIO