NEWS AND UPDATE

Niyogyugan Triathlon | August 13, 2023

Niyogyugan Triathlon | August 13, 2023

Sa ika-limang araw ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023, ginanap ngayong Agosto 13 ang Triathlon na nilahukan ng mga atletang nagmula sa iba’t ibang bayan ng Quezon at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Pinangunahan ng M.O.P. Sports Event Organizer ang nasabing aktibidad sa paglalayon na mapaigting ang aktibo at malusog na lifestyle sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan.

Naging mainit naman ang labanan ng mga kalahok sa pabilisan ng paglangoy sa 600 meters pool sa Alcala Sports Complex, sumunod naman ang pagbisikleta nila ng 18 kilometers, at ang pagtakbo ng 5 kilometers.

Sa huli, ang mga nagwagi mula sa iba’t ibang kategorya ay nakatanggap ng tropeyo at cash prizes na nagkakahalagang 15,000 (1st place); 10,000 (2nd place); at 7,000 (3rd place).

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Coco Zumba Dance Contest

Coco Zumba Dance Contest

Wowie De Guzman nasa Niyogyugan Festival mamaya. O ha! Di ba! Ano’ng say mo?

Maki-coco zumba na, Sige ihataw mo!!!

#TAraNasaquezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon Tourism

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 Winners

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 Winners

Congratulations to our Ginoo and Binibining Niyogyugan 2023 winners; Kristian Angelo Ariola from Real, Quezon and Juliana Louise Martinez from Pagbilao, Quezon.

You both truly deserve the crown!

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Cocolympics 2023 Finals | August 11, 2023

Cocolympics 2023 Finals | August 11, 2023

Upang mas pasiglahin ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023 para sa ating mga magniniyog na Quezonian, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Agosto 11 ang Cocolympics Championship Round.

Nagtagisan sa bilis, diskarte, galing at talino ang mga kalahok mula sa mga bayan ng apat na distrito ng Quezon sa paglalayon na maipanalo ang bawat patimpalak na inihanda para sa kanila.

Sa huli, hinirang na panalo ang mga sumusunod:

*Coconut Relay – Sampaloc

*Pamanang Luto Cooking Contest – Mulanay

*Agri-Henyo – Sariaya

*Kapitan Levy Paragon Designing Contest – Macalelon

*Farm Family Feud – Unisan

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program

Magandang balita para sa ating mga mag-aaral na Quezonians!

Bukas na para sa aplikasyon ang 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa mga kabataan mula sa pinakamahihirap na pamilyang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Ang mga mag-aaral na nais maging Iskolar ay kinakailangang:

– Isang Pilipino

– Mamamayan ng Lalawigan ng Quezon

– Nagmula sa mahirap na pamilya (indigent)

– Nakapagtapos ng Sekondarya (Senior High School)

– Wala pa ni isa sa kanyang pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo

Bibigyang prayoridad ang mga mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o mula sa mga pinakamahihirap na pamilya (Poorest of the Poor)

Sa mga kwalipikadong mag-aaral, ipasa ang mga sumusunod:

– Letter of Intent

– Application Form (i-download mula sa link na ito

https://drive.google.com/file/d/18BsGQbutrPTafuG6PEEoQIzZwJSg_aGC/view?fbclid=IwAR1vA-zzQhLA4Vu7sW1HJRtoIxTBakNm2ZLBprC_naxH0dahdHqP4tDVToU

– Alin man sa sumusunod:

o Certified Copy ng Birth Certificate mula sa Civil Registrar;

o PSA Birth Certificate; o

o Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang orihinal na ID sa regisration)

– Certified Photocopy ng DepEd School Form 9 o Learner’s Progress Report Card (Signed and Sealed by School Principal)

– Social Case Study mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)

Mangyaring isulit ang mga dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong lugar o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa Governor’s Mansion, Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City. Tatanggapin lamang ang aplikasyon hanggang ika-1 ng Setyembre 2023.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:

(042) 785 0281 o 0998-548-6607

Source: Quezon PIO

Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear | August 09, 2023

Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear | August 09, 2023

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023, ginanap kahapon ng Miyerkules, Agosto 9 ang labanan para sa Ginoo at Binibining Niyogyugan Festival Wear sa Perez Park, Lucena City.

Inirampa ng dalawapu’t dalawang kalahok na Ginoo at dalawampu’t walong Binibini ang kanilang magagarbong kasuotan na dinesenyohan ng iba’t ibang materyales tulad ng niyog.

Ginawa naman mismo ng mga local designers ang mga nasabing kasuotan ng mga kandidato at kandidata upang bigyang kilala ang kanilang galing at malikhaing talento.

Personal na tinunghayan ni Governor Doktora Helen Tan ang kompetisyon, gayundin ang ilang mga punong bayan bilang pagpapakita ng supporta sa kanilang mga pambato.

Sa darating na Agosto 11, ala-syete (7:00 pm) ng gabi ay abangan ang Coronation Night ng bagong Ginoo at Binibining Niyogyugan 2023 na gaganapin sa Quezon Convention Center.

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

MLQ Lecture Series – 1:00pm at August 18, 2023

MLQ Lecture Series – 1:00pm at August 18, 2023

Kaugnay rin sa Niyogyugan Festival 2023, ipinagdiriwang din natin ang ika-145 taong anibersaryong kaarawan ni Pangulong Manuel Luis Quezon at ang Buwan ng Wikang Pambansa.

Kaya naman magkakaroon tayo ng gawain na MLQ QUIZ BEE 2023 (TAGISAN NG TALINO) na nakasentro sa buhay ni Pangulong Quezon. Bubuo ng 29 kalahok na mag-aaral sa Elementarya at Senior High School at 31 kalahok na mag-aaral sa Junior High School.

Gayundin, isasagawa ang MLQ LECTURE SERIES (Serye ng Talakayan) “Ang Politika sa/ng Wika: Si Quezon at ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa” sa pagtalakay ng ating Panauhing Tagapagsalita na si Arthur P. Casanova PhD ang Tagapangulo, ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Idadaos ang mga gawain na ito sa ika-18 Agosto sa ganap na ika-7 nu ang MLQ Quiz Bee at ika-1 nh ang MLQ Lecture Series sa STI COLLEGE LUCENA.

#TAraNasaquezon

#niyogyuganfestival2023

Source: Quezon Provincial Tourism

Pagbubukas ng Niyogyugan Festival 2023 | August 09, 2023

Pagbubukas ng Niyogyugan Festival 2023 | August 09, 2023

Niyogyugan na!

Opisyal nang sinimulan ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 9 ang muling pagbabalik ng Niyogyugan Festival na ipagdiriwang mula ngayong araw hanggang Agosto 19, 2023.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang isinagawang pagbubukas ng Tagayan Booth, Tara Na Sa Quezon Information Booth, at Agri-tourism Booths kung saan bida at mabibili ang mga lokal na produkto mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ang pangunahing layunin ng nasabing pagdiriwang ay matuunan ng pansin ang kasipagan at kahusayan ng bawat magniniyog na Quezonian sapagkat malaking bahagi sila sa selebrasyon na ito.

Nailahad naman ng gobernadora na bagama’t simple ang selebrasyon ngayon taon ay kanyang hangad na tatangkilin pa rin ito ng ating mga kalalawigan at ng mga turista.

Sa mga susunod na araw ay asahan ang iba pang aktibidad na magbibigay kulay at sigla sa bawat isa.

#TaraNaSaQuezon
#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Meeting with The World Bank | August 08, 2023

Meeting with The World Bank | August 08, 2023

Isinagawa ngayong araw ng Martes, Agosto 8 ang pagpupulong kasama ang The World Bank na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan upang magkaroon ng ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa nasabing ahensya.

Ang The World Bank ay isang internasyonal na bangko na nagbibigay tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran na may layuning mapababa ang kahirapan.

Magiging malaking tulong ang pakikipagbalikatan ng nasabing ahensya sa lalawigan upang makatugon sa mga pangangailangan ng ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO