
Courtesy Call of Polillo Dragonboat Association | September 05, 2023
Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang pambato ng Pilipinas sa larangan ng Dragon Boat competition, ang Pollilo Dragon Boat Association kasama si Mayor Angelique Bosque mula sa bayan ng Pollilo, Quezon ngayong araw ng Martes, September 5.
Ang Polillo Dragon boat association ay binubuo ng dalawampu’t tatlong (23) miyembro na pinamumunuan ng kanilang Coach na si Ricky Sardena at ng kanilang team leader, paddler na si Ginalyn Flores. Samantala kilala na bilang international area for dragon boat ang bayan ng Pollilo kung kaya’t todo ang supporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa natatanging kakayanan na ibinibigay ng ating mga manlalarong Quezonian.
Sa susunod na taon, sa tulong na rin ng Philippine Dragon Boat Federation ay muling sasabak sa kompetisyon ang Pollilo Dragon Boat Association sa bansang Italy.
Source: Quezon PIO