NEWS AND UPDATE

Kadiwa ng Pangulo – January 30, 2024

Kadiwa ng Pangulo – January 30, 2024

Halina sa KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo sa darating na ika-30 ng Enero sa Perez Park, Lucena City!

Ito ay ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan bilang pakikiisa sa paghahangad ng ating Pangulong Bongbong Marcos na mailapit ang mga lokal at abot-kayang produkto ng ating mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer.

Dito ay makakabili tayo ng mura at sariwang mga gulay at prutas, mga food and non-food products na gawang-Quezonian, at mga lutong pagkain para sa kumakalam na sikmura. Magbubukas ang ating KADIWA stalls ng ika-7 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi sa darating na Martes.

Source: Quezon PIO

QPHN-QMC Assessment & Strategic Planning 2024 | January 24, 2024

QPHN-QMC Assessment & Strategic Planning 2024 | January 24, 2024

“Sana ay wag kayong maiinip at mapapagod sa lahat ng ating ginagawa sa QMC.”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na Assessment and Strategic Planning Activity ng QPHN- Quezon Medical Center na isang pamamaraan upang marating ang pangarap ng gobernadora na maisaayos ang pasilidad, madagdagan ang mga doktor at mga manggagawa, at mas mapaganda pa ang serbisyong pangkalusugan na hatid nito sa bawat mamamayan.

Target ng Pamahalaang Panlalawigan at pamunuan ng nasabing ospital na sa loob ng 3-5 years ay magtuloy-tuloy ang improvement at mas marami pa ang achievements ng mga ito.

Source: Quezon PIO

2024 Barangay Tanod Workers Convention | January 24, 2024

2024 Barangay Tanod Workers Convention | January 24, 2024

Bilang pagbibigay importansya sa mga tanod ng Ikatlong Distrito, ginanap ang Barangay Tanod Workers Convention 2024 ngayong araw ng Miyerkules, Enero 24 sa Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon.

Dinaluhan ng 3,170 mga barangay tanod mula sa mga bayan ng Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Mulanay, San Francisco, San Narciso at San Andres ang aktibidad na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala, Board Member John Joseph Aquivido, PLTCol. Alex Nava, PLTCol. Ric Colinio, Atty. Jette Salvacion at Atty. Monique Loria.

Nagkaroon rin ng pagbabahagi ng kaalaman ang tagapagsalita mula sa Quezon Provincial Police Office (QPPO) tungkol sa basic peace keeping responsibilities at duties, habang tinalakay naman ng tagapasalita mula sa Provincial Legal Office ang functions and orientation on citizen’s arrest upang mas mapaigting ang kaligtasan at mas madagdagan pa ang kaalaman ng mga first responders ng bawat barangay sa Bondoc Peninsula.

Sa huli pinasaya ng ama ng ikatlong distrito ng Quezon- Congressman Reynan Arrogancia at ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga dumalo sa ginanap na raffle draw, at pamimigay ng mga bagong uniporme at iba pang mga kagamitan na makakatulong para sa tuloy-tuloy na paghahatid ng magandang serbisyo sa kanilang mga barangay.

Source: Quezon PIO

1st Quarter Local Council Executive Board Meeting | January 23, 2024

1st Quarter Local Council Executive Board Meeting | January 23, 2024

Ngayong araw ng Martes, Enero 23, ginanap ang 1st Quarter Local Council Executive Board Meeting ng Boy Scout of the Philippines (BSP) – Quezon Council sa pangunguna ni Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar at EA John Francis Luzano.

Nagkaroon ng pag-uulat ukol sa mga matagumpay na naisagawang aktibidad ng kanilang komitiba noong taong 2023, at nagpa-usapan din ang mga plano at estratehiyang nais maisakatuparan na mga aktibida ng bawat miyebro ng samahan para sa taong 2024.

Bilang Council Chairperson ng lupon, ipinaabot ni Governor Doktora Helen Tan ang mensahe na nawa’y mapalawig pa ang adhikain ng samahan para sa kabutihan ng komunidad at ng ating lalawigan.

Source: Quezon PIO

AICS Payout | January 23, 2024

AICS Payout | January 23, 2024

“Lahat ng problema, may katumbas na solusyon.”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na pamamahagi ng tulong pinansyal ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) sa bayan ng San Antonio, Tiaong, Candelaria at Sariaya ngayong araw ng Martes, Enero 23.

Mahigit dalawang libong benepisyaryo ng AICS program ang nakatanggap ng financial assistance para sa kanilang problemang pang medikal, burial, subsistence, food at travel allowance mula sa Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurer’s Office (PTO) at STAN offices.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan nina Vice Governor Third Alcala, mga punong bayan at mga katuwang sa paglilingkod sa ikalawang distrito ng Quezon. Patunay na sa panahon ng matinding pangangailangan, handang umagapay ang Pamahalaang Panlalawigan upang mabigyan ng lingap ang bawat mamamayan.

Source: Quezon PIO

Orange Tourism Festival – February 21-23, 2024

Orange Tourism Festival – February 21-23, 2024

“Calling all art enthusiasts!”

“Unleash your artistic potential at the Orange Tourism Festival NATIONAL ARTS MONTH 2024 workshop series! Choose from the seven forms of art and dive into a world of creativity and self-expression. Whether it’s music, dance, literature, visual arts, theater, film or architecture, may naghihintay na workshop para sa iyong passion at paglilinang ng iyong talento. Sumali na and let your artistic journey begin!

Also, indulge your senses at the Orange Tourism Festival National Arts Month 2024 gastronomy lecture and workshops! Discover the art of CHOCOLATE SHOWPIECE, explore the world of COCOLINARY delights, and master the art of LAMBANOG MIXOLOGY. Join us for a mouthwatering experience that combines creativity and culinary expertise.

If you’re interested in joining the workshop, makipag-ugnayan na agad sa inyong municipal or city tourism officer to secure your spot. They will guide you through the registration process and ensure you don’t miss out on this incredible opportunity to explore and develop your artistic talents. Get ready to immerse yourself in a world of creativity and inspiration!

____________________________________________________________

“Immerse yourself in a world of creativity and learning at the Orange Tourism Festival’s diverse workshops!

Discover the magic of THEATER ARTS with “DULAANG KALILAYAN”, led by the talented DR. MARCO ANTONIO R. RODAS.

Unleash your literary POETRY prowess with “TULAY: TUlaang kaliLAYan”, guided by ABEL CRIBE AND MARK DOMINICK PORTES.

Dive into the realm of VISUAL ARTS with “KABLE ART”, led by the skilled RUBEN JASARENO.

Feel the rhythm and grace of DANCE with “SAYAW GALAW, Quezonian”, under the guidance of TEACHER JONAZ ROGEL EVORA.

Explore the world of FILM with the expertise of award-winning film director DIREK LEMUEL LORCA.

Let the MUSIC flow through you with AM + PM: Awiting Malikhain + Pagkantang Masining, a workshop for singer-songwriters, led by MAESTRO NILO ALCALA.

And delve into the realm of ARCHITECTURE with the guidance of ARCH. DOLAN KIM C. REYES.

Source: Quezon PIO

Blessing & Turn-over of CT-Scan Machine | January 23, 2024

Blessing & Turn-over of CT-Scan Machine | January 23, 2024

Magandang balita, mga kalalawigan!

Taos-pusong ipinapaabot ang pasasalamat kay Mr. Ramon S. Ang, President at Chief Excutive Officer ng San Miguel Corporation sa pagbibigay ng bagong Fujifilm Supria 128 Slice CT Scanner sa Quezon Provincial Health Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), ngayong araw, Enero 23.

Isa sa pangunahing prayoridad ni Governor Doktora Helen Tan ang maayos at dekalidad na kalagayan ng kalusugan, kung kaya’t malaking bagay na naipagkaloob ang nasabing bagong kagamitan para sa mabilis na proseso, mas detalyado at malinaw na pagsusuri ng iba’t ibang sakit.

Naihayag naman ni Ramon Ang na patuloy siyang handang tumulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon upang patuloy na maisakatuparan ang mga adhikaing pangkalusugan, kabilang na din ang pagbibigay ng iba pang mga proyektong makakatulong para sa ikauunlad ng lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Courtesy Call of PAMET, Inc. – Quezon Chapter | January 22, 2024

Courtesy Call of PAMET, Inc. – Quezon Chapter | January 22, 2024

TINGNAN: Malugod na pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbisita ng pamunuan ng Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET, Inc) Quezon Chapter ngayong araw ng Lunes, Enero 22.

Source: Quezon PIO

Courtesy Call of Philippine Coast Guard | January 22, 2024

Courtesy Call of Philippine Coast Guard | January 22, 2024

TINGNAN: Bumisita sa tanggapan ni Gobernor Doktora Helen Tan ang samahan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Southern Quezon sa pangunguna ni CGLT Atanasio Lucky Barba ngayong araw ng Lunes, Enero 22.

Source: Quezon PIO

Ika-80 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | January 22, 2024

Ika-80 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | January 22, 2024

Tuloy-tuloy ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Governor Third Alcala sa pagbabalangkas ng mga ordinansa, polisiya, at mga atas tagapagpaganap sa ginanap na ika-80 Pangkaraniwang Pulong ngayong araw ng Lunes, Enero 22.

Ilan sa mga naipasa sa pangalawa at huling pagbasa ay ang mga liham mula kay Governor Doktora Helen Tan na nagpapahintulot sa kanya na pumasok sa mga kasunduan na magbebenepisyo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan.

Gayundin ang pagpapasa sa iba’t ibang usaping pang edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan, turismo at maayos na pamamahala ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO