Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 19, 2024
Sa buong pusong hangarin na maipagpatuloy ang pagmamalasakit sa kalusugan para sa mga Quezonian, muling nagsagawa ng Medical Mission sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan nitong araw ng Sabado, Oktubre 19 sa Barangay Dalahican, Lucena City.
Layon ng nasabing libreng serbisyong gamutan na matugunan ang kinakaharap na suliraning pangkalusugan kung kaya’t bakas ang ngiti at pasasalamat ng mga residente ng nasabing baranggay matapos maisakatuparan ang mga serbisyong medikal tulad ng Medical Check-Up, Dental Extraction, Minor Surgery, Eye Check-Up, UTZ, X-Ray, ECG, FBS/RSB, Cholesterol, Uric Acid, Urinalysis, CBC, Tuli, at PCV 23 Vaccination gayon din ang pagbibigay ng libreng gamot para sa bata at matanda.
Itinalang nasa 3,819 ang bilang ng mga naging benepisaryo ng programa at ito ay bilang bahagi rin ng misyong mailapit ang serbisyo ng kapitolyo para sa bawat Quezonian.
Quezon PIO