Regional Unified Communications (UNICOMM) Assembly | December 11, 2023
Ginanap ngayong araw ng Lunes, Disyembre 11 ang kaunahang Regional Unified Communications (UniComm) Assembly IV-A sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.
Dinaluhan ito ng mga Public Information Officers mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Quezon, gayundin nang mga representante mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan. Kasama rin sa mga nagpaunlak sa imbitasyon ang mga media partners mula sa nasyonal at lokal na media network kabilang si Philippine Information Agency Deputy Director General Asec. Katherine Chloe De Castro.
Pinangunanahan nina Assistant Secretary for Digital Media and Communications Asec. Patricia Kayle Martin at Director III for Digital Media and Communications Dir. Faith De Guia na parehong mula sa Presidential Communications Office ang talakayan patungkol sa “Communicating under this Administration’s Brand of Leadership: Bagong Pilipinas” at ang “Unified Message on Issues that Affect the Nation” kung saan nagkaroon ng diskusyon patungkol sa ilang mga katanungan na nais mabigyang linaw ng mga mamamahayag sa lalawigan.
Nagpabatid naman ng suporta si Governor Doktora Helen Tan sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan na si Provincial Information Officer Jun Lubid.
Malaki ang tungkuling ginagampanan ng bawat mamamahayag sa buong lalawigan sa paghahatid ng totoo, tama at napapanahong impormasyon kung kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong pagtitipon upang mas lalong mapatibay ang ugnayan ng nasyonal at lokal na media network para sa mas mabilis na pagtugon sa mga impormasyong kinakailangang maibahagi sa mga mamamayan.
Source: Quezon PIO