NEWS AND UPDATE

Visitation of LTO District Office, Northern Quezon Auditorium & Total Care Dialysis Center | January 16, 2024

Visitation of LTO District Office, Northern Quezon Auditorium & Total Care Dialysis Center | January 16, 2024

Nagkaroon ng site visitation si Governor Doktora Helen Tan sa ipinatayong Land Transportation District Office, Northern Quezon Auditorium at Total Care Dialysis Center sa bayan ng Infanta ngayong araw ng Martes, January 16.

Ito’y upang masiguro na mananatili ang kaayusan at kalidad ng mga gusali na lubos na mapakikinabangan ng ating mga kalalawigan.

Asahan naman isa sa patuloy na tutukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang mga proyektong pang-imprakstura sa pamamagitan na rin ng pakikipagbalikatan sa nasyunal at lokal na pamahalaan.

Source: Quezon PIO

Awarding Ceremony and Signing of USUFRUCT Agreement & Groundbreaking of BALIKATAN Village | January 16, 2024

Awarding Ceremony and Signing of USUFRUCT Agreement & Groundbreaking of BALIKATAN Village | January 16, 2024

“Ang aming tungkulin ay patunayan sa inyo na hindi kayo nagkamali sa inyong desisyon.”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na Signing of Usufruct Agreement, Groundbreaking of Balikatan Village and Distribution of Assistance to ECLIP Beneficiaries sa bayan ng General Nakar ngayong araw ng Martes, January 16.

Sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ang Department of Internal Labor Group (DILG), ang nasabing itatayong BALIKATAN Village (BAhay at Lingap para sa KAbabayang Tumugon At Nagbalik-loob sa Pamahalaan) ay layong magbigay ng maayos at mapayapang pamumuhay para sa ating mga kababayang nagbabalik loob sa pamahalaan.

Nakapaloob din sa proyektong ito ang Phase 1 ng Half-Way House facility na may sukat na 150 square meter, at nagkakahalaga ng limang milyong piso mula sa trust fund ng DILG.

Dinaluhan naman ang isigawang aktibidad nina Mayor Eliseo “Esee” R. Ruzol, QPPO Provincial Director PCOL. Ledon Monte, DOLE Quezon Provincial Director Edwin Hernandez, DILG IV-A Regional Director Ariel Iglesia, DILG Quezon Provincial Director Abigail Andres, at Philippine Army 2ID Commander MGEN Roberto Capulong.

Samantala, sa parehong araw ay ibinahagi sa dalawampu’t pitong ECLIP beneficiaries ng DILG ang financial assistance, at mga karagdagang gamot mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Awarding of Eclip to Former Rebels | January 15, 2024

Awarding of Eclip to Former Rebels | January 15, 2024

Ipinagkaloob ngayong araw, Enero 15 sa anim na muling nagbalik loob sa gobyerno ang benepisyong mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Plan (ECLIP) na makatutulong sa muling pagsisimula ng maayos na landas ng kanilang pamumuhay.

Pinangunahan ang pamamahagi ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina DILG Quezon Provincial Director Abigail Andres, DOLE Quezon Provincial Director Edwin Hernandez, at TESDA Quezon Provincial Director Gerardo Marasigan.

Buong-pusong siniguro naman ng gobernadora na handang umagapay at umalalay ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa bawat naligaw ng landas upang muli silang makabangon sa pamamagitan na rin ng pakikipagbalikatan sa nasyonal at lokal na pamahalaan.

Nakiisa rin sa isinagawang maikling seremonya sina QPPO Provincial Director PCOL Ledon Monte, Phil. Army 85th Infantry Battalion Commander Col Joel Jonson, at 201st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Erwin Alea.

Source: Quezon PIO

Oathtaking of Liga ng mga Barangay Newly Elected Officers | January 15, 2024

Oathtaking of Liga ng mga Barangay Newly Elected Officers | January 15, 2024

TINGAN: Isinagawa ngayong araw ng Lunes, Enero 15 ang opisyal na panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Liga ng Mga Barangay (LMB) sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan

Source: Quezon PIO

Ika-79 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan Quezon | January 15, 2024

Ika-79 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan Quezon | January 15, 2024

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Enero 15 ang ika-79 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Inaprubahan ang ordinansang bayan ng Gumaca na nag-aatas sa lahat ng mga establisyimentong bahagi ng food business na magbigay ng libreng maiinom sa mga customers at ang sinumang lumabag ay may karampatang parusa. Sa kaparehong bayan, pasado ang ordinansa na magtatatag ng Fluoridization Program para sa limang libong batang Gumaceño na may edad dalawa hanggang lima.

Sa pagpapatibay ng kagalingan ng bawat Quezonian, naipasa sa pulong ang liham mula kay Governor Doktora Helen Tan na pagbibigay ng panibagong mekanismo ng pagpaparangal sa Quezon Medalya ng Karangalan Awards tuwing ikatatlong taon ng ika-19 ng Agosto upang mas mabigyan ng pagpapahalaga ang mga mapaparangalan.

Sa huli, binigyan ng resolusyong pagkilala at pakikiramay ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala ang namayapang punong bayan ng San Francisco, Mayor Roming “Erpat” Edaño sa kanyang ipinakitang kagalingan at serbisyo para sa ating Lalawigan at sa kanyang bayang pinaglilingkuran.

Source: Quezon PIO

New Year’s Call with Quezon Police Provincial Office | January 15, 2023

New Year’s Call with Quezon Police Provincial Office | January 15, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Enero 15 ang New Year’s Call kay Gobernor Doktora Helen Tan ng mga kapulisan ng Quezon Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Ledon Monte.

Kabilang din sa dumalo sa maikling programa sina Training Center, RTC CALABARZON Chief PCOL Marlon Rufo at NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Atty. Owen De Luna.

Ibinahagi ng Quezon PPO ang kanilang Annual Accomplishments para sa taong 2023, kabilang dito ang laban kontra terorismo, ilegal na droga, krimen, gambling, ilegal na pangangahoy at pangingisda at ang mga hakbang na naisagawa sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

Nais ng Gobernadora na mas paigtingin pa ng mga kapulisan ang seguridad at pagpapatupad ng mga batas sa bawat bayan sa lalawigan upang mas mapababa pa ang bilang ng mga krimen at mga hindi inaasahang insidente.

Sa huli, pinangunahan ni Gobernor Doktora Helen Tan ang Ceremonial Toast bilang simbolo ng mas pinatibay na paghahatid ng maayos na serbisyo para sa ligtas at payapang lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Quezon’s Assessment & Strategic Planning 2024 | January 11, 2024

Quezon’s Assessment & Strategic Planning 2024 | January 11, 2024

Nagtipon-tipon ang lahat ng punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Huwebes, Enero 11 upang isagawa ang assessment ukol sa mga matatagumpay na serbisyo, programa at proyektong naisakatuparan nitong taong 2023.

Masusi ring inilatag ang mga planong serbisyong handog ng bawat tanggapan ngayong taong 2024 na layong makatulong upang mas maiangat at mas maging maayos ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

NGCP Advisory – January 11, 2924

NGCP Advisory – January 11, 2924

Scheduled power interruption in parts of Laguna and Quezon province on Thursday, January 11, 2024.

Schedule: 05:00AM to 07:00AM and 04:00PM to 06:00PM

Affected: FLECO and QUEZELCO II

Reason: Shutdown of Lumban-Famy-Comon 69kV Line requested by FLECO to replace and energize power circuit break at its Pakil Substation

Specific affected areas are determined by the Electric Cooperative.

LAB FOR ALL – Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat | January 09, 2024

LAB FOR ALL – Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat | January 09, 2024

Makabuluhang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang panibagong taon ng paglilingkod, matapos ilunsad ngayong araw, Enero 9 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang “Lab for All: Labaratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” program sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ang nasabing programa ay bahagi ng pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa karapatang pangkalusugan ng bawat Pilpino upang makamit ang isang matatag na bansa.

Tinatayang 3,000 Quezonian ang nabigyan ng mga libreng serbisyong medikal gaya ng pisikal at medikal na eksaminasyon, libreng gamot, libreng konsultasyon, at mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng ultrasound, blood chemistry, ECG, at digital x-ray.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sapagkat malaki ang kapakinabangan ng Lab for All project para sa implementasyon ng Universal Health Care Act na patuloy na pinatutunan ng pansin upang maibigay ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa kanyang mga kalalawigan na nangangailangan.

Samantala, nakasama sa ginanap na programa upang magbigay suporta sina PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., DOH Secretary Teodoro Herbosa, Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta, DSWD Secretary Rex Gatchalian, FDA Director General Samuel Zacate, TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at 3rd District Congressman Reynan Arrogancia.

Dumalo rin sina Batangas Governor Hermilando Mandanas, Pampanga Vice Governor Lilia Pineda, at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Government Department Heads | January 08, 2023

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Government Department Heads | January 08, 2023

Sa pagpasok ng panibagong taon ng pagseserbisyo, pinangunahan ng mga punong tanggapan ang ginanap na regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Enero 8.

Ibinahagi na target ng Pamahalaang Panlalawigan na maging progresibo at malusog na lalawigan ang Quezon upang maging pangunahing agri-tourism destination sa CALABARZON, at target itong makamit sa taong 2030.

Naihayag ni Governor Doktora Helen Tan na kanyang hangad na mas paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan ng bawat empleyado sa bawat isa, at sa mga mamamayang pinaglilingkuran ng mga ito upang mas mapaganda at maging epektibo ang klase ng pamamaran ng serbisyong handog para sa taong ito. Kanya namang pinasalamatan ang mga department heads at Sangguniang Panlalawigan sa kahanga-hangang paglilingkod.

Sa huli, ginawaran ang Pamahalaang Panlalawigan ng Regional Gawad Parangal NTFL Cup award ng National Task Force Group para sa maunlad na pagbabago at mahusay na serbisyo nito para sa ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO