NEWS AND UPDATE

Bibingka Cooking Contest | December 08, 2023

Bibingka Cooking Contest | December 08, 2023

Bilang bahagi ng Paskong Quezonian 2023 ginanap ngayong araw ng Biyernes, December 8 ang Bibingka Cooking Contest.

Pinangunahan ng Provincial Tourism Office ang aktibidad na sinalihan ng iba’t-ibang bayan mula sa lalawigan ng Quezon at bawat isa ay nagpakita ng kani-kanilang mga diskarte at husay kung paano mapapabilib ang mga hurado sa pagluluto ng bibingka.

Sa huli, ay napanatili ng lungsod ng Lucena ang pagiging kampeon. Pumangalawa naman ang munisipalidad ng San Antonio at Pumangatlo ang munisipalidad ng Mulanay.

Para sa iba pang kaganapan at aktibidad ng Paskong Quezonian 2023 magtungo lamang sa official facebook page ng Quezon Provincial Tourism Office.

Source: Quezon PIO

SGLG 2024 Initial Assessment Meeting with the Provincial Government Department Heads | December 07, 2023

SGLG 2024 Initial Assessment Meeting with the Provincial Government Department Heads | December 07, 2023

Nakipagpulong ngayong araw, Disyembre 7 si Governor Doktora Helen Tan sa mga Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigang upang magkaroon ng Initial Assessment para sa 2024 Seal of Good Local Governance.

Isa sa layuning nakapaloob sa HEALING Agenda ng gobernadora ang Good Governance, at kaugnay nito ay ang pagtataguyod ng accountability sa paggamit ng pampublikong pondo ng lalawigan kung kaya’t hinahangad na makukuha ang nasabing parangal sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap ng bawat tanggapan.

Nagbigay ulat naman ang ilang tanggapan ukol sa mga matagumpay na naisagawang mga programa pagdating sa iba’t ibang sektor ng lalawigan. Magpapatuloy din ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan sa pagkompleto ng mga kinakailangang requirements para sa 2024 SGLG Award.

Source: Quezon PIO

SMC Resellers Livelihood Seminar | December 07, 2023

SMC Resellers Livelihood Seminar | December 07, 2023

Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ang San Miguel Corporation kahapon, Disyembre 7 upang magbahagi ng kaalaman patungkol sa ilang mga programang pangkabuhayan.

Dinaluhan ang maikling programa ng mga kawani ng iba’t-ibang tanggapan ng lalawigan.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng mga kaalaman at oportunidad para sa mga kalalawigan na nagnanais magsimula ng sariling negosyo, kung kaya’t ibinahagi ng mga kawani ng SMC ang Community Resellers Program kung saan maaaring kumita sa pamamagitan ng pag-resell ng iba’t-ibang produkto tulad na lamang ng Purefoods Products at Magnolia Products.

Nagpahayag din ng pagsuporta ang Gobernadora sa aktibidad na ito na naglalayong matulungan ang mga mamamayan na matutong magsimula ng sariling negosyo at makatulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay.

Source: Quezon PIO

Feast of the Immaculate Conception | December 08, 2023

Feast of the Immaculate Conception | December 08, 2023

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion, ngayong ika-8 ng Disyembre.

Sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa Dakilang Diyos at ating ipanalangin ang patuloy na gabay at proteksyon para sa ating lalawigan.

Source: Quezon PIO

4th PADAC Quarterly Meeting – Provincial Anti-Drug Abuse Council | December 07, 2023

4th PADAC Quarterly Meeting – Provincial Anti-Drug Abuse Council | December 07, 2023

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang 4th Quarterly Meeting of Provincial Anti-Drug Abuse Council ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 7.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal, City at Provincial Anti-Drug Abuse Council (C/M/PADAC) via Zoom.

Tinalakay ang mga ulat patungkol sa Quezon Province Parole and Probation Updates, mga accomplishment report ng Quezon Provincial Police at Philippine Drug Enforcement Agency Region IV-A. Ibinahagi rin ng Provincial Health Office ang estado ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Treatment and Rehabilitation Center Bicutan at PHO.

Patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga ahensya at iba’t-ibang sangay ng pamahalaan para sa mas maayos na daloy ng mga programa kontra-droga sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

PCPC Quarterly Meeting – Provincial Council for the Protection of Children | December 07, 2023

PCPC Quarterly Meeting – Provincial Council for the Protection of Children | December 07, 2023

Isinagawa ngayong araw, December 7 sa Kalilayan Hall, Lucena City ang 4th Quarter Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) sa pangunguna ni Chairperson of Committee on Social Services & 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagpasa ng resolution 2023-04 na naglalayong matulungan ang mga kabataang Badjao na sumasakay ng jeep sa lungsod ng Lucena at Tayabas. Gayundin, ang iba pang usapin upang maisaayos at bigyang proteksyon ang mga kabataan sa Lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Kapihan sa PIA 7th Anniversary | December 06, 2023

Kapihan sa PIA 7th Anniversary | December 06, 2023

Ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 6 ipinagdiwang ng Philippine Information Agency – Quezon ang ika-7 Anibersaryo ng Kapihan sa PIA kung saan naimbitahan si Governor Doktora Helen Tan na siya namang kinatawan ni Provincial Information Officer Jun Lubid upang ihatid ang mensahe para sa mga mamamahayag sa lalawigan.

Ayon sa mensaheng ipinarating ng Gobernadora, mahalaga ang paghahatid ng totoo at tamang impormasyon upang magkaroon ng maayos at epektibong pamamahala, kung kaya’t nagpasalamat ang Ina ng lalawigan sa PIA – Quezon sa pagiging matibay na kabalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon para sa mga mamamayan sa Quezon.

Dinaluhan ang maikling programa na ginanap sa 3F Pacific Mall, Lucena City nina Information Communications Manager of PIA – Quezon Lito Giron, BJMP Quezon District Warden (Kapihan sa Piitan) JSUPT Jack Lord Carino, PIA – Calabarzon Public Information Officer I Mark Bryan Lito, Radyo Pilipinas Lucena Station Manager Mayette Balquiedra, Lucena Public Information Officer Mignon Tan at ang ilang mga Media Partners sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Lingkod Parangal sa Paghahayupan Awarding Ceremony | December 06, 2023

Lingkod Parangal sa Paghahayupan Awarding Ceremony | December 06, 2023

Matagumpay na pinangasiwaan ng Office of the Provincial Veterinarian ang isinagawang launching ng aktibidad na “Lingkod Parangal sa Paghahayupan” Awarding Ceremony na ginanap nitong ika-6 ng Disyembre sa Queen Margarette Hotel, Lucena City. Ito ay upang bigyang pugay at parangal ang mga LGUs at kanilang mga Offices of the Municipal/City Agriculturist/Veterinarian sa patuloy na pagsuporta sa tanggapan para mapaunlad pa ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan ng Quezon.

Bilang pasimula ng programa, ay nagbigay ng nakapagpapasiglang mensahe si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla, kung saan pinasalamatan niya ang pagsisikap ng mga LGUs upang magampanan ang kanilang mga responsibilidad na may kaugnayan sa paghahayupan. Pagkatapos ay ipinaliwanag din niya ang konsepto ng nasabing aktibidad. Samantala, nagpa-abot rin ng pagbati ang napakasipag na ina ng lalawigan, si Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan, sa pamamagitan ng isang video message.

Sa unang bahagi ng programa, ay nakatanggap ng Sertipiko ng Pagpapahalaga ang mga LGUs na active sa pagbibigay ng Price Monitoring List, may active Checkpoint Operation, may AA Slaughterhouse, at ang mga bayan na kabilang sa ASF -Free Zones.

Sa ikalawang bahagi ay pinagkalooban naman ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga napiling indibidwal bilang Most Outstanding Meat Inspector at Livestock Coordinator, Most Active Focal Person in Price Monitoring, at Top 5 Best AI Technicians.

Pagkatapos nito ay kinilala rin ng tanggapan ang mga natatanging LGUs bilang Best Implementer of Ruminant Genetic Improvement Program, Most Active Animal Quarantine Checkpoint, at Most Outstanding Animal Rabies Prevention and Control Program Implementer.

Bilang highlight ng programa, ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga bayan na napabilang sa Top 4-10 na Best LGU Implementer of Livestock and Poultry. Samantala ginawaran naman ng Plaque ng Pagkilala ang mga nagwaging Top 3 LGUs, kung saan hinirang na Top 3 ang bayan ng Tagkawayan, Top 2 ang bayan ng Lopez, at Top 1 ang bayan ng Guinayangan.

Dinaluhan ito ng mga Municipal Agriculturists, LGU Veterinarians, Livestock Inspectors, Meat Inspectors, at AI Technicians mula sa iba’t ibang bayan ng Quezon. Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pangunguna ni Provincial Veterinarian, Dra. Flomella A. Caguicla, katuwang ang mga beterinaryo at mga kawani ng tanggapan mula sa Animal Health and Welfare Division, Veterinary Regulatory Division, Livestock and Poultry Development Division, at Administrative Support Division ng OPV.

Source: Quezon ProVet

Lingkod Parangal sa Paghahayupan | December 06, 2023

Lingkod Parangal sa Paghahayupan | December 06, 2023

Ginanap nitong Diyembre 6 ang Lingkod Parangal sa Paghahayupan na pinangunahan ng Quezon Provincial Veterinarian Office na pinamumunuan ni Dr. Flomella A. Caguicia sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

Pinarangalan ang mga munisipalidad sa lalawigan ng Quezon na masinop na sumusunod sa tamang proseso at pag implementa ng mga programa pagdating sa paghahayupan.

Sa huli, pinarangalan ang Top 10 best performing Local Government Unit sa paghahayupan.

Top 1 – Guinayangan
Top 2 – Lopez
Top 3 – Tagkawayan
Top 4 – Sampaloc
Top 5 – Sariaya
Top 6 – Tayabas City
Top 7 – San Antonio
Top 8 – Polillo
Top 9 – Lucban
Top 10 – Alabat

Source: Quezon PIO

Quezon Health Summit 2023 | December 06, 2023

Quezon Health Summit 2023 | December 06, 2023

KALUSUGAN KASAMA ANG LAHAT

Sa patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalawig ng Universal Health Care na kabilang sa layunin ni Governor Doktora Helen Tan, isinagawa ang Quezon Health Summit 2023 kahapon ng Disyembre 6 na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City.

Dinaluhan ito ni Senator Imee Marcos bilang keynote speaker, kung saan ibinahagi niya ang buong suporta sa Primary Health Care Programs ng lalawigan.

Naging makabuluhan naman ang ibinalita ni DOH Undersecretary of Special Concerns Team (STC) Dr. Maria Francia Laxaman sapagkat nangunguna na ang lalawigan ng Quezon sa Local Health System Maturity Level kung kaya’t binigyang pugay niya na patuloy na nagbubunga ang mga programa at proyektong handog para sa maayos na kalusugan ng mga Quezonian.

Ayon kay Governor Tan, malayo pa ang lalakbayin at marami pang kinakailangang isaayos sa sistema at serbisyong pangkalusugan na ibinibigay, ngunit patuloy ang mga ginawagang estratehiya at pagplaplano upang masolusyonan ang mga kakaharaping hamon sa pamamagitan na rin ng pakikipagbalikatan sa nasyunal, rehiyonal, at lokal na pamahalaan.

Samantala, binigyang kilala at ginawaran ang mga bayan at lungsod na nagpakita ng mahusay na pamamahala pagdating sa kalusugan. Gayundin ang mga kawani nagbigay dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Quezon.

Source: Quezon PIO