NEWS AND UPDATE

Quezon Women’s Volleyball Team Tryout | February 17, 2024

Quezon Women’s Volleyball Team Tryout | February 17, 2024

Sa pangunguna ng Provincial Sports Office, muling nagsagawa ng volleyball tryout para sa mga kabataang babae na nais mapabilang sa binibuong Quezon Women’s Volleyball Team na ginanap ngayong araw ng Sabado, Pebrero 17 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Umabot sa 100 kabataang babae na ipinanganak mula sa taong 2006 ang nagpakitang gilas at husay sa paglalaro ng volleyball, at nagmula naman ang mga ito sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.
Ang mga napiling manlalaro ay sunod na sasabak sa tinatawag na one day league, kung saan ay pipillin ang mga karapat-dapat na mapabilang sa binubuong nasabing kuponan.

Abangan naman bukas, Pebrero 18 sa Pitogo Town Plaza ang volleyball tryout para sa mga kabataang babae (year born 2006) ng ikatlong distrito.

Source: Quezon PIO

Benchmarking Activity of Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) – Laguna Chapter | February 16, 2024

Benchmarking Activity of Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) – Laguna Chapter | February 16, 2024

Bumisita sa tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang Men Opposed Violence Against Women & Children Everywhere (MOVE) LAGUNA Chapter para sa Benchmarking Activity ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 16.

Masayang pinaunlakan ng tanggapan ng Provincial Gender and Development sa pangunguna ni PGAD OIC Ms. Sonia Leyson kasama si PGAD Asst. Department Head Mr. Sedfrey Potestades na nagbahagi naman ng mga accomplishments at mga programa ng MOVE Quezon Chapter.

Matatandaang nagawaran ang lalawigan ng Quezon bilang Best GAD Implementor sa buong CALABARZON sa loob ng tatlong magkakasunod na taon kung kaya’t hangad ng MOVE Laguna na makakuha ng mga epektibong pamamaraan mula sa lalawigan na may kaugnayan sa implementasyon ng iba’t-ibang programa ukol sa Gender and Development.

Patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maipatupad nang maayos ang mga programang tumutugon sa karapatan ng bawat indibidwal sa Quezon, upang makapaghatid rin nang higit pang inspirasyon sa mga karatig lalawigan.

Source: Quezon PIO

Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) 1st Quarterly Meeting | February 16, 2024

Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) 1st Quarterly Meeting | February 16, 2024

Isinagawa ngayong araw, Pebrero 16 sa Kalilayan Hall, Lucena City ang 1st Quarterly Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC).

Sinimulan ang agenda nina Denise Ann F. Reselloza LGOO II at Ashton Salra B. Garcia LGOO V mula sa DILG Quezon, sa pamamagitan ng discussion patungkol sa Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA ) at Local Council for the Protection of Children( LCPC) Funcionality Audit.

Layunin nito na matulungan ang bawat munisipalidad at siyudad na mapataas ang grado upang mapasama sa Child Friendly LGUs kung saan kailangan ito sa pagkakamit ng Seal Good and Local Governance (SGLG ),Gayun din ang probinsya ng Quezon.

Samantala, nagmungkahi naman ng resolution na isama sa Provincial Council for the Protection (PCPC ) ang additional members Council reperestative mula sa PDAO,LYDO, PTA , Council of Elders for the PLGU’s with IP program at harvest of hope foundation.

Tinalakay rin dito ang iba pang usapin upang maisaayos, bigyang prayoridad at proteksyon ang mga kabataan sa Lalawigan ng Quezon lalo na pagdating sa kanilang mga kalusugan.

Source: Quezon PIO

ika-73 taong Anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWDO) | February 15, 2024

ika-73 taong Anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWDO) | February 15, 2024

Tumanggap ang Provincial Social Welfare and Development Office at ang Provincial Government of Quezon ng iba’t-ibang parangal mula sa Department of Social Welfare and Development Office bilang bahagi ng kanilang ika-73 taong Anibersaryo na ginanap nitong Pebrero 15 sa Batangas Provincial Auditorium, Batangas City.

Dinaluhan ito nina Provincial Administrator Manue Butardo, PGDH-PSWDO Sonia Leyson, at PGDH-APSWDO Norliza Labitigan kung saan ay kanilang tinanggap ang mga sumusunod na parangal:

• Gawad Serbisyong Masigasig – bilang pagkilala sa pinakamataas na naging pagtaas ng puntos sa isinagawang “2023 Service Delivery Capacity Assessement” or SDCA

• Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award – Gawad Serbisyong Mapagkalinga 2023 – Quezon Provincial Social Welfare and Development Office

• Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award – Gawad Serbisyong Mapagkalinga 2023 – Local Government of Quezon Province.

Ang GAPAS Award ay ang pagkilala ng ahensya ng DSWD sa mga katuwang na Lokal na pamahalaan sa epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa kapakanang panlipunan at pagpapaunlad.

Source: Quezon PIO

Interal Medicine Recidency Training Application

Interal Medicine Recidency Training Application

📢📢INTERNAL MEDICINE RECIDENCY TRAINING APPLICATION IS STILL OPEN!!📢📢

The ONLY PCP-ACCREDITED training institution in the QUEZON PROVINCE!

REQUIREMENTS:

-Application Letter addressed to:

Juan Eugenio Fidel B. Villanueva, MD,MBAH,FPCHA,FPSQUA,BSP,PMP

Chief of hospital

Thru: Elpidio Nelson D. Placino, MD,FPCP

Chairman, Department of Internal Medicine

-Transcript of Records

-Valid PRC license and Board Rating

-Medical School Diploma

-Certificate of Internship

-Accomplished Personal Data Sheet

Additional Benefits:

-Salary Grade 21

-13th & 14th month pay

-Harrison’s Principles of Internal medicine

-Scrub suit & White Coat

-Stethoscope

-Tablet Device

For those who are interested to inquire or apply, contact Ms. Gen Absulio (42)717-6323 local 288 or at

qmc_internalmedicine@yahoo.com.ph

Be part of our growing team!

Source: QPHN – QMC

Roma Point Bridge | February 15, 2024

Roma Point Bridge | February 15, 2024

Kasalukuyang kalagayan ng ginagawang ROMA POINT BRIDGE na magdurugtong sa bayan ng Lopez/Calauag at sa Isla ng ALQUEREZ (Alabat, Quezon, Perez).

Ito ang magiging pinakamahabang tulay sa CALABARZON na may sukat na 2.17 kilometers na tatawid sa Lamon Bay.

Source: Quezon PIO

Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo | February 15, 2024

Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo | February 15, 2024

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mailapit sa mga konsyumer ang mga lokal at abot-kayang produkto ng mga magsasaka at maliliit na negosyante, muling naisagawa ngayong araw, Pebrero 15 ang KADIWA ng Pangulo sa Perez Park, Lucena City.

Katuwang ang iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan, naging matagumpay ang nasabing programa kung saan nabili ng mura ang mga sariwang gulay at prutas, karne, at mga food and non-food products na gawang-Quezonian.

Abangan naman sa mga sumusunod na araw ang pagsasagawa ulit ng programa:

• March 15, 2024 (Friday)

• April 16, 2024 (Tuesday)

• May 15, 2024 (Wednesday)

• June 14, 2024 (Friday)

• July 16, 2024 (Tuesday

• August 15, 2024 (Thursday)

• September 13, 2024 (Thursday)

• October 15, 2024 (Tuesday)

• November 15, 2024 (Friday)

• December 13, 2024 (Friday)

Source: Quezon PIO

Livestock Inspectors’ Meeting | February 13, 2024

Livestock Inspectors’ Meeting | February 13, 2024

Tingnan: Dumalo ang 30 na mga Livestock Inspectors mula sa iba’t ibang bayan ng Quezon sa isinagawang Regular Livestock Inspectors’ Meeting ngayong araw, Pebrero 13, 2024, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian.

Bilang pasimula ng pagpupulong, ay iniharap ni Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla, ang isang video patungkol sa mga naisakatuparan ng tanggapan noong nakaraang taon 2023 sa pakikipagtulungan ng mga LGUs at Offices of the City Veterinarians at Municipal Agriculturist sa lalawigan. Pagkatapos, ay nagbigay ng ulat si Dr. Adelberto Ambrocio tungkol sa kasalukuyang status ng ASF sa Quezon.

Samantala, itinuro naman nina Dr. Milcah Valente at Dr. Philip Maristela ang mga pamamaraan kung paano sila makapaglalagay ng tamang datos sa mga forms na bahagi ng kanilang buwanang livestock and poultry development program reports at rabies reports na isinusumite sa DA Regional Office.

Sa pagtatapos, ay ipinagbigay-alam ni Dr. Camille Calaycay ang mga aktibidad ng tanggapan na gaganapin sa buwan ng Marso 2024 na may kaugnayan sa Rabies Awareness Month.

At bilang panghuli, ay isinagawa rin ang “Election for new set of Officers” para sa Association of Livestock Inspectors of Quezon (ALIQue). Ang mga sumusunod ang mga nahirang na bagong pamunuan ng ALIQue:

President: Manolito Preda (Gumaca)

V-President: Aaron Puno (Lopez)

Secretary: Winifredo Camaligan (Real)

Treasurer: Camille Laygo (Candelaria)

Auditor: Ana Cindy Segovia (Atimonan)

District Representatives:

1st District: Dr. Rean Villaflor (Mauban)

2nd District: Rex Lindo (San Amtonio)

3rd District: Lyka Verdadero (Macalelon)

4th District: Carlo Palima (Guinayangan)

Source: Quezon ProVet

Kadiwa ng Pangulo

Kadiwa ng Pangulo

Halina sa KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo bukas, Pebrero 15 sa Perez Park, Lucena City!

Mula 7am hanggang 6pm, maaring makabili ng mura at sariwang gulay at prutas, mga food and non-food products na gawang-Quezonian, at mga lutong pagkain para sa kumakalam na sikmura.

Ito ay pangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan bilang pakikiisa sa paghahangad ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mailapit ang mga lokal at abot-kayang produkto ng ating mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer.

Upang masulit ang pamimili ninyo, narito ang ilang paalala:

1. Ang mga gulay at perishables ay hanggang 12 ng tanghali lamang.

2. Mas mainam na magdala ng sariling ecobag ang mga mamimili.

Narito naman ang dapat tandaang mga petsa para sa muling pagsasagawa ng nasabing programa sa lalawigan ng Quezon:

• March 15, 2024 (Friday)

• April 16, 2024 (Tuesday)

• May 15, 2024 (Wednesday)

• June 14, 2024 (Friday)

• July 16, 2024 (Tuesday

• August 15, 2024 (Thursday)

• September 13, 2024 (Thursday)

• October 15, 2024 (Tuesday)

• November 15, 2024 (Friday)

• December 13, 2024 (Friday)

Maraming salamat po!

Source: Quezon PIO

The PHO Series – To Access the E-Learning Series of Quezon PHO

The PHO Series – To Access the E-Learning Series of Quezon PHO

Magandang balita para sa ating mga health professionals!

Kung ikaw ay nagnanais na sumali sa e-Learning Series ng Quezon Provincial Health Office at gusto pang mapalawak ang inyong kaalaman tungkol sa Clinical Practice Guidelines at iba’t-ibang paksa na pangkalusugan, sundin lamang ang mga sumusunod para makapag-join:

☑️ I-like at follow ang Quezon Provincial Health Office Facebook Page at

☑️ Mag join sa Quezon NPG Facebook Group para sa mga updates, promotions, at schedule ng e-Learning sessions.

Explore, Learn, and Grow with the PHO Series: e-Learning Sessions with Quezon Provincial Health Office ✨

Source: Quezon PHO