NEWS AND UPDATE

Courtesy Call of Librarians Association of Quezon Province | March 4, 2024

Courtesy Call of Librarians Association of Quezon Province | March 4, 2024

Nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Librarians Association of Quezon Province nitong Lunes, Marso 4.

Binubuo ang nasabing asosasyon ng mga librarian mula sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan ng Quezon, kung saan ay nakasama rin ang punong tanggapan ng Provincial Library na si Ma’am Ria Marelle Timbal.

Source: Quezon PIO

Oath-Taking of ALSWDOPI – Quezon Chapter Officials | March 4, 2024

Oath-Taking of ALSWDOPI – Quezon Chapter Officials | March 4, 2024

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Association of Local Social Welfare & Development Officers of the Philippines Inc. (ALSWDOPI) – Quezon Chapter nitong Lunes, Marso 4.

Hangad ng Ina ng Lalawigan na nawa’y maging matibay na kabalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ang nasabing samahan para sa patuloy na paghahatid ng tulong at serbisyo sa bawat nangangailangang mamamayan ng Quezon.

Samantala, nakibahagi rin si Provincial Social Welfare and Development Officer Ma’am Sonia Leyson sa isinagawang Oath taking bilang pagsuporta sa mga bagong halal na mamumuno sa naturang asosasyon.

Source: Quezon PIO

Workshop on Streamlining Transaction Processes & Procedures in the Provincial Government | March 4, 2024

Workshop on Streamlining Transaction Processes & Procedures in the Provincial Government | March 4, 2024

“We should be on the same page together, para marating ang minimithi na mas higit at maayos na paglilingkod sa ating Lalawigan.”

Ito ang sinabi ni Provincial Administrator Manuel P. Butardo sa ginanap na Seminar-Workshop on Streamlining Transaction Processes and Procedures in the Provincial Government na ginanap ngayong araw ng Lunes, Marso 4.

Layon ng aktibidad na ito na pabilisin ang mga proseso ng transaksyon sa bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan upang mapaigting ang mas maunlad at inobatibong pamamaraan ng pagbibigay serbisyo para sa mga mamamayan ng Quezon.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Governor Doktora Helen Tan ang lahat ng nagsipagdalo na maging efficient at effective na manggagawa ng Pamahalaang Panlalawigan, at palaging maghanda ng standardized activity plan para sa araw-araw na paglilingkod.

Source: Quezon PIO

Women’s Month Celebration 2024 | March 4, 2024

Women’s Month Celebration 2024 | March 4, 2024

Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!

Bilang pagpupugay sa mga kababaihang patuloy na nagpapatibay at nagpapalalakas sa lipunan, sama-samang nakisaya ang mga kababaihan na mula sa ikalawang distrito at mga sentrong bayan sa unang distrito sa ginanap na programa ngayong araw, Marso 4 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Ang nasabing progama ay bahagi ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong taon na dinaluhan ng 6,120 kababaihang Quezonian sa pangunguna ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office.

Nagpakita naman ng suporta si Governor Doktora Helen Tan sa bawat babaeng patuloy na nagbabahagi ng kaalaman at katangian, upang maipamalas ang kanilang kagitingan sa ano mang larangan.

Samantala, naging motivational speaker ng programa si Mr. Chinkee Tan, at mas nagbigay saya sa mga kababaihan ang mga papremyo sa isinagawang raffle draw.

Source: Quezon PIO

Opening of Tiangge ni Juana | March 4, 2024

Opening of Tiangge ni Juana | March 4, 2024

Mga kalalawigan, ating suportahan ang pagbubukas ng Tiangge ni Juana!
Bida ang mga produktong gawa mismo ng mga kababaihang Quezonian mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan, gaya ng mga hand-made bags, damit, pagkain, at iba pa.

Mayroon ding libreng pagpapaganda at pagpapaayos para sa ating mga kababayang babae upang mas maipadama sa kanila ang selebrasyon ngayon taon ng Women’s Month.

Kaya’t ano pang hinihintay niyo, halina’t pumasyal at mamili ng mga lokal na produkto mula Marso 4 hanggang 8 sa Quezon Capitol Compound, Lucena City.

Source: Quezon PIO

Rabies Awareness Month Veterinary Medicial Mission | March 4, 2024

Rabies Awareness Month Veterinary Medicial Mission | March 4, 2024

Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, ginanap ang Veterinary Medical Mission na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian – Quezon ngayong araw ng Lunes, Marso 4 sa Perez Park, Lucena City.

Inumpisahan ni Veterinarian II Doc. Camille Calaycay ang pagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga alagang hayop ng bawat mamamayan sa ating Lalawigan. Kabilang sa mga libreng serbisyong handog para sa mga ito ay ang rabies vaccination, deworming, health consultation, at vitamins distribution.

Upang maging updated pa sa mga programa na layong tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga alagang hayop, magtungo lamang sa Office of the Provincial Veterinarian – Quezon Facebook page.

Source: Quezon PIO

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Gender and Development Office | March 4, 2024

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Gender and Development Office | March 4, 2024

Masiglang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang panibagong linggo ng serbisyo sa isinagawang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, Marso 4.

Pinangunahan ito ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office sa pamumuno ni Ma’am Sonia Leyson, kung saan kanilang ibinahagi ang selebrasyon para sa mga kababaihan na gaganapin din ngayong araw sa Quezon Convention Center.

Lubos din ang pakikiisa ni Governor Doktora Helen Tan sa pagdiriwang ng International Women’s Month, at binigyang-diin kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan.

Bilang bahagi naman ng selebrasyon ay nagsagawa ng Zumba Dance Activity, kung saan humataw sa pag-indak ang bawat empleyado ng kapitolyo.

Source: Quezon PIO

Know your risk for Kidney Disease | March 4, 2024

Know your risk for Kidney Disease | March 4, 2024

Anong SCORE mo Quezonian?

Alamin ang antas ng banta sa pagkakaroon mo ng sakit sa bato o Kidney Disease. Sagutan lang ang mga simpleng katanungan at i-scan ang QR Code o pumunta sa link na nasa ibaba kung makakuha ng score na 4 o higit pa upang makatanggap ng libreng Urine Albumin-Creatinine Ratio (UACR) Test.

https://bit.ly/riskforckd

2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament | March 2, 2024

2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament | March 2, 2024

Patuloy na pinapalawig ng Pamahalaang Panlalawigan ang larangan ng sports sa ginanap na 2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament.

Labing dalawang team ang naglalaban-laban sa invitational tournament na sinimulan nitong nakaraang Sabado sa Alcala Sports Complex, Iyam Lucena City, na layong malinang at mahubog ang mga kabataang Quezonian sa kanilang angking galing sa ganitong klaseng laro.

Ito ay apat na araw na tournament na sinimulan ngayong araw, at magpapatuloy sa Marso 3, 9 at 10 kung saan ang tatanghaling kampeon ang magrerepresenta sa Regional Game ng Philippine Football Federation sa Marso 16 para sa Qualifying Match na gaganapin sa lalawigan ng Laguna.

Asahan pa ang tuloy-tuloy na pagpapalakas at pagpapakilala sa mga manlalarong Quezonian sa kanilang mga napupusuang laro.

Source: Quezon PIO

Familiarization on Scuba Equipment | March 1, 2024

Familiarization on Scuba Equipment | March 1, 2024

March 1, 2024 | Sariaya Quezon
Familiarization on Scuba Equipment

Isinagawa ngayong araw ang pagsasanay ng Tanggapan ng Quezon PDRRMO sa kanilang mga kawani sa Familiarization ng Scuba Equipment.
Sa Gabay at Suporta ng Chairperson ng Pdrrmc Gov. Doktora Helen Tan sa pamamagitan ng pinuno ng tanggapan ng Pdrrmo Melchor P. Avenilla ay naging matagumpay at makabuluhan ang isang araw ng pagsasanay.
Layunin ng gawain na ito na palawigin ang kaalaman at palakasin ang kasanayan at kahandaan ng bawat kawani ng Pdrrmo sa pagtugon sa anumang sakuna.

Pasasalamat sa Mdrrmc Sariaya sa pangunguna Ni Mayor Marcelo Predilla Gayeta at Mdrrmo Don Don Martinez at sa pamunuan ng Villa Del Prado Resort.

#Stand UPPPP Quezon
Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pdrrmo Quezon