
Provincial School Board Meeting | March 12, 2024
Masugid na pinaglaanan ng pansin ni Governor Doktora Helen ang mga programang handog para sa mga mag-aaral ng Quezon sa isinagawang Provincial School Board Meeting ngayong araw ng Martes, Marso 12.
Kabilang sa napag-usapan ang patungkol sa Project Kid Bibo kung saan nais mapagtuunan ang pagbibigay ng trainings sa mga guro upang mas mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtuturo sa mga estudyanteng higit na kinakailangan ng tulong sa pag-aaral.
Binigyang prayoridad din ng gobernadora ang pagkakaroon ng Oral Health progams para sa basic oral care ng mga 5-9 years old, gayundin ng Eye Health programs gaya ng pagsasagawa ng vision screening para sa mga kindergarten students.
Bukod sa mga proyektong hatid para sa mga mag-aaral ng lalawigan, isinusulong ang programang makakatulong para sa early detection ng ilang sakit ng mga guro tulad ng hypertension at diabetes. Gayundin ay nais na magpaparehistro ang bawat guro sa Konsulta Program.
Source: Quezon PIO