NEWS AND UPDATE

Blessing of Water Supply Tank | February 10, 2024

Blessing of Water Supply Tank | February 10, 2024

Isa sa mahalagang parte ng ating pang araw-araw na buhay ay ang sapat at malinis na tubig, kung kaya’t lubos din ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na naibibigay ito sa ating mga kalalawigan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong patubig.

Kung kaya’t ngayong araw, Pebrero 10 ginanap sa Brgy. Ayusan 1, Tiaong pormal na pagbabasbas ng bagong water supply tank para sa mga residente ng nasabing lugar.

Tatlongpu’t limang pamilya ang higit na makikinabang sa maayos na daloy ng tubig, kung labis ang pasasalamat ng mga residente sa layuni ng naturang proyektong handog ni Governor Doktora Helen Tan.

Source: Quezo PIO

Turn-Over of Solar Power Irrigation System & Distribution of Agricultural Inputs | February 10, 2024

Turn-Over of Solar Power Irrigation System & Distribution of Agricultural Inputs | February 10, 2024

Upang maipadama sa ating mga magsasakang Quezonian ang kahalagahan ng kanilang sektor, ginanap ngayon araw, Pebrero 10 sa Brgy. Talisay, Tiaong ang turn-over ng Solar Power Irrigation System at Distribution of Agricultural Inputs.

Hangad ni Governor Doktora Helen Tan na magagamit ng maayos at lubos na mapakikinabangan ng mga magsasaka ang mga bagong kagamitan upang magsilbing daan sa pag-angat pa ng sektor ng agrikultura sa Quezon.

Samantala, naibahagi rin ang relief supplies na mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Source: Quezon PIO

Blessing of 2-Storey 4 Classroom School Building | February 10, 2024

Blessing of 2-Storey 4 Classroom School Building | February 10, 2024

Isinagawa ngayong araw, Pebrero 10 ang pormal na pagbabasbas ng bagong gusali para sa mga mag-aaral ng Lusacan Elementary School sa pangunguna ni Governor Doktora Helen.

May dalawang palapag at apat na silid-aralan ang nasabing gusali, kung saan naman ay nagkakahalagang 12.8 milyon pesos ang pondo nito na mula sa Special Education Fund.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro ng paaralan sapagkat ang karagdagang mga silid ay nangangahulugan ng mas komportableng pag-aaral ng mga estudyante.

Asahan na patuloy na pagsusumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang pagtugon sa mas maayos na kalagayan ng edukasyon para sa ating mga kabataang Quezonian.

SHIELD Provincial Capacity Assessment | February 07-08, 2024

SHIELD Provincial Capacity Assessment | February 07-08, 2024

Sa pamamagitan ng pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa United Nations Habitat Philippines, National Economic and Development Authority (NEDA), National Resilience Council (NRC), Philippine Business for Social Progress (PBSP), isinagawa nitong nakaraang ika 7–8 ng Pebrero ang Capacity Assessment sa ilalim ng programang Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD).

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga puno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, Quezon Medical Center (QMC), Provincial Health Office, Quezon ARMOR, DTI Quezon, DEPED Tayabas at Lucena, DILG Quezon, Phil. Red Cross Quezon Lucena, GSP Quezon, Quezon Federation and Union of Cooperatives, REACT Banahaw, at Phil. Chamber of Commerce and Industry Quezon.

Layon ng programang ito na suportahan ang pamahalaan sa pagtataguyod ng institusyonal at pampamayanang kakayanan upang maging handa sa natural disasters at mga kalamidad na idinudulot ng Climate Change.

Source: Quezon PIO

NGCP Update

NGCP Update

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Ongoing Restoration Works in affected parts of Quezon Province, 07 February 2024, Wednesday, as of 12:07PM.

Affected Areas: QUEZELCO I

Reason: Emergency shutdown of transformer at Lopez Substation at 6:28AM due to busted power fuse.

Current Status: The technical group has arrived to conduct testing.

We will update you on the estimated time of energization. Currently, it remains undetermined as we work diligently to restore power as soon as possible today.

We appreciate your patience during this time.

Source: Quezon PIO

#Bittersweet Love Spoken Poetry Online Contest – February 12, 2024

#Bittersweet Love Spoken Poetry Online Contest – February 12, 2024

Serenade your loved ones with a work of art from the heart. 🧡

Join the #𝐁𝐈𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄: Online Spoken Poetry Contest and get a chance to win 𝐏𝐡𝐩 𝟑,𝟎𝟎𝟎.𝟎𝟎! 🫶🗣🍫

Make sure to follow the guidelines, Quezonians! 👇👇👇

#FEBibigonlinecontest #FirstQuarter2024 #OPAQUEZONFITS #quezonagriculture #cacao #MonthOfLove #bittersweet #SpokenPoetryContest

Link: https://www.facebook.com/OfficialAgricultureQuezon/posts/pfbid02p2Ah5pmkLGtCGHfWojZAJoZVaY6tfsKg1RH8xtYYvNTVwivJBwbbaWFbjRtys9apl

Source: Quezon OPA

NGCP Advisory

NGCP Advisory

NGCP Advisory

Unscheduled power interruption in parts of Quezon province today at 6:28AM, 7 February 2024.

Affected: QUEZELCO I

Reason: Emergency shutdown of transformer at Lopez Substation due to busted power fuse. Technical team will conduct testing. Cause and target restoration is yet to be determined.

We will update you on the cause as soon as possible. Thank you for your understanding.

Source: National Grid Corporation of the Philippines

Source: Quezon PIO

Courtesy Call of Quezon Association Business Permits and Licensing Officers (QABPLO) & Local Economic Development Investment Promotions Officers (LEDIPO) | February 06, 2024

Courtesy Call of Quezon Association Business Permits and Licensing Officers (QABPLO) & Local Economic Development Investment Promotions Officers (LEDIPO) | February 06, 2024

Nagkortesiya ang Quezon Association of Business Permits and Licensing Officers (QABPLO) at Local Economic and Development Investment Promotions Officers (LEDIPO) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ngayong araw ng Martes, Pebrero 6.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Manny Butardo ang pulong para sa dalawang asosasyon na binubuo ng mga officers at representatives ng mga mula sa iba’t-ibang distrito ng Quezon, binigyan-diin nya rin napakalaki ng ginagampanan nilang papel para sa lalawigan.

Source: Quezon PIO

Department of Agriculture & LGU-Polillo PRDP Meeting | February 06, 2024

Department of Agriculture & LGU-Polillo PRDP Meeting | February 06, 2024

Pinag-usapan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama si Department of Agriculture Undersecretary Roger V. Navarro at LGU Pollilo ang Construction of Atulayan-Bislian-Pamatdan Farm to Market Road Project ngayong araw ng Martes, Pebrero 6.

Ang pagpupulong na ito ay patungkol sa existing agreement ng Philippine Rural Development Project (PRDP) at Local Government Unit ng Pollilo na nais nang maisakatuparan ang proyektong matagal ng nakabinbin at layon na masimulan ito sa lalong madaling panahon.

Source: Quezon PIO

Health Referral Services with Bicol Medical Center | February 06, 2024

Health Referral Services with Bicol Medical Center | February 06, 2024

Sa pagsusumikap na mapadali at mailalapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kalalawigan, makabuluhan na nilagadaan ngayong araw, Pebrero 6 ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Bicol Medical Center.

Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan at BMC Medical Center Chief II – Dr. Ronnie Gregorio Gigantone III, gayundin ni Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor kasama si QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva at ang iba pang kawanin ng PHO at BMC.

Ang nasabing kasunduan ay magsisilbing matibay na paraan upang maging kabalikatan ng lalawigan ng Quezon ang BMC bilang isa sa mga refferal unit hospital na handang magbigay serbisyong medikal sa mga pasyenteng Quezonian, lalo na ang malalapit na bayan sa Bicol Region gaya ng Tagkawayan, Calauag, at Guinayangan.

Pinasalamantan naman ng Gobernadora ang pumunuan ng naturang ospital dahil malaking tulong ang kanilang pakikipagbalikatan upang tuluyang maisakatuparan ang pangarap na maunlad at malusog na lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO