Modernong Solusyon sa Produksyon ng Palay, Ilulunsad sa Pamamagitan ng PalaySikaSTAN Project | July 22, 2025
Inilunsad ang “PalaySikaSTAN” Project sa ilalim ng Tulay ng Progreso sa Agrikultura at Pangisdaan Program sa Brgy. Alupaye, Pagbilao, Quezon.
Ang proyektong ito ay nahahati sa tatlong (3) bahagi, na nagbibigay pokus sa:
1. Technology and Infrastructures – para sa modernisasyon ng produksyon;
2. Agri-Fishery Empowerment – para sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka;
3. Network and Enterprise Development – upang tiyakin ang tuloy-tuloy na kita at sustinableng kabuhayan.
Layunin ng PalaySikaSTAN Project na maitaas ang ani at kita mula sa pagtatanim at pagkakaroon ng tiyak na merkado ng ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpletong suporta at interbensyon sa produksyon ng palay – kabilang ang teknikal na pagsasanay, pest and disease management, at akses sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pagnenegosyo.
Kaakibat nito ay ipinaliwanag rin ni G. Edilberto Labitigan mula sa CPINM Unit ang resulta ng ginawang pagsusuri ng lupa sa kanilang mga taniman kung saan naka saad Dito Ang mga sustansyang kulang at mga kailangang abuno ,uri at Dami na kailangan upang higit naadagdagan ang kanilang ani at kita ganun din mabawasan ang gastusin sa pag bili ng abonong kemikal. Tinalakay rin ang pangangasiwa sa mga rice pests and diseases sa pangunguna ni G. Junvee M. Ronquillo, IPM/Training Coordinator mula sa Rice Industry Development Unit.
Buo rin ang pagsuporta ng mga pampubliko at pampribadong tanggapan tulad nina Gng. Mae Empleo, kinatawan ni Mayor Angelica Portes-Tatlonghari, Municipal Agriculturist Rosalie G. Recaro, National Food Authority (NFA) Assistant Branch Manager ng Fernando Sanque, Gng. Remedios Oreto at G. Oliver Rutaqui, mga kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA), at Assistant Provincial Agriculturist Alexander C. Garcia.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist -Agri-Enterprise Development Division, Crop Production Development Division, Agriculture Biosystem Egineering Division,at Agricultural Support Services Division.
#QuezonProvince
#PalaySikatSTANproject
#riceproductivityenhancement
#OPAQuezon
#opaquezonfitscenter
Quezon PIO / Prov. Agriculture