NEWS AND UPDATE

Foster Care & Adoption Forum | May 31, 2024

Foster Care & Adoption Forum | May 31, 2024

Ang lalawigan ng Quezon sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni PSWD Officer Ma’am Sonia Leyson ay aktibong nakikibahagi sa pagsusulong ng legal na proseso ng foster family care at legal adoption kung kaya’t sa nalalapit ng taunang selebrasyon ng Adoption and Child Care Week (ACCW) na ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo, ginanap ang Foster Care and Adoption Forum sa 3rd Floor ng Provincial Capitol Building, Lucena City ngayong araw ng Biyernes, Mayo 31.

Ang inisyatibang ito ay nakahanay upang palakasin ang implementasyon ng Alternative Child Care Program na pinamamahalaan ng Regional Alternative Child Care Office (RACCO) sa Region IV-A CALABARZON na pinapatakbo sa ilalim ng National Adoption and Coordinating Council (NACC).

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan kabilang na ang ilang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan at Social Work Students mula sa Sacred Heart College at Dalubhasaang Lungsod ng Lucena.

Layon ng forum na ito na makapagbigay ng dagdag kaalaman para sa mga indibidwal at couples na interesado sa proseso ng pag-aalaga at pag-aampon. Pinangunahan ng Regional Alternative Child Care Office (RACCO) ang talakayan patungkol sa Foster Care, Simulated Birth Rectification Act (SIBRA) or RA 11222, Regular Adoption, at Domestic Administrative Adoption or RA 11642 na nagbigay linaw sa mga tanong at concerns ng mga kalahok ukol sa mga bagong batas at regulasyon sa pag-aampon.

Lubos ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan bilang isang Licensed Foster Parent sa lalawigan para sa mga indibidwal at couple na nais maging kabahagi sa pangangalaga at pagbibigay ng ligtas at mapagmahal na pamilya para sa mga batang nangangailangan ng pagkalinga.

Source: Quezon PIO

Water Rationing in Lucena, Pagbilao, Tayabas & Sariaya | May 27, 2024 Onwards

Water Rationing in Lucena, Pagbilao, Tayabas & Sariaya | May 27, 2024 Onwards

TINGNAN: Tuloy-tuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ating mga kalalawigang walang mapagkunan ng malinis na tubig para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan dulot na rin ng pagsalanta ng Bagyong Aghon. Mula Mayo 27 (Lunes) ay walang tigil ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa paghahatid ng rasyon na tubig sa mga kabahayan sa bayan ng Pagbilao, Tayabas, Sariaya, at lungsod ng Lucena.
Source: Quezon PIO

Una at Ikalawang Distrito ng Quezon Isinailalim sa State of Calamity | May 30, 2024

Una at Ikalawang Distrito ng Quezon Isinailalim sa State of Calamity | May 30, 2024

PABATID: Pormal ng naipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Resolution No. 2024-130 na nagdedeklara ng STATE OF CALAMITY sa ika-una at ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon dulot ng malawakang pinsala ng bagyong Aghon.
Source: Quezon PIO

Accounting General Assembly | May 29, 2024

Accounting General Assembly | May 29, 2024

Sa patuloy na pagpapaigting ng serbisyo para sa kapitolyo, ginanap ang General Assessment Activity ng Office of the Provincial Accounting ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 29 sa 3rd floor Old Capitol Building, Provincial Capitol.
Naging pangunahing tagapagsalita sa nasabing aktbidad ang Human Resources Management Office (HRMO) at tinalakay ang Basic Human Resource Policies ng Pamahalaang Panlalawigan gayundin ang iba pang mga usapin na dapat isabuhay ng isang kawani ng nasabing tanggapan.
Layon ng tanggapan na mapanatili ang kanilang magandang sinimulan at maipagpatuloy ang hangaring maglingkod ng tapat bilang isang lingkod bayan.
Source: Quezon PIO

ESA Payout | May 29, 2024

ESA Payout | May 29, 2024

Ang islang bayan ng Patnanungan ang isa sa labis na apektado ng Bagyong Aghon na nagdulot ng pagkasira ng maraming bahay at maraming pamilyang naninirahan dito ang naapektuhan, kung kaya’t agaran na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa nasabing bayan upang ihatid ang tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Miyerkules ika-29 ng Mayo.
Upang maaalalayan ang mga apektadong mamamayan ng Patnanungan sa muling pagbangon dahil sa iniwang pinsala ng bagyo, isinagawa ang payout para sa programang “Emergency Shelter Assistance” (ESA) na naging posible sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).
479 na mula sa poblacion area ng bayan ng Patnanungan ang naging benipisyaryo ng nasabing programa at magpapatuloy sa mga susunod na araw ang payout para naman sa mga malalayong barangay sa nasabing bayan.
Samantala, labis ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa tanggapan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para sa 2,000 boxes ng relief food packs na hatid para sa mga mamamayan ng Patnanungan.
Bukod naman sa mga nasirang bahay, apektado rin ang hanapbuhay ng mga residente kaya naman siniguro ni Governor Tan na magbibigay rin ng tulong para sa mga mangingisda at magsasaka sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist at pakikipagbalikatan sa mga ahensya sa nasyonal na pamahalaan.
Asahan na hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagkalinga sa bawat Quezonian na naapektuhan ng Bagyong Aghon.
Source: Quezon PIO

List of Hospitals Accredited AICS Service Providers

List of Hospitals Accredited AICS Service Providers

TINGNAN: Para sa kabatiran ng ating mga kalalawigan, narito ang listahan ng mga HOSPITAL na Accredited AICS Service Providers na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng tulong para sa bawat Quezonian.
• PETER PAUL MEDICAL CENTER OF CANDELARIA INC. (Candelaria, Quezon)
• LIWAG MEDICAL CLINIC, INC. (Tiaong, Quezon)
• MOUNT CARMEL DIOCESAN GENERAL HOSPITAL (Lucena City)
• LUCENA MMG GENERAL HOSPITAL (Lucena City)
• ST. ANNE GENERAL HOSPITAL, INC. (Lucena City)
• LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL AND MEDICAL CENTER (Lucena City)
• SOLER MEDICAL CLINIC AND INFIRMARY (Sariaya, Quezon)
• LOPEZ SAINT JUDE GENERAL HOSPITAL, CORP. (Lopez, Quezon)
• UNIHEALTH QUEZON HOSPITAL AND MEDICAL CENTER (Tayabas City)
• LUCBAN MMG HOSPITAL (Lucban, Quezon)
• TAYABAS COMMUNITY HOSPITAL (Tayabas, City)
• CALAUAG ST. PETER GEN. HOSPITAL, INC. (Calauag, Quezon)
• QMMGMPC – DIAGNOSTIC CENTER (Lucena, City)
• ACE MEDICAL CENTER SARIAYA, INC. (Sariaya, Quezon)
Source: Quezon PIO

Turnover ng mga Service Vehicle mula sa Pamahalaang Panlalawigan | May 29, 2024

Turnover ng mga Service Vehicle mula sa Pamahalaang Panlalawigan | May 29, 2024

Para sa mabilisang pagtugon sa mga sakuna tulad ng nagdaang bagyong Aghon, ginanap ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 29 ang pormal na turnover ng mga service vehicle mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.
Kasamang nakisaksi at nagbigay ng mga mensahe ng pagbati sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Sonny Ubana, Board Member Harold Butardo, Board Member Derick Magbuhos, at Board Member Ola Eduarte.
Ang naturang mga sasakyan ay ipinamahagi sa apat na bayan sa ika-apat na Distrito ng Lalawigan kung saan sampung barangay ang nakatanggap mula sa bayan ng Quezon-Quezon, dalawa sa Gumaca at Calauag, at apat na barangay naman sa bayan ng Alabat na masayang tinanggap ng mga opisyal ng bawat barangay sa pangunguna ng kanilang mga kapitan.
Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng mga tulong na magiging kapaki-pakinabang sa oras ng kalamidad at sakuna mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na komunidad sa lalawigan.
Source: Quezon PIO

Educational Assistance Payout | May 29, 2024

Educational Assistance Payout | May 29, 2024

Sa patuloy na pakikipagbalikatan ni Governor Doktora Helen Tan sa nasyunal na ahensya, naipamahagi ang Educational Assistance ngayong araw, Mayo 29 sa Lucban, Quezon.
Nagpapasalamat ang pamahalaang panlalawigan kay Senator Imee Marcos na naging daan upang maipamahagi sa 2,263 na mga mag-aaral ng Lucban, Tayabas, at Lucena ang Educational Assistance na makakatulong sa pang araw-araw na gastusan sa kanilang pag-aaral.
Isa lamang ito sa hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang makatulong sa mga mag-aaral sa lalawigan na makatapos sa pag-aaral.
Source: Quezon PIO

Health Advisory – Mag-ingat sa Leptospirosis!

Health Advisory – Mag-ingat sa Leptospirosis!

MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!
Ang lalawigan ng Quezon ay nakaranas ng malakas na hangin at pag-ulan na dala ng Severe Tropical Storm Aghon. Ito ay nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar na maaaring pagmulan ng mga sakit gaya ng Leptospirosis.
Ang leptospirosis ay sakit na galing sa ihi ng mga infected na hayop na maaaring maka-kontamina sa lupa at tubig. Maaaring makahawa ang Leptospirosis sa pamamagitan ng mga sumusunod:
📍 Pagtalsik ng kontimadong tubig o ihi sa mata, ilong at bibig;
📍 Pagkain at paginom ng maduming pagkain at tubig; at
📍 Paglusong sa maruming tubig habang may bukas na sugat.
Kung ikaw ay na-expose sa baha, may sugat man o wala, agad na komunsulta sa inyong doktor o magtungo sa pinaka malapit na health center upang mabigyan ng prophylaxis.
Source: Quezon PHO