NEWS AND UPDATE

Meeting with Quezon Police Forensic Unit (QPFU) | November 6, 2023

Meeting with Quezon Police Forensic Unit (QPFU) | November 6, 2023

Bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang pamunuan ng Quezon Police Forensic Unit (QPFU) sa pangunguna ni QPFU Chief PTCOL Sharon L Fablos ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 6.
Napag-usapan sa pagpupulong ang mga paraan kung paano pa mapapabuti ang serbisyo pagdating sa forensic sa buong lalawigan.
Layon ng QPFU na makapagpatayo ng sattelite office sa Gumaca at makapagdagdag ng mga kagamitang kinakailangan sa forensic laboratory upang mapabilis pa ang paglakap ng mga ebidensyang ginagamit sa isang imbestigasyon.
Bukas naman ang pamahalaang panlalawigan sa anumang tulong at suporta na maaring maibigay sa QPFU para sa mas mabilis at maayos na serbisyong maiibigay sa mga mamamayan sa Quezon.

Source: Quezon PIO

Courtesy Call & Oath-Taking of Deaf Association of Quezon Province, Inc. (DAQP) Officers | November 6, 2023

Courtesy Call & Oath-Taking of Deaf Association of Quezon Province, Inc. (DAQP) Officers | November 6, 2023

Malugod na tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan sa Pamahalaang Panlalawigan ang Deaf Association of Quezon Province, Inc. (DAQP) ngayon araw ng Lunes, Nobyembre 6 sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Mr. Trivor Latayan.
Layon ng samahan sa ginanap na pagkortesiya na maimbitahan ang Ina ng Lalawigan na maging kabahagi ng gaganaping 2nd Annual Deaf Awareness Weekend na may temang “World Where Deaf People Every Where Can Sign Anywhere” na planong ganapin sa ika-19 ng Nobyembre ngayong taon.

Hangad ng asosasyon na makapagbahagi ng kamalayan patungkol sa mga espesyal na pangangailangan ng deaf community, lalo’t higit ay maisulong ang Deaf Culture at ang Filipino Sign Language (FSL).

Malaki naman ang maitutulong ng aktibidad na ito upang maibahagi sa deaf individuals kabilang ang mga tagapagturo sa paaralan, mga propesyonal, pamilya at mga kamag-anak ng mga nasa deaf community ang mga mahahalagang karanasan na magsisilbing inspirasyon upang makamit ng mga susunod na henerasyon ng Deaf Individuals ang kanilang buong potensyal.
Samantala, pinangunahan ni Governor Tan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Deaf Association of Quezon Province na magtataguyod ng mga layunin ng samahan.

Siniguro rin ng Gobernadora ang pagsuporta sa plano ng naturang asosasyon, aniya malaking bahagi ng lipunan ang mga nasa Deaf community kung kaya’t kinakailangang mabigyan ng karampatang suporta para sa kanilang pangangailangan, katulad na lamang ng malapit at maayos na access sa edukasyon upang magkaroon ng sapat na oportunidad na makamit ang kanilang pangarap sa buhay

Source: Quezon PIO

Meeting with San Miguel Corporation | November 6, 2023

Meeting with San Miguel Corporation | November 6, 2023

Isa sa mahalagang pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang mabigyan ng maayos na oportunidad at trabaho ang bawat mamamayan sa Quezon upang mas mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 6 masinsinang nakipagtalakayan si Govenor Doktora Helen Tan sa San Miguel Corporation (SMC) Sariaya ukol sa mga sustainable livelihood programs at job opportunities na handog para sa mga mamamayan ng lalawigan.
Dinaluhan ang nasabing pulong nina PESO Head Atty. Melojean Puache, SMC Project Manager Atty. Micaela Rosales, at iba pang kawani mula sa nasabing kompanya.
Samantala, nakipagtalakayan din ang gobernadora sa San Miguel Purefoods ukol naman sa mga business opportunities na hangad na makatutulong lalo na sa mga kababaihan.

Source: Quezon PIO

4th Quarter Provincial Peace & Order Council Meeting | November 6, 2023

4th Quarter Provincial Peace & Order Council Meeting | November 6, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 6 ang 4th Quarter CY 2023 Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting sa 3F Capitol Building sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan bilang Chairperson ng Peace and Order sa lalawigan ng Quezon.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng iba’t-ibang lokal at nasyonal na ahensya ng pamahalaan kung saan nagbahagi ang bawat tanggapan ng kanilang mga accomplishment reports at ng iba pang mahahalagang ulat patungkol sa lalawigan.
Ilan sa tinalakay ay ang kalagayan ng lalawigan ng Quezon patungkol sa iba’t-ibang krimen, droga, anti-terrorism campaign, non-violence related crimes tulad ng illegal gambling, at ang tumataas na bilang ng road crashes.
Binigyang diin sa talakayan ang planong pagsasagawa ng road clearing para sa mas maayos na traffic management kaugnay sa dumaraming bilang ng mga vehicular accidents, kaya naman nanawagan din ang Gobernadora na siguruhin na magsuot ng Safety Gears ang motorista upang maiwasan ang malalang pinsala ng mga hindi inaasahang insidente sa kalsada.
Patuloy naman ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga ahensya ng Pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning katulad ng mga nabanggit, kung kaya’t hinahangad na mas mapapaigting pa sa susunod na taon ang mga programang naglalayong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

69th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | November 6, 2023

69th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | November 6, 2023

Para sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo pagdating sa usaping panglehislatura, ginanap ang ika-69 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 6.
Aprubado sa sesyon ang mga atas tagapag paganap, resolusyon at ordinansa ng mga lungsod at munisipalidad ng lalawigan pagdating sa usaping pangkalamidad, agrikultura, pangkalakalan, at social welfare.
Nagkaroon naman ng pangalawang panukala ang liham na mula kay Governor Doktora Helen Tan patungkol sa pinagsamang resolusyon ng Pamahalaang Panlalawigan at Lungsod ng Tayabas.
Sa huli, binigyan ng resolusyong pagkilala ni Vice Governor Anacleto “Third” Alcala ang mga bagong nahalal na opisyal ng barangay sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

BABALA – “Miss Amazing Philippines, 2023″

BABALA – “Miss Amazing Philippines, 2023″

Binabalaan ang publiko ukol sa kumakalat na solicitation para sa “Miss Amazing Philippines, 2023” na may endorsement umano mula sa tanggapan ni Gov. Doktora Helen Tan at Mayor Mark Don Victor Alcala.

Wala pong katotohanan ang nilalaman ng dokumento at mangyari pong ipagbigay-alam sa mga otoridad upang mapigilan ang pagkalat ng liham na ito.

Source: Quezon PIO

BFP Provincial Director Courtesy Call | November 06, 2023

BFP Provincial Director Courtesy Call | November 06, 2023

Ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 6 maagang bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang tanggapan ng Bureau of Fire and Protection-Quezon sa pangunguna ni FSUPT Rodel Nota.

Masayang kinumusta ng Gobernadora ang nasabing tanggapan patungkol sa ilang mga updates sa mga programa at mga aksyon na may kaugnayan sa pag-iwas sa sunog. Isa naman sa mahalagang napag-usapan ay ang memorandum of agreement na nais maisakatuparan upang maibigay ang hinihiling na ambulansya na lubos na makatutulong sa mas mabilis na pagresponde tuwing may mga insidente sa lalawigan.

Asahan ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng mga tanggapan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Quezon.

Source: Quezon PIO

182nd Death Anniversary of Hermano Puli | November 04, 2023

182nd Death Anniversary of Hermano Puli | November 04, 2023

Ginanap ang paggunita ng ika-182 taong kamatayan ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli ngayong araw ng Sabado, November 4 sa Isabang, Tayabas City.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Tayabas City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, Historical Site Development Officer Eufemio Agbayani, Juris Doctor, kumatawan kay Vice Governor Third Alcala na si Ms. Aleixa Alcala, Tuklas Tayabas Historical Society Inc. Founder John Valdeavilla, mga Punong Tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at mga kabalikatan mula sa National Government Agencies.

Saad ng gobernadora, “Si Hermano Puli ay nagbuwis ng buhay para sa ating pananampalataya kaya’t malaya tayong nakakapagtipon ngayon, nakakasali sa relihiyon na gusto nating salihan” kung kaya naman naniniwala ang gobernadora na gaya ni Hermano Pule, ang bawat isa ay mayroong magagawa para sa ating lalawigan.

Ang kabayanihan ni Hermano Puli ay tumatak hindi lamang sa ating lalawigan kundi na rin sa buong bansa, kung kaya’t hiling ng anak at kumatawan sa Bise Gobernador na si Alexia Alcala na panatilihin nating buhay ang kwento ng ating dakilang bayani.

Source: Quezon PIO

ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Awareness Seminar | November 03, 2023

ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Awareness Seminar | November 03, 2023

Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maihatid ang dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan sa Quezon, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 3 ang ISO Awareness Seminar sa 3F Capitol Building upang mapag-usapan ang patungkol sa Quality Management System ng ISO 9001:2015 Certification.

Dinaluhan ang nasabing seminar ng mga namumuno sa bawat departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, kasama rin ang mga Chief of Hospitals ng bawat Quezon Provincial Hospital Network sa paglalayong mabigyang linaw ang ISO Standard na nakapaloob sa naturang sertipikasyon.

Ibinahagi naman ni Ms. Gilda Cerila Ramos, RN. mula sa Certification Global Philippines, Inc. ang talakayan patungkol sa Evolution of ISO 9001 Standard, Introduction to the “Annex SL” High Level Structure (HLS), Introduction to the seven new Quality Management Principles “QMPs” at Core set of ISO 9001:2015 requirements and clauses upang mas maunawaan ng bawat kawani ang proseso sa pagkamit ng hinahangad na ISO Certification.

Nais ni Governor Doktora Helen Tan na mas mapabuti pa ang overall performance ng bawat tanggapan para sa mas matibay at mas organisadong pamahalaan, kung kaya’t malaking tulong ang pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad na magsisilbing gabay tungo sa mas maunlad na lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Barangay Health Workers Convention | November 03, 2023

Barangay Health Workers Convention | November 03, 2023

Mabuhay ang mga Barangay Health Workers ng Lalawigan!

Sa patuloy na pagbibigay pugay sa bawat Barangay Health Workers ng lalawigan, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Nobyember 3 ang masayang programang handog sa mga tagapag-alaga ng kalusugan sa bawat barangay sa Quezon.

Dinaluhan nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, DOH for Health Development CaLaBaRZon Regional Director Dr. Ariel Valencia, Quezon Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean Villaseño, at ilang mga punong bayan ang nasabing programa upang ipaabot ang kanilang suporta at pasasalamat sa 2,810 BHWs na mula sa una, ikalawa at ikatlong distrito ng lalawigan.

Binigyan ng karangalan at pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga BHW na apat na dekadang nagserbisyo sa kanilang nasasakupan. Nagkaroon din ng raffle draw na ikinatuwa ng bawat isa.

Samantala, nakiindak at nagpakitang gilas rin ang mga Barangay Health Workers sa ginanap na Talentadong BHW 2023, kung saan ginawaran ang Lungsod ng Tayabas bilang pangatlo sa pinaka mahusay, pumangalawa ang bayan ng Lucban, at itinanghal namang kampeon sa nasabing kompetisyon ang Lungsod ng Lucena.

Source: Quezon PIO