NEWS AND UPDATE

HEAT INDEX FORECAST | May 06-07, 2024

HEAT INDEX FORECAST | May 06-07, 2024

GAANO BA KAINIT ANG PANAHON?
Ang init ng panahon na nararamdaman ng katawan ng tao (apparent temperature) ay hindi akmang nasusukat gamit lamang ang temperatura ng hangin (air temperature). Ito ay mas tamang naitataya kung isasama ang datos ng alinsangan o halumigmig (relative humidity.) Ang impormasyon na ito at tinatawag na HEAT INDEX at ito ay matutukoy gamit ang Heat Index Chart.
MGA DAPAT NA GAWIN SA MAINIT NA PANAHON:
Manatili sa loob ng bahay at iwasan ang pagbabad sa init ng araw
Uminom ng sapat na dami ng tubig at iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soda, at alak
Gumamit ng payong at sombrero bilang proteksyon sa init
Magsuot ng presko at light colored na mga damit
https://www.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-heat-index
Source: Quezon PDRRMO

Poultry Stakeholder’s Forum | May 02, 2024

Poultry Stakeholder’s Forum | May 02, 2024

Isinagawa nitong araw ng Huwebes, Mayo 2 ang First Quezon Poultry Stakeholder’s Forum sa 3rd floor, Conference Hall, Old Capitol Building sa pangunguna ng tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa pamununo ni PGDH-Provincial Veterinarian Dr. Flomella A. Caguicla.
Dinaluhan ito ng iba’t-ibang kinatawan at mga beterinaryo ng mga farm operators mula sa buong lalawigan ng Quezon at maging sa iba’t-ibang lugar sa labas ng lalawigan. Kabilang sa dumalo sina Bokal Jerry Talaga bilang Vice Chairman ng Committee on Agriculture, Agricultural Center Chief II Dr. Milcah Valente, Agricultural Center Chief I Dr. Philip Augustus Maristela, Veterinarian III Dr. Maria Cecilia Martinez, at Veterinarian IV Dr. Adelberto Ambrocio.
Layon ng nasabing forum na mapag-usapan ang Poultry Industry sa Lalawigan at kung ano ang mga suliraning kinahaharap patungkol sa pangangalaga ng mga hayop. Sa naging diskusyon, tinalakay ni Dr. Dennis V. Umali mula sa University of the Philippines Los Baños ang patungkol sa Avian Influenza (Bird Flu) gayundin ang estado ng sakit na ito sa bansa na ibinahagi naman ni Dr. Arlene Asteria V. Vytiaco mula sa Bureau of Animal Industry.
Ang pag-aalaga ng hayop na pinagkukunan ng iba’t-ibang produkto ay malaking bahagi ng Agrikultura at Ekonomiya kung kaya’t patuloy na nakikibahagi ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga hayop at makatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan sa Lalawigan.
Source: Quezon PIO

CALABARZON Regional Development Plan 2023-2028 – Quezon Provincial Road | May 02, 2024

CALABARZON Regional Development Plan 2023-2028 – Quezon Provincial Road | May 02, 2024

Para sa patuloy na pag-asenso ng buong rehiyon kabilang ang lalawigan ng Quezon, iprinisenta ang CALABARZON Regional Development Plan 2023-2028 Quezon Provincial Roadshow nitong Huwebes, Mayo 2.
Nagsisilbing instrumento ang RDP para sa mga plano sa programa at proyekto sa patuloy na pag-unlad at pagpapabuti ng kalagayan ng isang lugar pagdating sa ekonomiya at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mamamayan.
Kasama sa mga iprinesenta ng National Economic Development Authority (NEDA) IV-A
ang mga pagawaing imprastraktura tulad ng tulay, mga pangunahing kalsada, by-pass road, ospital, mga gusali, irigasyon, at iba pa.
Nakaayon dito ang Quezon Provincial Development and Physical Framework Plan (QPDPFP), kung saan pangunahing programa ni Governor Doktora Helen Tan ang HEALING Agenda o Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature and Tourism, and Good Governance.
Nagkaroon din ng Talk Show upang makapagbahagi ang bawat isa ng mga suwestiyon at ideya at nagpapaalala na sa pag-iimplementa ng RDP at QPDPFP ay kinakailangan ng partisipasyon ng bawat isa upang makamit ang layuning pag-unlad.
Dumalo sa nasabing programa sina NEDA IV-A ARD Carmela P. Matabang, Vice Governor Third Alcala, Provincial Administrator Manny Butardo, Sangguniang Panlalawigan Members, Chief Execuitive ng iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon, at mga katuwang na ahensya at organisayon.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpaplano ng mga komprehensibong programa at proyekto para sa maunlad na lalawigan ng Quezon.
Source: Quezon PIO

Soon to Rise Windmills in Alquerez Island

Soon to Rise Windmills in Alquerez Island

Magandang balita, mga Kalalawigan!
Itatayo na ang Windmill sa Isla ng Alabat-QuezonQuezon-Perez (AlQueRez) matapos ang ilang taong paghahanda at pag-aaral.
Ang naturang proyekto ay inisyatiba ni Governor Doktora Helen Tan noong siya ay Congresswoman pa ng ika-apat na Distrito ng Lalawigan sa pamamagitan ng pag-endorso sa Department of Energy (DOE) noong taong 2018 at ngayon ay napabilis ang proseso dahil sa mahusay na pamumuno ng Gobernadora katuwang ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala.
Ang Windmill Power Project na ito ay itatayo at isasakatuparan sa pangunguna ng Alternergy (pioneer in renewable power) Alabat Wind Power Corporation sa pangunguna ng kanilang presidente, Mr. Gerry P. Magbanua.
Ang windmill ay isang magandang paraan upang makalikha ng enerhiya o ng kuryente mula lamang sa pwersa ng hangin. Bukod sa ito ay mas ligtas gamitin dahil hindi na kinakailangang masira at madamay ang kapaligiran, ito rin ay magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga mamamayang nangangailangan ng hanapbuhay.
Source: Quezon PIO

Multi-Stakeholder Deed Dive on Universal Health Care (UHC) | May 2

Multi-Stakeholder Deed Dive on Universal Health Care (UHC) | May 2

Isinagawa ang isang multi-stakeholder deep dive sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) sa Rural Health Unit (RHU) ng Pagbilao, Quezon noong ika-2 ng Mayo 2024 na dinaluhan nina Executive Assistant John Francis L. Luzano na tumayong kinatawan ni Gov. Tan, Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean M. Villaseñor, Quezon Provincial DOH Officer (PDOHO) Dr. Juvy Paz Purino, PhilHealth Regional Office IV-A (PRO IV-A) Regional Vice President Dr. Dean Reynes, Pagbilao Mayor Angelica “Ate Gigi” Portes Tatlonghari, at Municipal Health Officer Dr. Rikki Tolentino.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Bayang Malusog – Provincial Leadership Development Program (PLDP) ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan sa Zuellig Family Foundation (ZFF). Layunin ng PLDP na palakasin ang mga lider sa kalusugan upang maging mga kampyon ng UHC.

Bilang pangunahing may-akda ng UHC Law, hangad ni Governor Doktora Helen Tan ang mabisang implementasyon ng UHC sa lalawigan kabilang ang pagpapatupad ng mga proyekto at aktibidad na nakatuon sa health promotion, pagkakapantay-pantay sa kalusugan, kalidad, at pagiging accessible ng serbisyo medikal lalo’t higit sa mga geographically isolated at disadvantaged areas (GIDA). Gayunpaman, may mga hadlang sa pagpapabilis ng UHC na sinuri sa deep dive activity tulad ng hamon sa rehistrasyon ng PhilHealth at implementasyon ng mga serbisyong Konsulta.

Maraming mga pamamaraan ang ginamit sa deep dive: (1) Firsthand experience sa hakbang-sa-hakbang na proseso sa pagkuha ng outpatient services, (2) Pagsusuri sa pag-encode ng Konsulta (3) Pagsusuri ng mga rekord at (4) Panayam sa mga pasyente at mga health workers.

Sa UHC Law, lahat ng mga Pilipino ay awtomatikong miyembro ng PhilHealth, at agad na nakatatanggap ng mga benepisyo sa pamamagitan ng National Health Insurance Program. Subalit sa pagbisita sa RHU ng Pagbilao, may mga pasyenteng hindi miyembro ng PhilHealth, hindi rehistrado sa Konsulta at may ilang nagsasabing miyembro ngunit walang rekord sa sistema ng PhilHealth. Gayunpaman, ang libreng serbisyo ay awtomatikong ibinibigay sa lahat ng mga kliyente ng RHU ngunit hindi ito maibilang na physical accomplishment na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan para sa susunod na frontload ng Konsulta.

Ayon sa pagsusuri ng mga serbisyong Konsulta, napag-alaman na maayos ang sistema ng RHU Pagbilao sa paghahatid ng serbisyong medikal tulad ng konsultasyon, dental services, laboratory services, X-ray, TB DOTS, lying-in, animal bite treatment, at iba pa. Mayroon ding mga ipinapatayo at pinalalawak na pasilidad pangkalusugan upang mapabuti pa ang pangmatagalang serbisyo medikal na handog ng LGU.

Ang isa pang probisyon ng UHC law ay ang pagpapanatili ng Health Information System (HIS) na popondohan ng DOH at PhilHealth. I-uupload ang datang makakalap ng HIS sa pambansang health information system na angkop sa pamantayan ng DOH, PhilHealth, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Privacy Commission. Sa kasalukuyan, eKonsulta ang sistemang ginagamit sa RHU Pagbilao at mga government primary care facilities sa Quezon, subalit hindi lahat ng kliyenteng napagsisilbihan ng RHU ay napapabilang sa sistema sapagkat ang maaari lamang itala ay ang mga pasyenteng may aktibong PhilHealth identification Number (PIN). Dahil dito, maraming papeles ang kinakailangan pang i-encode at hindi naitatala ang kabuuang bilang ng benepisyaryo sa sistema ng PhilHealth.

Sa pagtatapos ng aktibidad, napagkasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng LGU Pagbilao na palawigin pa ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa iba’t ibang programang pangkalusugan lalo na sa PhilHealth Registration at sistemang Konsulta. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga health information system providers para sa pinaka-epektibong province-wide health system habang nagpahayag ng suporta ang DOH sa pamamagitan ng PDOHO para sa pagpapalakas ng health human resources at paglalaan ng pondo para sa pagpapabuti ng pasilidad na pangkalusugan.

Source: Quezon PIO

Araw ng Manggagawa | May 01, 2024

Araw ng Manggagawa | May 01, 2024

Pagpupugay sa sipag at dedikasyon ng mga mangagagawa upang maitaguyod ang pangangailangan sa buhay! Ang inyong pagsusumikap ay malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bayan.
Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, isang maligayang araw ng manggagawa!
Source: Quezon PIO

Goldilocks P50 Off Promo!

Goldilocks P50 Off Promo!

EYES HERE!
Share and spread out the P50 off PROMO of GOLDILOCKS on selected greeting and premium cakes at any branches within QUEZON PROVINCE.
Exclusive on May 1-31, 2024 ONLY! (Except May 11-12).
Promo Mechanics
1. P50 discount to all Quezon Province residents on every purchase of Greeting Cake 8×12 and Premium Cake 8rd upon presentation of valid resident ID on May 1-31, 2024 (except May 11-12)
2. Promo is not valid in conjunction with any promotion or discount.
3. Valid on All Goldilocks stores in Quezon Province
4. May 1-31, 2024 (except May 11-12)
5. In the purchase of goods and services, which are on promotional discount, the senior citizen and person with disability can avail the promotion discount, or the discount provided under expanded Senior Citizen Act of Magna Carta for Persons with disability, whichever is higher.
per DTI Fair trade No.R4A – QXN 064, series of 2024
Source: Quezon PIO

Memorandum Circular No. DHT – 24

Memorandum Circular No. DHT – 24

BASAHIN: Pinaalalahanan ang lahat ng Quezon Provincial Hospital Networks, Chiefs of Hospitals, Medical Officers, Nurses, Pharmacists, at iba pang Medical Professionals sa ilalim ng Provincial Government ng Quezon na sumunod sa Circular No. 2024-0141 na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ito’y bilang pagtugon sa mga kamaikailang ulat kaugnay sa pharmaceutical companies na gumagamit ng multi-level marketing scheme upang hikayatin ang mga medical professionals na mag-advertise at magreseta ng mga medical products.
Source: Quezon PIO

Courtesy Call of Student Achievers from Luis Palad Integrated High School | April 30, 2024

Courtesy Call of Student Achievers from Luis Palad Integrated High School | April 30, 2024

TINGNAN: Nagkortesiya kay Governor Doktora Helen Tan ang dalawang mahusay na estudyante mula sa Luis Palad Integrated High School na sina Mark Lynard S. Napagal at Chlomen Kysh T. Oabel ngayong araw ng Martes, Abril 30.
Ang naturang mga estudyante ay nakakuha ng ikatlong pwesto bilang Best in Robot Design – Innovation Design Award (PALADIAN POLARISYSTECH) sa ginanap na 2023 MakeX World Championship noong nakaraang Disyembre 7-11, 2023 sa Yantai, China.
Ginawaran ng Gobernadora ang dalawang estudyante ng sertipiko ng pagkilala at insentibo sa mahusay na pagrepresenta ng bansang Pilipinas at lalo’t higit ng Lalawigan ng Quezon.
Tunay ngang kahanga-hanga ang angking galing, talino, at talento ng bawat kabataang Quezonian, kaya naman lubos ang paghanga at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga estudyanteng patuloy na nagsusumikap upang maabot ang kanilang mga minimithing pangarap.
Source: Quezon PIO

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan si MGen Facundo Palafox IV | April 30, 2024

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan si MGen Facundo Palafox IV | April 30, 2024

TINGNAN: Bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan si MGen Facundo Palafox IV, ang bagong Commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ngayong araw ng Martes, Abril 30.
Source: Quezon PIO