NEWS AND UPDATE

Barangay Tanod Workers Assembly | March 14, 2024

Barangay Tanod Workers Assembly | March 14, 2024

Kasabay ng isinasagawang Medical Mission sa Bayan ng Panukulan, Polillo Group of Islands nitong araw ng Huwebes, Marso 14, pinasinayaan rin ni Governor Doktora Helen Tan ang Barangay Tanod Worker Assembly kasama sina Vice Governor Third Alcala, Deputy Regional Director for Administration PBGEN Alegre Martinez, at ang pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan.

Naging kabahagi sa naturang assembly ang Provincial Legal Office sa pangunguna ni Provincial Legal Officer Atty. Jette Salvacion kung saan kaniyang tinalakay ang ilang mahahalagang batas at kaalaman patungkol sa tungkulin ng isang Brgy. Tanod. Nagbigay kaalaman rin si LDRRM Officer I Neil Parco patungkol naman sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management System at ilang mga kailangang tandaan sa paghahatid ng tulong sa panahon ng sakuna.

Sa huli, namahagi ng mga bagong uniporme at flashlight sa bawat Brgy. upang magamit sa pagseserbisyo ng mga Brgy. Tanod sa kanilang komunidad, gayundin ng food packs na handog ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at ilang raffle draw mula sa Gobernadora na nagbigay ngiti sa mga Brgy. Tanod ng Panukulan.

Source: Quezon PIO

NGCP ADVISORY

NGCP ADVISORY

Scheduled power interruption in parts of Quezon and Camarines Sur Provinces on Sunday, 17 March 2024.

Time: 06:00AM-6:00PM

Affected: QUEZELCO I

Reasons: Maintenance works and wood pole replacement along Gumaca-Lopez-Tagkawayan 69kV Line

Specific areas affected shall be determined by the electric coop. NGCP shall exert all efforts to restore power earlier or as scheduled.

Source: Quezon PIO

NGCP ADVISORY

NGCP ADVISORY

Scheduled power interruption in parts of Quezon Province on Saturday, 16 March 2024

Time: 06:00AM-6:00PM

Affected: QUEZELCO I

Reasons: Maintenance works, wood pole replacement, and electrical testing of primary equipment along Gumaca-Pitogo-Mulanay 69kV Line

Specific areas affected shall be determined by the electric coop. NGCP shall exert all efforts to restore power earlier or as scheduled.

1st Quarter Regional Peace and Order Council Meeting | March 13, 2024

1st Quarter Regional Peace and Order Council Meeting | March 13, 2024

Sa hangarin na patuloy na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon ng CALABARZON, ginanap ngayon araw ng Miyerkules ika-13 ng Marso sa Seda, Nuvali, Sta. Rosa City, Laguna ang 1st Quarter Regional Peace and Order Council Meeting.

Bilang Chairperson ng nasabing konseho, siniguro ng gobernadora na mananatiling matatag ang RPOC Calabarzon sa kanilang misyon na labanan ang kriminalidad, droga at karahasan upang siguraduhin ang mapayapa, maayos at ligtas ng pamayanan sa buong rehiyon.

Source: Quezon PIO

Pagpupulong para sa Review on Consignment Policy Draft | March 12, 2024

Pagpupulong para sa Review on Consignment Policy Draft | March 12, 2024

Isinagawa nitong araw ng Martes, Marso 12 ang pagpupulong para sa Review on Consignnment Policy Draft sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Kasama ang mga namumuno mula sa Provincial Health Office, QPHN-Quezon Medical Center, Provincial Government Financial Department, at Provincial Legal Office ay nagkaroon ng talakayan para sa pagrerebisa ng consignment policy upang mas maayos na maisakatuparan ang layunin ng nasabing polisiya.

Samantala, target namang matapos at maaprubahan ang naturang polisiya bago matapos ang buwan ng Marso.

Source: Quezon PIO

Provincial Youth Development Consultative Forum & Assembly | March 12, 2024

Provincial Youth Development Consultative Forum & Assembly | March 12, 2024

Pinangunahan ni Provincial Youth Development Officer, Mr. John Carlo L. Villasin ang ginanap na Provincial Youth Development Consultative Forum and Assembly nitong nakaraang Martes, Marso 12 sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center, Tayabas City.

Dinaluhan ni PPSK Board Member Jackelyn Delimos ang aktibidad na layong mas mapaunlad ang mga sektor ng kabataan ng ating lalawigan kung saan ipinakita rin ang mga matagumpay na naisakatuparang programa ng Provincial Youth Development Office, gayundin ay naibahagi ang mga planong proyekto para sa taong kasalukuyan.

Sa patuloy na pagbibigay pansin at importansya ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nagsisilbing pag-asa ng bayan, asahan pa ang mga kapaki-pakinabang na serbisyo para sa mga kabataang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Provincial CMCI Forum & Awarding Ceremony | March 12, 2024

Provincial CMCI Forum & Awarding Ceremony | March 12, 2024

Binigyang parangal ang iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon para sa kanilang maayos na pagpapaunlad ng ekonomiya sa kanilang bayan sa ginanap na Provincial Cities and Municipality Competitivenes Index (CMCI) nitong araw ng Martes, Marso 12.

Malugod na binigyang pugay ni Governor Doktora Helen Tan ang bawat munisipalidad na dumalo at nakakuha ng parangal sa nasabing pagtitipon, kung saan naman ay kanyang hinamon na mas mapataas pa ang ranking ng bawat bayan, gayundin ang lalawigan na target na makapasok sa top 15 province para 2024 CMCI.

Kasama sa nagpaabot pagbati sa nasabing programa sina Regional Director ng Region 4A DTI Marissa C. Argente, Director Lilian G. Salonga- DTI Bureau of Industry Planning and Innovation, Judy Anne R. Chan- CMCI Program Officer, Provincial Director DTI Quezon Julieta L. Tadiosa, CESO V, Abigail N. Andres- DILG Provincial Director at Engr. Russell C. Narte, Enp- Provincial Planning and Development Coordinator.

Samantala, bukod sa pagkilala bilang most competitive cities and municipalities, pinarangalan din ang bawat Local Government Unit base sa limang competitiveness pillars – Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, and Innovation.

Source: Quezon PIO

Provincial School Board Meeting | March 12, 2024

Provincial School Board Meeting | March 12, 2024

Masugid na pinaglaanan ng pansin ni Governor Doktora Helen ang mga programang handog para sa mga mag-aaral ng Quezon sa isinagawang Provincial School Board Meeting ngayong araw ng Martes, Marso 12.

Kabilang sa napag-usapan ang patungkol sa Project Kid Bibo kung saan nais mapagtuunan ang pagbibigay ng trainings sa mga guro upang mas mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtuturo sa mga estudyanteng higit na kinakailangan ng tulong sa pag-aaral.

Binigyang prayoridad din ng gobernadora ang pagkakaroon ng Oral Health progams para sa basic oral care ng mga 5-9 years old, gayundin ng Eye Health programs gaya ng pagsasagawa ng vision screening para sa mga kindergarten students.

Bukod sa mga proyektong hatid para sa mga mag-aaral ng lalawigan, isinusulong ang programang makakatulong para sa early detection ng ilang sakit ng mga guro tulad ng hypertension at diabetes. Gayundin ay nais na magpaparehistro ang bawat guro sa Konsulta Program.

Source: Quezon PIO

Pagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Bagong Halal na Presidente ng Southern Luzon State University | March 12, 2024

Pagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Bagong Halal na Presidente ng Southern Luzon State University | March 12, 2024

Nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang bagong halal na Presidente ng Southern Luzon State University (SLSU) na si Mr. Frederick T. Villa kasama ang iba pang kawani ng naturang unibersidad ngayong araw ng Martes, Marso 12.

Napag-usapan ang nalalapit na pagbubukas ng College of Medicine sa SLSU, conversion of Campuses at ilang updates patungkol sa on-going construction ng SLSU building sa Bayan ng Gumaca.

Siniguro naman ng Gobernadora na buong puso ang kaniyang suporta at pakikibahagi sa pagkakaroon ng maayos, de-kalidad at abot-kayang edukasyon para sa mga mag-aaral sa Quezon, upang magsilbing oportunidad sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Source: Quezon PIO

Ika-87 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | March 11, 2024

Ika-87 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | March 11, 2024

Pasado na ang 2024 Revised Environmental Code of Quezon sa ginanap na ika-87 pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan sa panguguna ni Vice Governor and Presiding Officer Third Alcala nitong ika-11 ng Marso.

Sa pamamagitan ng naturang Environmental Code, mapapaunlad nito ang seguridad sa kapaligiran at kalikasan sa buong lalawigan. Layun din nitong ma-promote ang sustenableng kalikasan kaakibat ang mga polisiya na magbibigay ng proteksyon at tamang hakbang sa balanseng kalikasan.

Buong puso ang pagsusumikap ng Pamahalang Panlalawigan at Provincial Government – Environment and Natural Resources sa pamumuno ni OIC-PGENRO John Francis Luzano upang patuloy na mapangalaagan ang kalikasan sa buong lalawigan.

Samantala, naipasa din ang nga ilang ordinansa mula sa iba’t ibang bayan para sa ikagagaling ng bawat Quezonian.

Source: Quezon PIO