NEWS AND UPDATE

Rabies Awareness Month Veterinary Medicial Mission | March 4, 2024

Rabies Awareness Month Veterinary Medicial Mission | March 4, 2024

Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, ginanap ang Veterinary Medical Mission na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian – Quezon ngayong araw ng Lunes, Marso 4 sa Perez Park, Lucena City.

Inumpisahan ni Veterinarian II Doc. Camille Calaycay ang pagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga alagang hayop ng bawat mamamayan sa ating Lalawigan. Kabilang sa mga libreng serbisyong handog para sa mga ito ay ang rabies vaccination, deworming, health consultation, at vitamins distribution.

Upang maging updated pa sa mga programa na layong tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga alagang hayop, magtungo lamang sa Office of the Provincial Veterinarian – Quezon Facebook page.

Source: Quezon PIO

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Gender and Development Office | March 4, 2024

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Gender and Development Office | March 4, 2024

Masiglang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang panibagong linggo ng serbisyo sa isinagawang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, Marso 4.

Pinangunahan ito ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office sa pamumuno ni Ma’am Sonia Leyson, kung saan kanilang ibinahagi ang selebrasyon para sa mga kababaihan na gaganapin din ngayong araw sa Quezon Convention Center.

Lubos din ang pakikiisa ni Governor Doktora Helen Tan sa pagdiriwang ng International Women’s Month, at binigyang-diin kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan.

Bilang bahagi naman ng selebrasyon ay nagsagawa ng Zumba Dance Activity, kung saan humataw sa pag-indak ang bawat empleyado ng kapitolyo.

Source: Quezon PIO

Know your risk for Kidney Disease | March 4, 2024

Know your risk for Kidney Disease | March 4, 2024

Anong SCORE mo Quezonian?

Alamin ang antas ng banta sa pagkakaroon mo ng sakit sa bato o Kidney Disease. Sagutan lang ang mga simpleng katanungan at i-scan ang QR Code o pumunta sa link na nasa ibaba kung makakuha ng score na 4 o higit pa upang makatanggap ng libreng Urine Albumin-Creatinine Ratio (UACR) Test.

https://bit.ly/riskforckd

2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament | March 2, 2024

2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament | March 2, 2024

Patuloy na pinapalawig ng Pamahalaang Panlalawigan ang larangan ng sports sa ginanap na 2nd Governor Angelina Doktora Helen DL Tan Invitational Football Tournament.

Labing dalawang team ang naglalaban-laban sa invitational tournament na sinimulan nitong nakaraang Sabado sa Alcala Sports Complex, Iyam Lucena City, na layong malinang at mahubog ang mga kabataang Quezonian sa kanilang angking galing sa ganitong klaseng laro.

Ito ay apat na araw na tournament na sinimulan ngayong araw, at magpapatuloy sa Marso 3, 9 at 10 kung saan ang tatanghaling kampeon ang magrerepresenta sa Regional Game ng Philippine Football Federation sa Marso 16 para sa Qualifying Match na gaganapin sa lalawigan ng Laguna.

Asahan pa ang tuloy-tuloy na pagpapalakas at pagpapakilala sa mga manlalarong Quezonian sa kanilang mga napupusuang laro.

Source: Quezon PIO

Familiarization on Scuba Equipment | March 1, 2024

Familiarization on Scuba Equipment | March 1, 2024

March 1, 2024 | Sariaya Quezon
Familiarization on Scuba Equipment

Isinagawa ngayong araw ang pagsasanay ng Tanggapan ng Quezon PDRRMO sa kanilang mga kawani sa Familiarization ng Scuba Equipment.
Sa Gabay at Suporta ng Chairperson ng Pdrrmc Gov. Doktora Helen Tan sa pamamagitan ng pinuno ng tanggapan ng Pdrrmo Melchor P. Avenilla ay naging matagumpay at makabuluhan ang isang araw ng pagsasanay.
Layunin ng gawain na ito na palawigin ang kaalaman at palakasin ang kasanayan at kahandaan ng bawat kawani ng Pdrrmo sa pagtugon sa anumang sakuna.

Pasasalamat sa Mdrrmc Sariaya sa pangunguna Ni Mayor Marcelo Predilla Gayeta at Mdrrmo Don Don Martinez at sa pamunuan ng Villa Del Prado Resort.

#Stand UPPPP Quezon
Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pdrrmo Quezon

NBTC South Luzon Regional Championship | March 1, 2024

NBTC South Luzon Regional Championship | March 1, 2024

Sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng National Basketball Training Center (NBTC) sa tanggapan ni 4th District Congressman Atorni Mike Tan, nagsilbing host ang Lalawigan ng Quezon sa pagbubukas ng NBTC South Luzon Regional Championship ngayong araw ng Biyernes, March 1 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Suportahan natin ang mga manlalarong Quezonian sa pagpapakita ng husay sa loob ng basketball court sa nasabing tunggalian na gaganapin hanggang March 3.

Kung nais mo naman tunghayan ang aktuwal na laro, libreng-libre ang panonood sa Quezon Convention Center!

Source: Quezon PIO

Otorhinolaryngology Section “Ano Kamo Tenga Mo Pasilip mo!” | March 1, 2024

Otorhinolaryngology Section “Ano Kamo Tenga Mo Pasilip mo!” | March 1, 2024

Mga ka-lalawigan! madalas na bang kumakati ang inyong mga tenga? O di kaya naman, nababahala ka na dahil may kakaiba itong amoy?

Ang Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ENT Doctors , ay nagpa-paabot ng paganyaya sa ating mga ka-lalawigan ngayong darating na MARCH 05, 2024, 09:00 AM, na maki-isa sa NATIONAL EAR DAY! na may temang “ANO KAMO? TENGA MO PASILIP MO!”

For Pre Registration please look for Ms. Niccah Chavez at MSO OFFICE.

Pormal na Pagpapahayag ng Development Academy of the Philippines (DAP) na Isa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga “Beneficiary Institutions” ng Technical Assistance (TA) grants para sa Government Quality Management Program | March 01, 2024

Pormal na Pagpapahayag ng Development Academy of the Philippines (DAP) na Isa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga “Beneficiary Institutions” ng Technical Assistance (TA) grants para sa Government Quality Management Program | March 01, 2024

Pormal na ipinahayag ng Development Academy of the Philippines (DAP) na isa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga “beneficiary institutions” ng technical assistance (TA) grants para sa Government Quality Management Program or GQMP na ipapatupad sa kabuuan ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong taong 2024 tungo sa pagkakaroon ng ISO 9001:2015 Certification.

Ito ay pormal na iginawad sa isinagawang Management Briefing sa Virata Hall ng DAP sa Lungsod ng Pasig noong ika-29 ng Pebrero 2024 na kinapalooban ng Commitment Signing sa pagitan ng lalawigan at ng DAP. Ang Punong Lalawigan ng Quezon Angelina “Doktora” Helen Tan ay kinatawanan ni G. Manuel Butardo kasama ang Pangulo at Chief Executive Officer ng DAP Majah-Leah V. Ravago, PhD. Kasama rin na dumalo sa nasabing okasyon ay sina G. Alberto S. Bay, Jr, Provincial Government Department Head ng Internal Audit Service Office at G. John Francis L. Luzano, Officer-In-Charge ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office. Sina G. Bay at G. Luzano ang magsisilbing focal person at alternate focal person para sa natatanging gawaing ito.

Ang pagkakaroon ng Quality Management System sa Pamahalaang Panlalawigan ay isa sa mga pagbabagong nais ihatid ng ating Punong Lalawigan sa kapitolyo upang lalong mapataas ang antas ng serbisyo para sa ating mga kalalawigan.

Ang nabanggit na grant na TA ay lubos na makakatulong sa lalawigan at hindi na kailangang gumastos para sa mga pagsasanay at ang pagsasakatuparan ng isang Quality Management System ay makakasagot upang tuparin ang pagkakaroon ng isang may pananagutan at inklusibong pamahalaan.

Source: Quezon PIO

Pawfect Captured Moments Flex your Furbabies! Rabies Awareness Photo Contest – March 01-24, 2024

Pawfect Captured Moments Flex your Furbabies! Rabies Awareness Photo Contest – March 01-24, 2024

I-FLEX mo na ang iyong PAWFECTLY CAPTURED MOMENTS kasama ang iyong FABULOUS FURBABY at ang kanyang UPDATED VACCINATION CARD.

Ano pang hinihintay mo I-COMMENT mo na yan at MANALO ng CASH PRIZES!!!

PAALALA: BASAHING MABUTI ang MECHANICS upang pumasok ang ENTRY mo!

Narito ang MECHANICS:

1. Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng mga kalalawigang Quezonians. Maliban lamang sa mga empleyado ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo.

2. I-FOLLOW ang Office of the Provincial Veterinarian – Quezon official Facebook Page at I-SHARE ang post na ito. Siguraduhing NAKA-PUBLIC ang post mo.

3. I-PHOTO COMMENT ang larawan ninyo kasama ang inyong FURBABY at ang kanyang UPDATED VACCINATION CARD. Mag TAG ng LIMANG FB FRIENDS at siguraduhing ang mga naka-tag ay NAKA-FOLLOW din sa official FB Page ng Office of the Provincial Veterinarian – Quezon.

4. Maaaring mag-entry ng ISA O HIGIT PA, siguraduhin lamang na ang iyong kasamang alagang aso o pusa ay IBA sa nauna mong Entry. Tiyakin din na IBANG FB FRIENDS ang naka-TAG sa iyong comment.

5. Sa ilalim ng mga pangalan ng naka-tag ay ilagay ang PANGALAN MO at ng iyong ALAGA at kung kelan ito huling NABAKUNAHAN ng KONTRA-RABIS at I-TYPE ang #PAWfectlyCapturedMoment at #AlagaKoResponsibilidadKo.

6. Magsisimula ang pagtanggap ng Photo Comment ng ika-1 ng Marso hanggang ika-24 ng Marso, 2024.

7. Pipili ng SAMPUNG (10) MANANALO ng 2,000 PESOS each via comment picker.

8. Makakatanggap din ng 2,000 PESOS each ang LIMANG (5) mahihirang na “OPV’s Choice” at ISANG (1) comment-entry na may PINAKAMARAMING REACTION. Ang mahihirang naman na “SPONSOR’S CHOICE” ay makakatanggap ng ISANG SAKONG DOG FOOD at TSHIRT.

9. TANDAAN: HINDI MAPIPILI ang mga WALANG SHARED POST at MGA TAGS na HINDI NAKA-FOLLOW sa official FB Page ng Office of the Provincial Veterinarian – Quezon.

10. Iaanunsiyo ang mga NANALO ng ika-1 ng ABRIL, 2024.

Source: Quezon ProVet

Philippine National Cancer Summit 2024 | February 29, 2024

Philippine National Cancer Summit 2024 | February 29, 2024

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang ginanap na Philippine National Cancer Summit 2024 sa Novotel Manila, Araneta City nitong nakaraang araw, Pebrero 29 na may temang “Advancing Integrated Cancer Care System for the Filipino” upang ipakita ang pagsuporta sa mga programang makatutulong sa mga cancer patient.

Kasama ang iba’t-ibang stakeholders, layon ng nasabing summit na mapaigting ang pagtutulungan ng bawat isa kung paano pa mas pagbubutihin ang pamamahala sa pagtugon sa sakit na cancer sa Pilipinas, ito’y sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga inobasyon na nakabase sa implementasyon ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA).

Lubos naman ang pagsisikap ni Governor Tan na maisasakatuparan at maibibigay ang maayos na access sa kinakailangang pangangalaga ng mga Quezonian na lumalaban sa sakit na cancer, upang patuloy na mabigyang pag-asa ang mga ito.

Source: Quezon PIO