
Blessing of Barangay Hall – Lopez, Quezon | March 07, 2024
Tuloy-tuloy ang pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa iba’t-ibang Barangay sa bayan ng Lopez nitong araw ng Huwebes, Marso 7 kung saan isinagawa rin ang pagbabasbas ng bagong two-storey Barangay Hall para naman sa mga mamamayan ng Brgy. Samat.
Nagmula sa Sariling Sikap Program ang pondo para sa pagpapatayo ng nasabing gusali, kung saan naman ay nakiisa sa ginanap na maikling programa sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Vice Governor Third Alcala, Board Member Sonny Ubana, at Vice Mayor Adeline Lee.
Source: Quezon PIO