
Sa patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nasalanta ng Bagyong Aghon, nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan | May 27, 2024
Sa patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nasalanta ng Bagyong Aghon, nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Mayo 27.
Tinalakay ang initial updates sa mga naging epekto ng bagyo sa bawat sektor ng lalawigan gaya ng agrikultura at panghahayupan, iniulat din ang inisyal na bilang ng mga pamilyang apektado sa mga bayan na sinalanta ng bagyo.
Pinagsusumikapan ng bawat miyembro ng konseho ang agarang pagbibigay tulong sa mga nangangailangang kalalawigan, at walang humpay na tinututukan para sa muling pagbangon ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, nakasama sa nasabing pagpupulong si Office of Civil Defense (OCD) IV-A Regional Director Carlos Eduardo Alvarez III gayundin ang ilang mga punong tanggapan.