NEWS AND UPDATE

Congratulations! Ma. Ahtisa Manalo, Miss Universe Philippines 2025

Congratulations! Ma. Ahtisa Manalo, Miss Universe Philippines 2025

Mabuhay at isang mainit na pagbati kay Ahtisa Manalo! 🎉👑
Mula sa Lalawigan ng Quezon, si Ahtisa ang napiling bagong Miss Universe Philippines 2025 matapos magtagumpay laban sa 65 kandidata sa ginanap na grand finals sa Mall of Asia Arena nitong Mayo 2.
Ngayon, siya ang magdadala ng bandera ng Pilipinas sa ika-74 na Miss Universe pageant sa Thailand sa darating na Nobyembre.
Isang karangalan para sa bayan at Lalawigan ng Quezon—Congrats, Ahtisa! Kami’y buong pusong sumusuporta!

#QuezonProvince
#MissUniverse2025


Quezon PIO

Benchmarking the Structural Framework, Veterinary and Diagnostic Services | May 2, 2025

Benchmarking the Structural Framework, Veterinary and Diagnostic Services | May 2, 2025

Noong nakaraang linggo ay matagumpay na naisagawa ang benchmarking activity ng mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Veterinarian – Quezon Province sa pangunguna ni Dr. Flomella A. Caguicla, kasama sina Dr. Milcah Valente, Dr. Cecille Martinez, Dr. Camille Calaycay, Mr. Bryan Reynoso, Mr. Dexter Ravalo, and Ms. Kate Rose Villanueva.
Malugod silang tinanggap ng Provincial Veterinary Office ng Sorsogon sa pamumuno ni Dr. John Ashley De Castro, City Veterinary Office ng Sorsogon City sa pamumuno ni Dr. Jose Maria Alindogan, at Albay Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Pancho Mella.
Layunin ng aktibidad na ito ang pagpapalitan ng kaalaman at karanasan upang mas mapalakas pa ang mga programa sa kalusugan ng hayop sa ating lalawigan. Narito ang ilan sa mga nakitang tampok na pasilidad at proyekto ng mga binisitang tanggapan:
Sorsogon Provincial Veterinary Office
– Animal Shelter and Diagnostic Laboratory
Sorsogon City Veterinary Office
– AA Slaughterhouse
– City Dog Pound
– Livestock and Poultry Multiplier Farm
– Black Soldier Fly Project
Albay Veterinary Office
– Dairy Barn
– Dairy Plant
– Dairy Box
– AFBVille Multiplier Farm
– Provincial Animal Pound and
– Albay Park and Wildlife
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ni Gov. Edwin “Boboy” Hamor at Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamumuno ni Gov. Edcel Greco Lagman, gayundin sa City Government of Sorsogon sa pamamahala ni Mayor Ma. Ester E. Hamor sa mainit na pagtanggap at suporta.
Ang mga natutunang best practices ay magsisilbing inspirasyon sa pagpapalawak ng mga programa ng Office of the Provincial Veterinarian – Quezon para sa mas episyenteng serbisyong pambeterinaryo.

#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

AI Surveillance | May 2, 2025

AI Surveillance | May 2, 2025

Bilang bahagi ng patuloy na pagprotekta sa banta ng sakit na Avian Influenza (AI) sa Lalawigan ng Quezon, ang Animal Health and Welfare Division ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ay nagsagawa ng Avian Influenza (AI) Surveillance sa bayan ng Lucban at Sariaya, sa koordinasyon sa kanilang mga Offices of the Municipal Agriculturist.
Isang daan at walumpu’t apat (184) na blood samples at oropharyngeal swab samples ang nakolekta galing sa iba’t ibang poultry species gaya ng manok, kalapati at itik.
Nagpapasalamat ang tanggapan sa patuloy na suporta ng mga nasabing bayan at sa mga farmers na nagbigay ng kanilang pakikiisa para sa mga isinasagawang aktibidad na pambeterinaryo ng lalawigan.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/18UzEroJbY/

#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

MOU Signing and Unveiling Ceremony ng SSG Farm | May 2, 2025

MOU Signing and Unveiling Ceremony ng SSG Farm | May 2, 2025

Matagumpay na isinagawa ang Memorandum of Understanding (MOU) Signing at Unveiling Ceremony sa SSG Dairy Farm nitong April 29, 2025 sa Brgy. Niing San Antonio, Quezon. Ang aktibidad na ito ay isang pagkilala sa SSG Dairy Farm bilang isang ganap na Learning Site for Agriculture (LSA I) ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON.
Bilang pakikiisa, dumalo sina Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla at Dr. Milcah Valente bilang kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan na isa sa mga ahensyang tumutulong sa SSG Dairy Farm.
Kasama sa mga dumalo at nagbigay suporta ang mga kinatawan ng Pamahalaang Barangay ng Brgy. Niing, LGU-San Antonio, OMA San Antonio, Philippine Coconut Authority, TESDA, Department of Trade and Industry, National Dairy Authority South Luzon, DA ATI – IVA at mga pribadong kumpanya at indibidwal.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1AGUv7km9m/

#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Provision of Veterinary Services | May 2, 2025

Provision of Veterinary Services | May 2, 2025

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Office of the Provincial Veterinarian sa mga kalalawigan natin sa Guinayangan nitong Abril 22-25 2025, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga veterinary services, gaya ng estrus synchronization, artificial insemination, deworming, at vitamin injection, sa kanilang mga alagang baka at kalabaw.
May kabuuang bilang na 157 mga baka at kalabaw na pag-aari ng 119 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa naturang bayan.
Nais namang magpasalamat ng OPV Quezon sa mga katuwang na ahensya ng Pamahalaan upang mapalawig pa ang Ruminant Development Program sa lalawigan, gaya ng Department of Agriculture (PCC, BAI, PCA, NDA, DARFO4A), gayundin sa LGU Guinayangan.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1AnpLbpQGg/

#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

123rd Celebration of Labor Day – May 1, 2025

123rd Celebration of Labor Day – May 1, 2025

Ipinagdiriwang ngayong Huwebes, Mayo 1 ang Labor Day o Araw ng Manggagagawa na may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng mas matatag na Bagong Pilipinas!
Ang unang araw ng buwan na ito ang nagbibigay pagkakakilanlan sa mga manggagawang Pilipino na lumalaban bitbit ang lakas-paggawa. Kaisa rin ang mga ordinaryong manggagawa bilang Sandigan ng mas matatag na Bagong Pilipinas para sa inaasam na globalisadong pag-unlad ng bansa.
Mga kalalawigan, ngayong ginugunita ang araw ng mga manggagawa nawa’y sama-sama tayong tumindig at bigyang pagpapahalaga ang dugo’t pawis ng mga Pilipinong lumalaban para sa karapatan ng pangunahing pwersa.

#LaborDay2025
#MabuhayAngManggagawangPilipino
#QuezonProvince


Quezon PIO

Alabat Wind Farm Project Update as of April 2025 | April 30, 2025

Alabat Wind Farm Project Update as of April 2025 | April 30, 2025

PANOORIN: Unang batch ng dambuhalang wind turbines sa kauna-unahang wind farm project sa Lalawigan ng Quezon, itinatayo na sa Alabat Island.
Alamin kung ano na nga ba ang kasalukuyang update sa nasabing proyekto.

Watch here: https://www.facebook.com/share/v/1959piXq9Z/

#QuezonProvince


Quezon PIO

4th Provincial Health Board Meeting | April 30, 2025

4th Provincial Health Board Meeting | April 30, 2025

The Provincial Health Board successfully convened its 4th Provincial Health Board Meeting on April 29, 2025, via the Zoom platform.
The meeting was presided over by Dr. Kris Conrad M. Mangunay, PHO I, and was attended by Municipal Mayors, Municipal Health Officers (MHOs), representatives from the Quezon Provincial DOH Office (QPDOHO), and other key stakeholders.
Key agendas discussed during the meeting included the Establishment of Clinical Laboratories in Primary Care Facilities, PuroKalusugan Program of DOH, and invitation for the upcoming International Nurses Day Celebration.
During the session, the board approved a resolution enjoining the Provincial Government of Quezon and all its component Local Government Units (LGUs) to allow nurses to participate in the International Nurses Day Celebration as Official Time, in recognition of their invaluable contributions to public health.
This resolution reflects the province’s ongoing commitment to supporting healthcare professionals and improving healthcare delivery across Quezon.

#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO

Project Isla (Inter-Island Saves Lives Assistance) Mobile Blood Donation Activity | April 30, 2025

Project Isla (Inter-Island Saves Lives Assistance) Mobile Blood Donation Activity | April 30, 2025

Matagumpay na naisakatuparan ng Quezon Provincial Health Office, katuwang ang Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Quezon Medical Center (QMC)- Blood Bank, Center for Health Development IV-A, Provincial DOH Office, at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, ang Project ISLA: Mobile Blood Donation Activity sa mga lokal na pamahalaan ng Panukulan, Patnanungan at Jomalig, Quezon noong Abril 22–26, 2025. Sa kabuuan, nakalikom ng 163 blood units ang aktibidad mula sa mga boluntaryong donor ng mga nasabing bayan.
Ang Quezon PHO ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ahensyang nakipagtulungan at sa bawat indibidwal para sa kanilang hindi matatawarang bayanihan at malasakit upang matugunan ang pangangailangan ng ligtas at sapat na dugo para sa ating mga kababayan.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/16SyCmUSmF/

#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO

Quezon Mobile PCF Caravan | April 30, 2025

Quezon Mobile PCF Caravan | April 30, 2025

Matagumpay na isinagawa ang Quezon Mobile PCF Caravan sa Municipal Town Plaza ng Lopez, Quezon, na pinangunahan ng Quezon Provincial Health Office nitong Abril 29, 2025. Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kalalawigan, lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa mga serbisyong pangkalusugan. Sa tulong ng mga kawani ng PCF Lopez, nakapaghatid tayo ng iba’t ibang serbisyo tulad ng mga sumusunod:
Laboratory *CBC – 28 *Blood Typing – 10 *Urinalysis – 28 LRD *Uric Acid – 29 *Cholesterol – 11 *FBS – 15 UTZ *OB – 24 *Whole abdomen – 5 *KUB – 2
Dispensing of OB meds – 20 Oral Health Examination – 89
Tooth extraction – 89
Dispensing of dental meds – 89
Consultation – 82
Dispensing of meds – 104
Total registered – 258
Ang Quezon Mobile PCF Caravan ay isang mahalagang hakbang upang mas mapalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad. Ang inyong kalusugan ay aming pangunahing priyoridad, at patuloy kaming magsusumikap na maabot ang lahat ng bayan sa Quezon.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1WCCcPvBMM/

#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO