
Memorandum of Agreement (MOA) signing between MAPUA University and Provincial Government of Quezon | April 8, 2025
Matagumpay na ginanap ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng MAPUA University at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, nitong araw ng Lunes, Abril 7 sa 2nd Floor Old Capitol Building Lucena City.
Ang kasunduan ay isang pagtutulungan at kooperasyon para sa pagbibigay ng praktikal na pagsasanay sa medisina sa komunidad at pampublikong kalusugan para sa mga mag-aaral na ang kurso ay may kinalaman sa medisina.
Ang programa ay magbibigay ng pagkakataon sa praktikal na karanasan at exposure sa pagsasanay sa medisina sa komunidad, pag-unawa sa teorya at pratika ng medisina, pangangalagang ambulatorio at pangangalaga sa tahanan, at pakikilahok sa mga aktibidad ng pampublikong kalusugan.
Samantala, patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na makakatulong sa kalusugan ng mga mamamayang Quezonian pagdating ng panahon.
#QuezonProvince
Quezon PIO