
Local Animal Disease Detection and Emergency Response (LADDER) Training | March 19, 2025
Sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Veterinarian ay ginaganap ngayon ang Local Animal Disease Detection and Emergency Response (LADDER) Training, sa Queen Margaret Hotel, Lucena City mula Marso 17 hanggang Marso 21.
Ang pagsasanay na ito para sa mga Livestock Extension Workers (LEW) mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, ay pinangungunahan ng Bureau of Animal Industry sa suporta ng Food and Agriculture Organization of the United Nations. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagsisiyasat, pagsubaybay, at agarang pagtugon sa African Swine Fever (ASF) at iba pang Transboundary Animal Diseases.
Sa pamamagitan ng LADDER Training, mas mapapalakas ang kakayahan ng mga kinauukulan sa mabilisang pagtugon sa mga banta ng sakit sa mga alagang hayop, na may layuning mapanatili ang kalusugan ng mga ito at maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at livestock raisers.
Nagbigay ng mensahe sa pagbubukas ng nasabing programa ang ating Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Alilio-Caguicla. Tinalakay rin niya ang kasalukuyang estado ng African Swine Fever sa lalawigan at kung paano makakatulong ang LADDER Training at ang mga LEWs sa pagkontrol at pag-Iwas na makapasok sa mga babuyan ang sakit na ito. Nagpasalamat rin siya sa pagkakataon na napagkalooban ng nasabing training ang ilan sa mga LEWs sa lalawigan.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
Quezon PIO / ProVet