NEWS AND UPDATE

Pagkortesiya kay Governor Doktora Helen Tan ng Charge d’Affaires of the Embassy of India | July 02, 2024

Pagkortesiya kay Governor Doktora Helen Tan ng Charge d’Affaires of the Embassy of India | July 02, 2024

TINGNAN: Nagkortesiya kay Governor Doktora Helen Tan si Charge d’Affaires of the Embassy of India Dr. Sadre Alam nitong nakaraang linggo sa Old Capitol Building, Lucena City.

Natalakay ang mga posibleng investment at partnership sa pagitan ng Indian Government at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon pagdating sa usapang agrikultura.

Source: Quezon PIO

Pagkortesiya sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ng Development Bank of the Philippines (DBP) | July 02, 2024

Pagkortesiya sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ng Development Bank of the Philippines (DBP) | July 02, 2024

Nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa pangunguna ng kanilang Pangulo at Chief Executive Officer na si Mr. Michael O. De Jesus ngayong araw ng Martes, Hulyo 2.

Tinalakay at ibinahagi ng kawani ng DBP ang nilalaman ng programang DBP Forest na handog ng naturang bangko sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) program kung saan magmumula ang pondo sa Green Climate Fund (GCF).

Ang programang ito ay naglalayong suportahan ang layunin ng Nasyonal na Pamahalaan na mapanumbalik ang sakop ng kagubatan ng bansa kabilang ang mga lugar sa baybayin, itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga pampubliko at pribadong organisasyon na may parehong pananaw, mag-ambag ng 7,500 ektarya sa konserbasyon ng kagubatan sa taong 2030, mapagaan ang epekto ng Climate Change alinsunod sa UN Sustainable Development goal no. 13 – Climate action at makapagtanim ng mga puno sa kagubatan, mga prutas na may mataas na halaga at ilang mga kapaki-pakinabang na species tulad ng kawayan, ilang-ilang at bakawan.

Samantala, kasama rin na dumalo sa talakayan ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng Environment and National Resources ng Lalawigan.

Source: Quezon PIO

46th National Disability Rights Week Celebration | July 02, 2024

46th National Disability Rights Week Celebration | July 02, 2024

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), malugod na ginanap ngayong araw ng Martes, Hulyo 2 ang 46th National Disability Rights Week Celebration sa Quezon Convention Center, Lucena City.

May temang “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access” ang pagdiriwang ngayon taon, at dinaluhan ng tinatayang 1,000 Quezonian PWDs ang nasabing programa na naglalayong bigyang halaga at pagkilala ang kanilang sektor.

Masaya ring nakiisa at nagpakita ng pagsuporta si Governor Doktora Helen Tan, at kanya namang binigyang-diin na hindi dahilan ang kapansanan upang magkaroon ng access sa mga nararapat na serbisyo, at tulong kung kaya’t naibahagi ng gobernadora na sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Third Alcala ay kanilang isusulong ang ordinansang poprotekta sa bawat PWD sa lalawigan ng Quezon.

Naisagawa rin sa parehong araw ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Quezon Province Alliance of Persons with Disability Affairs (QPAP), at nakatanggap ng nagkakahalagang P20,000 na insentibo ang Municipal Association of Persons with Disability.

Samantala, nakasama sa ginanap programa si National Council on Disability Affairs (NCDA) Regional Program Coordinator – Mr. Mike P. Limon na nagsilbi bilang panauhing pandangal.

Nakadagdag saya rin sa ating mga PWD na kalalawigan ang patimpalak sa pagkanta at pagsayaw, gayundin ang mga papremyo sa raffle draw.

Source: Quezon PIO

SPES Orientation & Life Skills Training | July 02, 2024

SPES Orientation & Life Skills Training | July 02, 2024

Upang makamit ang mithiing masuportahan ang mga estudyante na may kinahaharap na problemang pinansyal habang nag-aaral, ginanap ngayong araw ng Martes, Hulyo 2 ang Special Program for Employment of Students (SPES) Orientation & Life Skills Training sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng lalawigan katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Quezon Provincial Office.

Sa programang ito, makikinabang ang 100 na estudyante mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan gayundin ang 100 na estudyante mula sa lungsod ng Tayabas na dumalo via Zoom meeting, na papasok bilang SPES sa loob ng 20 araw.

Binigyang-diin ni DOLE Provincial Director Engr. Edwin T. Hernandez ang mahalagang kontribusyon ng pagkakaroon ng ganitong programa na nakatutulong sa mga estudyante upang matugunan ang kanilang pag-aaral.

Pinaliwanag naman ni PESO Manager Ms. Genecille P. Aguirre ang mga alituntunin at layunin ng programa. Lubos din ang kanyang pasasalamat dahil sa pagsuporta ni Governor Doktora Helen Tan ay maraming estudyante ang matutulungan na mabawasan ang kanilang pasanin pagdating sa edukasyon.

Samantala, nagkaroon din ng Life Skills Training na ibinahagi ng PESO kung saan ito’y may siyam (9) na modyul na nakatuon sa kung paano gagamitin ng mga estudyante ang kanilang kakayanan sa pagpasok sa SPES.

Source: Quezon PIO

OSCA League & QPFSCA 2nd Quarter Meeting | July 01, 2024

OSCA League & QPFSCA 2nd Quarter Meeting | July 01, 2024

Isinagawa nitong araw ng Lunes, Hulyo 1 ang 2nd quarterly meeting ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) League at ng Quezon Provincial Federation of Senior Citizens Association (QPFSCA) kung saan nagkaroon ng talakayan at paghahanda sa Senior Citizens Celebration ngayong taon.

Sa pangunguna ni PSWDO Head Sonia Leyson, naibahagi rin sa nasabing pagpupulong ang ilang updates sa mga programang patuloy na nagpapalakas ng sektor ng mga nakatatanda sa lalawigan ng Quezon.

Hindi naman magsasawa sa pagsuporta at paghahatid ng mga tulong at tugon ang Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga nakatatandang kalalawigan para sa mas maayos nilang kapakanan.

Samantala, sa pakikipagtulungan ng Rotary Club ay naisagawa rin ang libreng pagpapacheck-up ng mata at pagpapabakuna ng anti-pneumonia ang mga Quezonian Senior Citizens na dumalo.

Source: Quezon PIO

Ika-103 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | July 01, 2024

Ika-103 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | July 01, 2024

Sa patuloy ng pagbasa at pagpapatibay ng mga ordinansa, resolusyon at kautusang bayan para sa kapakanan ng mga mamamayang Quezonian, ginanap ang Ika-103 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1.

Para sa kaunlaran ng lalawigan, inaprubahan ang Quezon Provincial Investment and Incentives Code of 2024, isang ordinansang panlalawigan na layong mapalawak ang mga business opportunities na magbibigay rin ng magandang oportunidad para sa mga mamamayang naghahanap buhay sa probinsya ng Quezon.

Samantala, aprubado rin sa sesyon ang resolusyon mula sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan na magbibigay pahintulot sa Quezon Provincial Health Office na makapagtatag at makapag-operate ng pharmacy at drug distribution facility na tatawaging Quezon Provincial Pharmacy at Quezon PHO Warehouse.

Asahan pa ang tuloy- tuloy na pagseserbisyo ng Sangguniang Panlalawigan sa usaping lehislatura na magbibigay kaunlaran sa Lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

2nd Quarter Provincial MSME Development Council Meeting | July 01, 2024

2nd Quarter Provincial MSME Development Council Meeting | July 01, 2024

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1 ang 2nd Quezon Provincial Micro, Small, and Medium Enterprise Development (PMSMED) Council Meeting sa pangunguna ni Acting Provincial Administrator PGDH-ENRO John Francis Luzano bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pagpupulong.

Dinaluhan ito ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaan kabilang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province, Inc, Department of Trade and Industry – Quezon (DTI), Department of Science and Technology – Quezon (DICT) at iba pang mga sangay ng lokal at nasyonal na ahensya sa Lalawigan na myembro ng naturang konseho.

Ilan sa naging adyenda sa pagpupulong ay ang resulta patungkol sa pag-update ng listahan ng mga establisyemento sa Lalawigan noong nakaraang taong 2023, pagpapanatili at pagrerehistro ng negosyo sa Lalawigan, ease of paying taxes act at iba pang mga concerns na may kinalaman sa MSM enterprise sa lalawigan.

Hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga mamamayan sa Quezon kung kaya’t lubos ang suporta sa mga kababayang mayroong maliit o malaking negosyo sa Lalawigan na magbibigay daan upang maiangat pa ang antas ng pagsusulong ng mga lokal na produktong mula sa Quezon.

Source: Quezon PIO

Management Committee Meeting | July 01, 2024

Management Committee Meeting | July 01, 2024

TINGNAN: Nagkaroon muli ng pagpupulong ang mga pinuno ng tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1.

Ilan sa tinalakay ay ang ginagawang paghahanda para sa nalalapit na selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2024, gayundin ng updates patungkol sa Provincial Government of Quezon – Quality Management System Organization (PGQ-QMS) at iba pang mga concerns ng bawat opisina.

Layon ng regular na pagpupulong na ito na mapanitili ang komunikasyon ng bawat tanggapan upang agarang mabigyang solusyon ang mga suliranin para sa patuloy na paghahatid ng epektibong serbisyo para sa Lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Flag Raising Ceremony Hosted by PDRRMO & National Disaster Resilience Month 2024 Kick Ceremony | July 01, 2024

Flag Raising Ceremony Hosted by PDRRMO & National Disaster Resilience Month 2024 Kick Ceremony | July 01, 2024

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2024, masigla at ligtas na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong unang araw ng Hulyo.

Maagap pa lang ay nagkaroon na ng Motorcade ang nasabing tanggapan bilang pakikiisa sa selebrasyon kasama ang mga miyembro at volunteers ng PDRMMC at lahat ng LDRRMO sa lalawigan ng Quezon.

Nagbigay ulat naman si PDRMMO Head Dr. Melchor Avenilla Jr. ukol sa mga naging accomplishments ng kanilang tanggapan mula nakaraang taon.

Labis ang naging pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa bawat miyembro ng PDRRMC sa kanilang patuloy na pagtugon sa mga panahon ng mga insidente o sakuna upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan.

Samantala, malugod na pinasalamatan din ng gobernadora ang ilang private sectors na parating katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng social services.

Sa huli, natunghayan ang isang Safety exhibition mula sa PDRMMO upang magbigay kamalayan sa kung ano at paano sila rumeresponde sa oras ng insidente o sakuna.

Source: Quezon PIO

STAN Kabuhayan Negosyo Kit

STAN Kabuhayan Negosyo Kit

Ikaw ba ay nagmamay-ari ng Sari-sari store at nangangailangan ng pandagdag pangkabuhayan?

Kung oo, halina’t sumali sa STAN-Kabuhayan Livelihood Assistance Program na isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Upang makasali, narito ang mga kinakailangang gawin:

1. Kumpletuhin ang mga sumusunod na dokumento:

– Photocopy ng DTI Business Name Certificate

– Photocopy ng Barangay Permit o Mayor’s Permit (kinakailangan ipresenta ang mga photocopy ng Brgy. permit o Mayor’s permit mula sa taong 2023 at 2024 bilang patunay na 1 taon na ang operasyon ng iyong Sari-sari store)

– Printed copy ng Litrato ng Sari-sari store kasama ang may-ari ng tindahan

2. Ipasa ang photocopy ng mga dokumentong nabanggit sa pinakamalapit na STAN Satellite Office o DTI Negosyo Center sa inyong lugar mula July 3-14, 2024.

Mangyaring magdala ng alinman sa mga sumusunod na Valid IDs upang maberipika ang inyong pagkakakilanlan:

– National ID

– Solo Parent ID

– Senior Citizen ID

– TIN ID

– PWD ID

– at iba pang Government issued IDs

Samantala, priyoridad na mabigyan ang mga Sari-sari store owners na Senior Citizen, Solo Parents, Persons with Disabilities (PWDs) at Out-of-School youths ngunit maaari pa ring magpasa at mapili ang mga Sari-sari store owners na hindi nabibilang sa mga nabanggit na sektor.

Kaya ano pang inaantay mo? Sumali na at baka ikaw ang isa sa mga maswerteng makakatanggap ng STAN-Kabuhayan Negosyo Package.

Source: Quezon PIO