
Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Patnanungan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 18, 2025
Maulan man sa islang bayan ng PATNANUNGAN nitong araw ng Marso 18, hindi ito naging hadlang upang masigurong maihahatid ang programang “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan” o Medical Mission para sa mga mamamayan ng nasabing bayan.
Umabot sa 3,279 na residente ang nabigyan ng iba’t ibang libreng serbisyong medikal gaya ng medical ang check-up para sa bata at matanda, cervical cancer screening para sa mga kababaihan, libreng gamot, ECG, X-RAY, Ultrasound, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, Uric Acid, Cholesterol, check-up sa mata at libreng pasalamin.
Sinigurong mayroon din makukuhang serbisyo ang mga pasyenteng hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang laboratoryo, kung kaya’t sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) nakapamahagi ng medical assistance sa 314 pasyente sa nasabing bayan.
Sa pagsusumikap naman na mas mapaigting ang serbisyong dala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan, naging katuwang ang mga doktor at espesyalistang nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Kaugnay pa rito, kasamang naghatid ng libreng serbisyo para sa may mga halagang hayop ang Office of the Provincial Veterinarian. Tinatayang nasa 49 ang nakapagpakonsultang may alagang hayop habang 135 alaga ang naturukan ng anti-rabies vaccine.
#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO