NEWS AND UPDATE

STANd UPPPP Quezon Water Rationing | May 28, 2024

STANd UPPPP Quezon Water Rationing | May 28, 2024

“Water Rationing”
Lucena City | Mayo 28, 2024
Sa atas at gabay ng ating Ina ng Lalawigan Governor Doktora Helen Tan , sa pamamagitan ng tanggapan ng Pdrrmo Quezon ay agaran itong nagpadala ng mga Water Tankers sa Brgy. Dalahican, Brgy. Cotta at at Red-V para hatiran ng tubig ang ating mga kababayan na nawalan ng supply ng tubig sanhi ng Bagyong “Aghon”.
Source: Quezon PDRRMO

SA MANLULUPIG, ‘DI KA PASISIIL! PH | May 28, 2024

SA MANLULUPIG, ‘DI KA PASISIIL! PH | May 28, 2024

SA MANLULUPIG, ‘DI KA PASISIIL! PH
Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng National Flag Day ngayong araw, Mayo 28.
Ito’y alinsunod na rin sa Presidential Proclamation No. 374 (s. 1965), kung saan idineklarang tuwing Mayo 28 bilang National Flag Day upang gunitain ang kauna-unahang beses na itinaas ang bandila ng Pilipinas sa Imus, Cavite noong 1898.

PABATID SA PUBLIKO – Sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting | May 27, 2024

PABATID SA PUBLIKO – Sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting | May 27, 2024

PABATID SA PUBLIKO

Sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting ngayong araw, ika-27 ng Mayo, inaprubahan sa nasabing konseho na isailalim ang 1st at 2nd district ng Lalawigan ng Quezon sa STATE OF CALAMITY dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Aghon.

Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) For Typhoon Aghon Damaged Areas | May 27, 2024

Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) For Typhoon Aghon Damaged Areas | May 27, 2024

Para sa mabilisang pagsusuri ng mga naging pinsalang idinulot ng Bagyong Aghon, isinagawa ang Rapid Damage Assement and Needs Analysis (RDANA) ngayong araw, Mayo 27 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Tactical Operations Wing Southern Luzon (TOWSOL) Philppine Airforce sa pamamagitan ni Colonel Edmon Gupit
Ang ilang bahagi sa bayan ng Mauban at Sampaloc ang minabuting suriin sapagkat ito ang mga bayan na kabilang sa matinding naapektuhan ng nasabing bagyo.
Bago pa man baybayin ang himpapawid ay nagkaroon muna ng briefing upang masiguro na ligtas at magiging maayos ang isasagawang operasyon.

Walang sinayang na pagkakataon si Governor Doktora Helen Tan para sa ikabubuti ng serbisyong hatid sa ating mga kalalawigan | May 27, 2024

Walang sinayang na pagkakataon si Governor Doktora Helen Tan para sa ikabubuti ng serbisyong hatid sa ating mga kalalawigan | May 27, 2024

Walang sinayang na pagkakataon si Governor Doktora Helen Tan para sa ikabubuti ng serbisyong hatid sa ating mga kalalawigan.
Nakipagpulong ngayong araw, Mayo 27 sa pamunuan ng QPHN-Quezon Medical Center ang gobernadora kasama ang kanilang Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva upang magkaroon ng talakayan kung paano pa mas magiging maayos ang internal services ng nasabing ospital.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong nina Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor, Executive Assistant and PGENRO Head John Francis Luzano, HRMO Head Rowell Napeñas, PEO Head Engr. Marichelle Ferrer, at ilang punong tanggapan ng QPHN-QMC.

Produktibong nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Mauban ngayong araw ng Lunes | May 27, 2024

Produktibong nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Mauban ngayong araw ng Lunes | May 27, 2024

Produktibong nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Mauban ngayong araw ng Lunes, Mayo 27 upang personal na alamin ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente lalo’t higit isa sila sa matinding naapektuhan ng Bagyong Aghon.
Sa ngayon ay apektado pa rin ang supply ng tubig at kuryente sa ilang bahagi ng Mauban dahil sa baha at dami ng natumbang poste at puno, kung kaya’t sa ginanap na pakikipagpulong ng gobernadora kay Mayor Ninong Erwin Pastrana kasama ang MDRRMO at PSWDO ay napag-usapan ang mga hakbangin isasakatuparan para sa mabilisang assessment sa buong bayan
Samantala, naipamahagi sa mahigit 200 pamilyang nasa evacuation areas ang mga food packs, hot meals, at pangunahing kagamitan na kanilang lubos na mapakikinabangan.
Asahan naman ang patuloy na pagkalinga at pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa bawat Quezonian na naapektuhan ng Bagyong Aghon.

AICS Payout | May 27, 2024

AICS Payout | May 27, 2024

Ginanap ang pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) Program sa ikalawang distrito ng Quezon ngayong araw ng Lunes, Mayo 27 sa Quezon Convention Center.
2,151 benipisyaro ang nabigyang lingap mula sa bayan ng Tiaong, Candelaria, Sariaya at lungsod ng Lucena kung saan 607 sa mga ito ay nakatanggap ng educational assistance at 1,544 naman ang nakatanggap ng tulong pinansyal para sa medikal, burial at iba pang mga pangangailangan.
Hindi balakid ang bagyo sa patuloy na pagbibigay ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sapagkat hangad ni Governor Doktora Helen Tan na mailapit ang mga serbisyong nararapat para sa bawat mamamayang Quezonian.

Flag Raising Ceremony at the Quezon Medicial Center | May 27 ,2024

Flag Raising Ceremony at the Quezon Medicial Center | May 27 ,2024

Sa kabila ng matinding pananalasa ng Bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon, tuloy-tuloy ang serbisyong hatid ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) sa ginanap na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, Mayo 27.

Sa pangunguna ng Administrative Division ng nasabing ospital, nakiisa si Governor Doktora Helen Tan kung saan kaniyang binigyang paalala ang bawat empleyado sa kanilang mahalagang gampanin para sa nararapat na kalusugan ng mga Quezonian.
Nagbigay ulat din si QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva ukol sa kanilang mga matagumpay na naisakatuparang serbisyo sa nakalipas na buwan ngayong taon.

Malugod namang ibinahagi ang nalalapit na ika-100 taong anibersaryo ng QPHN-QMC sa August 1, 2024.

Mula pa kahapon, tuloy-tuloy ang agarang paghahatid ng kalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa ating mga kalalawigan na naapektuhan ng Bagyong Aghon | May 27, 2024

Mula pa kahapon, tuloy-tuloy ang agarang paghahatid ng kalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa ating mga kalalawigan na naapektuhan ng Bagyong Aghon | May 27, 2024

TINGNAN: Mula pa kahapon, tuloy-tuloy ang agarang paghahatid ng kalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa ating mga kalalawigan na naapektuhan ng Bagyong Aghon.
Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan, naibahagi ang mga food relief packs at hot meals sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan kung saan ay naging possible sa tulong ng Provincial Satellite Offices.

Maagap na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Operation Center (QPOC) | May 27, 2024

Maagap na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Operation Center (QPOC) | May 27, 2024

Maagap na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Operation Center (QPOC) ngayong araw ng Lunes, Mayo 27 para sa Post-disaster monitoring ng Bagyong Aghon na nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.
Binisita rin ng gobernadora ang multi-purpose building na matatagpuan sa Quezon Science High School upang inspeksyonin ang kasalukuyang kalagayan nito matapos ang hagupit ng nasabing bagyo.