
Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Unisan, Quezon | August 25, 2024
Para sa buong-pusong paglilingkod, patuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga Quezonian ang Libreng Serbisyong Gamutan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.
Dinagsa ng 4,360 benepisyaryo mula sa bayan ng Unisan ang ginanap na Medical Mission nitong araw ng Agosto 25 kung saan kanilang napakinabangan ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal.
Ilan sa mga ito ay medical check-up para sa bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, derma, ENT, cervical cancer screening, minor surgery sa may maliit na bukol, Ultrasound, ECG, CBC, HIV Screening, Urinalysis, FBS/RBS, pagbabakuna ng PCV 23, at libreng gamot. Bitbit din ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng pagpapasalamin.
Nakasama naman sa paghahatid ng mga serbisyong medikal sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, at Mayor Adulta Ferdinand Denand.
Quezon PIO