
Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Panukulan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 15, 2025
“Ang pagkalinga po namin, patuloy na padadaluyin sa bawat mamamayan saan man sulok yan”
Sa muling pag-arangkada at pagsasagawa ng Medical Mission ngayong taon, siniguro ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan na kabilang ang Polillo Group of Islands sa maaabutan ng mga serbisyo at programa partikular na ang mga pangkalusugan.
Nitong araw ng Marso 14, matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Panukulan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission kung saan tinatayang nasa 3,021 na residente ang naging benepisyaryo ng mga libreng serbisyong medikal.
Katuwang ang mga doktor at espesyalista mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay naihatid ng medical check-up para sa bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa may maliit na bukol, cervical cancer screening para sa mga kababaihan, libreng gamot, check-up sa mata at libreng pasalamin. Mayroon ding mga laboratory examinations gaya ng ECG, X-RAY, Ultrasound, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, Uric Acid, at Cholesterol.
Bukod sa Medical Mission, hatid naman ng Office of the Veterinarian ang Veterinary Mission kung saan 111 na may alagang hayop ang nakapagpakonsulta at 67 namang alagang hayop ang naturukan ng anti-rabies.
Samantala, para sa mga pasyente na hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang laboratoryo ng doktor ay sinigurong may medical assistance pa ring maibibigay sa 314 pasyente sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO