NEWS AND UPDATE

Ika-110 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | August 21, 2024

Ika-110 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | August 21, 2024

Patuloy ang pagbalangkas ng lehislaturang Panlalawigan sa ginanap na Ika-110 Pangkaraniwang Pulong ng Sanggunian nitong araw ng Miyerkules, Agosto 21.

Inaprubahan sa sesyon ang mga ordinansang bayan, kautusan bayan, at resolusyong magpapabuti sa lungsod at munisipalidad na mapapakinabangan ng mga mamamayan gaya ng panlalawigang resolusyong pangkalusugan ukol sa pagpapatupad ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 sa Lalawigan ng Quezon.

Binigyang pahintulot naman ng Sangguniang Panlalawigan si Governor Doktota Helen Tan na pumasok sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH) at ni Dr. Mark Ian Jun Catan para sa fellowship training sa ilalim ng kanilang postgraduate program, gayundin ang paghintulot na tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ang P139,782,086.00 na donasyon mula sa Giga Ace 6 Inc. para sa 2.8 km farm to market road sa Brgy. Pandan, Real Quezon.

Inaprubahan din ng sanggunian ang pormal na pagtatatag ng Quezon Provincial Information and Communications Technology Office (PICTO) sa pamumuno ni Information Technology Officer II Leney C. Laygo para sa mas epektibong pagpapatakbo at pagsasaayos ng computer systems na mapakikinabangan ng pamahalaang panlalawigan.

Asahan ang tuloy-tuloy na pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan para sa mabilis na pag-unlad ng Lalawigan ng Quezon.

<hr>
<b><i class=โ€bi bi-c-circleโ€></i> Quezon PIO</b>

Personal na Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Ospital ng San Antonio | August 20, 2024

Personal na Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Ospital ng San Antonio | August 20, 2024

TINGNAN: Personal na pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Ospital ng San Antonio (ONSA) upang kamustahin ang kalagayan ng mga pasyente, mga kawani at ang mga pasilidad nito.


Quezon PIO

AICS Educational Assistance Payout | August 20, 2024

AICS Educational Assistance Payout | August 20, 2024

430 na College Students na mula sa San Antonio, Quezon ang napamahagian ng Educational Assistance ngayong araw ng Martes, ika-20 ng Agosto.

Ipinagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang pagsuporta sa bawat Quezonian na nagtataguyod ng kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.


Quezon PIO

Niyogyugan Festival 2024 Awarding Ceremony | August 19, 2024

Niyogyugan Festival 2024 Awarding Ceremony | August 19, 2024

CONGRATULATIONS! ๐ŸŽ‰

Sa pagtatapos ng dalawang linggong pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024, nakamit ng bayan ng REAL ang OVERALL CHAMPION๐Ÿ†

Narito ang iba pang bayang nagwagi sa kompetisyon ng Agri-tourism Booths:

โ€ข 1st Place โ€“ TAGKAWAYAN

โ€ข 2nd Place โ€“ PADRE BURGOS

โ€ข 3rd Place โ€“ REAL

โ€ข 4th Palce โ€“ GENERAL LUNA

โ€ข Highest Sale Award โ€“ LUCBAN

โ€ข Best Visual Merchandiisng โ€“ PADRE BURGOS

โ€ข Best Tour Package Offering โ€“ TAGKAWAYAN

Kasabay ng paggawad sa mga nagwaging kalahok sa Niyogyugan Festival 2024 ay ipinakilala rin ang mga Quezonian na tumanggap ng Quezon Medalya ng Karangalan โ€“ ang pinakamataas na pagkilalang ipinagkakaloob sa mga natatanging anak ng lalawigan.

Kita-kits at maki-niyogyugan tayo muli susunod taon!๐ŸŒด๐Ÿฅฅ


Quezon PIO

Paalala sa mga Biyahero

Paalala sa mga Biyahero

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐ˆ๐˜๐€๐‡๐„๐‘๐Ž

๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฑ๐—ผ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ.

Isa iyan sa mga hahanapin ng Animal Quarantine Checkpoint ng destination. ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—ž ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—˜๐—–๐—ž๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฆ.

Inaasahan ang inyong pakikipagtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.

Link:

https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0LD8tqg1jU4tjgZBuYSjGNyCzq5zstJbFCRZe3EZSfDUmFfuiZLKAJEt9tQM16zNjl?rdid=G3BKshz7xcbTqJ79


Quezon ProVet

Pag-gunita sa Ika-146 Taong Kapanganakan ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon | August 19, 2024

Pag-gunita sa Ika-146 Taong Kapanganakan ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon | August 19, 2024

Bilang paggunita sa Ika-146 na Anibersaryo ng Kapanganakan ni dating Pangulong Manuel Luis M. Quezon, ginanap ngayong araw ng Lunes, Agosto 19 ang pag-aalay ng bulaklak sa kanyang bantayog sa Perez Park Block 4, Lucena City.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang isinagawang programa kasama si Singaporeโ€™s Ambassador to the Republic of the Philippines, Her Excellency Ambassador Constance See bilang panauhing pandangal.

Dinaluhan rin ito ng ibaโ€™t ibang ahensya ng gobyerno, sandatahang lakas, at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon upang magbigay galang sa โ€œAma ng Wikang Pambansaโ€ at isa sa mahahalagang tao sa kasaysayan ng Pilipinas.


Quezon PIO

Niyogyugan Boxing | August 18, 2024

Niyogyugan Boxing | August 18, 2024

HAPPENING NOW: Niyogyugan Boxing August 18, 2024 | Perez Park Blk 2, Lucena City

Livestream โ€“ Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

Niyogyugan 2024 Triathlon | August 18, 2024

Niyogyugan 2024 Triathlon | August 18, 2024

Bilang bahagi pa rin ng Niyogyugan Festival 2024, isinagawa ngayong araw ng Linggo, Agosto 18 ang Triathlon na nilahukan ng 107 na atletang Quezonian gayundin ng mga atletang mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapaigting ang aktibo at malusog na lifestyle, at naging mainit naman ang labanan ng mga kalahok sa paglalangoy, pagbibisikleta, at pagtakbo.

CONGRATULATIONS sa mga matagumpay na nanalong kalahok na nahati sa anim na kategorya:

Open Male:

โ€ข 1st Place โ€“ John Patrick Ciron

โ€ข 2nd Place โ€“ Luigi Victor Robles

โ€ข 3rd Place โ€“ Peter Jaynario

Open Female:

โ€ข 1st Place โ€“ Amelou Tapia

โ€ข 2nd Place โ€“ Cyril Marie Benedicto

โ€ข 3rd Place โ€“ Ayesa Munar

Quezonian Male:

โ€ข 1st Place โ€“ Johnny Perez

โ€ข 2nd Place โ€“ John Mark Lumanglas

โ€ข 3rd Place โ€“ James Z. Uy

Quezonian Female:

โ€ข 1st Place โ€“ Bela Louise Magtibay

โ€ข 2nd Place โ€“ Bernice Anne Magtibay

โ€ข 3rd Place โ€“ Glorie E. Lanaza

Relay Overall Male:

โ€ข 1st Place โ€“ John Neil B. Paderes

โ€ข 2nd Place โ€“ Christian Vinas Dimaculangan

โ€ข 3rd Place โ€“ Ferdinand J. Rosco

Relay Overall Female:

โ€ข 1st Place โ€“ Kristelle Anne M. Danez

โ€ข 2nd Place โ€“ Maria Jorja P. Franco

โ€ข 3rd Place โ€“ Mary Jane S. Manalo

#TAraNasaQuezon
#NiyogyuganFestival2024


Quezon PIO