NEWS AND UPDATE

Deaf Association of Quezon Province National Men & Women’s 3×3 Basketball Tournament | July 12, 2024

Deaf Association of Quezon Province National Men & Women’s 3×3 Basketball Tournament | July 12, 2024

Masiglang ginanap ngayong araw, Hulyo 12 sa Quezon Convention Center ang opening ceremony ng Deaf Association of Quezon Province (DAQP) National Men’s and Women’s 3×3 Basketball Tournament sa pangunguna ni DAQP President – Trivor U. Latayan.

Nagsilbing host province ang Quezon ng gaganaping tatlong araw (July 12-14) na pasiklaban sa larangan ng basketbol ng mga manlalarong kabilang sa deaf community na mga mula pa sa iba’t-ibang probinsya sa Pilipinas tulad ng Pampanga, Cavite, Zambales, Metro Manila, Batangas, Laguna, Olongapo, Rizal, at Bulacan.

Ipinaabot naman ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang mensahe at pagsuporta sa pamamagitan ni Executive Assistant II Atty. Kim Kenneth Pascua, kung saan ay binigyang-diin na malaking bagay na may mga programang pangpalakasan para sa bawat Pilipino kabilang na ang deaf community upang maisulong ang malusog na lifestyle.

Source: Quezon PIO

Sustainable Livelihood Program | July 12, 2024

Sustainable Livelihood Program | July 12, 2024

Sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ni Governor Doktora Helen Tan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), isinagawa sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ang pag-oorganisa ng asosasyon ng SLP o “Sustainable Livelihood Program” na sinimulan nitong nakaraang Hulyo 8 at nagtapos ngayong araw, Hulyo 12.

Ang nasabing akitibidad ay naisakatuparan sa tulong ng Provincial Satellite Offices na naglalayong matukoy at ma-assess ang 667 na indibidwal na mga magiging benepisyaryo ng programa.

Sa loob ng isang linggong, produktibong nagkaroon ng pagsasanay ang mga benepisyaryo patungkol sa organizational development at leadership upang maging handa sila sa asosasyon. Inaasahan naman na ang 30 grupong na-organisa ay makakabuo ng kani-kaniyang sustenableng negosyo na magsisilbi nilang alternatibong pangkabuhayan.

Samantala, nagmula ang mga benepisyaryo sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, at Lucena City.

Source: Quezon PIO

ASF Zoning Status Update ng Quezon Province – July 11, 2024

ASF Zoning Status Update ng Quezon Province – July 11, 2024

ASF Zoning Status Update ng Quezon Province || as of JULY 11, 2024

Source: Quezon ProVet

Presidential Assistance worth P28,810,000.00 for the Provincial Government of Quezon | July 11, 2024

Presidential Assistance worth P28,810,000.00 for the Provincial Government of Quezon | July 11, 2024

Personally granted by President Ferdinand R. Marcos, Jr. the Presidential Assistance worth P28,810,000.00 for the Provincial Government of Quezon in the program held in San Jose, Batangas, today, July 11, 2024.Meanwhile, the provincial government of Quezon also received ten (10) Animal Hauling Trucks and financial assistance worth P271,055,834 from the Department of Agriculture.

Source: Quezon PIO

Workshop on Comprehensive Case Management of Alternative Child Care Cases | July 09, 2024

Workshop on Comprehensive Case Management of Alternative Child Care Cases | July 09, 2024

Pinangunahan ni PSWDO Head Ms. Sonia S. Leyson ang day 1 of 4 Training-Workshop on Comprehensive Case Management of Alternative Child Care Cases ng Lalawigan ng Quezon ngayong araw ng Martes, Hulyo 9 sa St. Jude Coop Hotel, Tayabas City.

Dinaluhan ng humigit 40 Social Workers ng Lalawigan ng Quezon ang aktibidad na layong masundan ang oryentasyon ng bagong batas na Republic Act. 11642 o ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act na ginanap noong nakaraang taon, gayundin ay maibigay sa mga social workers ng lalawigan ang tama at panibagong proseso para sa kapakanan ng isang bata na nangangailangan ng kalinga ng isang pamilya.

Sa pamamagitan ng apat na araw na training-workshop, matutunan ng mga social worker ng lalawigan ng Quezon kung paano gumawa ng case study, paano ang process flow ng case input per case category, at maging updated rin ang mga ito patungkol sa bagong batas.

Magtatapos ang Training-Workshop sa darating na Biyernes, Hulyo 12.

Source: Quezon PIO

Bagong Limang Motorsiklo na mula sa Philippine Carabao Center | July 09, 2024

Bagong Limang Motorsiklo na mula sa Philippine Carabao Center | July 09, 2024

TINGNAN: Malugod na ipinagkaloob ngayong araw ng Martes, Hulyo 9 sa Quezon Capitol Compound ang bagong limang motorsiklo na mula sa Philippine Carabao Center.

Ang apat na motorsiklo ay natanggap ng bayan ng Lopez, Tagkawayan, Guinayangan, at Tayabas City bilang pagkilala ng Philippine Carabao Center sa mga nasabing bayan sa pagiging top performing LGUs sa Genetic Improvement Program through Artificial Insemination for Carabaos.

Habang ang isang motorsiklo ay natanggap naman ng Office of the Provincial Veterinarian bilang pagkilala sa pagsuporta ng lalawigan ng Quezon sa Carabao Development Program ng Department of Agriculture.

Source: Quezon PIO

National Disaster Resilience Month Summit 2024 | July 09, 2024

National Disaster Resilience Month Summit 2024 | July 09, 2024

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-36 National Disaster Resilient Month ngayong taon na may temang “Bantayog ng Katatagan at ang pagbubuklod sa Layuning Kahandaan,” isinagawa ngayong araw ng Martes, Hulyo 9 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang kauna-unahang DRRM Summit sa lalawigan ng Quezon.

Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni Dr. Melchor Avenilla Jr., dinaluhan ang ginanap na programa ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Office of the Civil Defense (OCD) CALABARZON Regional Director Carlos Eduardo Alvarez III.

Naibahagi naman ni Board Member John Joseph Aquivido na sa inisyatibo ni Board Member Vinette Alcala ay isinusulong na sa Sangguniang Panlalawigan ang tinatawag na “Disaster Code” na magiging batayang ligal ng bawat DRRMO gayundin ng iba pang uniformed personnel sa lalawigan para sa tuloy-tuloy at matatag na paggampan sa kanilang tungkulin.

Binigyang-diin din ang patungkol sa Magna Carta na pinagsusumikapan na maibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga DRRMO upang masiguro na mayroon silang makukuhang benepisyo at sila’y mapoprotektahan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin na mapanatiling ligtas at mapayapa ang kanilang nasasakupang komunidad.

Samantala, sa parehong araw ay kinilala at binigyang plake ang mga bayan at miyembro ng QPDRRMC bilang simbolo ng kanilang matibay na pagsuporta sa epektibong paresponde sa oras ng anumang sakuna.

Nagkaroon din ng symposium o talakayan na mapakikinabangan ng bawat dumalong DRRMO, gayundin ay nagbigay saya ang isinagawang raffle draw kung saan sila’y nakapag-uwi ng iba’t-ibang papremyo.

Source: Quezon PIO

Pag-inspeksyon ng Gobernadora ang Potensyal na mga Pagpapabuti sa Kasalukuyang Anyo ng Perez Park | July 08, 2024

Pag-inspeksyon ng Gobernadora ang Potensyal na mga Pagpapabuti sa Kasalukuyang Anyo ng Perez Park | July 08, 2024

Upang tiyakin na kaakit-akit ang unang impresyon ng mga dumadaan at bumabaybay sa Provincial Capitol ng Quezon, nagpunta ngayong Lunes, ika-8 ng Hulyo, si Governor Doktora Helen Tan sa Perez Park kasama nina Provincial Engineer Marichelle Ferrer, Provincial Environment and Natural Resources Officer John Luzano, Quezon Provincial Information Officer Jun Lubid, SP Committee Chair on Tourism Hon. JJ Aquivido at Chief of Staff Rose Verzo Caparros.

Ininspeksyon ng Gobernadora ang potensyal na mga pagpapabuti sa kasalukuyang anyo ng Perez Park upang mapalakas ang kagandahan at kagiliw-giliw na aspeto nito para sa mga bisita ng Provincial Capitol, na naglalayong mag-ambag sa pagpapaunlad ng turismo sa Quezon.

Ika-104 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | July 8, 2024

Ika-104 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | July 8, 2024

Sa pagsisimula ng Ika-104 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, kinilala ang Official Candidate ng Lalawigan na kakatawan para sa Miss World Philippines ngayong araw ng Lunes, Hulyo 8.
Binigyang pagkilala ng Sanggunian si Ms. Ma. Andrea Endicio, na kakatawan sa nalalapit na Coronation Night sa MWP 2024 na gaganapin sa July 19, 2024 sa Mall of Asia Arena at pagkilala rin kay Ms. Rueil Viana Montserrat na kinatawan ng lalawigan sa nalalapit na PRISAA National Competition.
Samantala inaprubahan sa sesyon ang mga ordinansa, resolusyon at kautusang bayan mula sa lungsod at munisipalidad ng lalawigan na higit na mapapakinabangan at makakatulong sa mga mamamayan at kaayusan ng kanilang mga komunidad. Isa na rito ang ordinansang nagpapatibay ng employment opportunities para sa persons with disability (PWD) sa bayan ng Gumaca.
Patuloy ang pagbasa at pag-apruba ng Sanggunian para sa kaayusan ng bawat bayan at mamamayan tungo sa kaunlaran ng lalawigan.

Source: Quezon PIO

Ginoong Niyogyugan 2024 official candidates and their respective municipalities and cities!

Ginoong Niyogyugan 2024 official candidates and their respective municipalities and cities!

Visit Us

Source: Quezon PIO