NEWS AND UPDATE

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 3

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 3

Tropical Depression #EntengPH

Issued at 5:00 PM, 01 September 2024

Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 PM today.

“ENTENG” SLIGHTLY INTENSIFIES OVER THE WATERS NORTHEAST OF NORTHERN SAMAR.

Location of Center (4:00 PM): The center of Tropical Depression ENTENG was estimated based on all available data at 100 km Northeast of Catarman, Northern Samar or 115 km East Southeast of Virac, Catanduanes (13.2°N, 125.2°E)

Intensity: Maximum sustained winds of 55 km/h near the center, gustiness of up to 70 km/h, and central pressure of 1000 hPa

Present Movement: Northwestward at 15 km/h

Extent of Tropical Cyclone Winds: Strong winds extend outwards up to 200 km from the center

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) IN EFFECT

TCWS No. 1 Wind threat: Strong winds

𝐏𝐨𝐥𝐢𝐥𝐥𝐨 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐩𝐨𝐫𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 (𝐓𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐢𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐁𝐮𝐞𝐧𝐚𝐯𝐢𝐬𝐭𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐫𝐜𝐢𝐬𝐨, 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬, 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨, 𝐋𝐨𝐩𝐞𝐳, 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐮𝐚𝐠, 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐦𝐚𝐜𝐚, 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐞𝐥𝐨𝐧, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐧𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐀𝐥𝐚𝐛𝐚𝐭, 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳)

Link:

https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid0RHgfXjgpEZ9Sqsh6jJecofTnwLMKt5pf6R2hVGAUmZiYoBQ6hRNJxh8aZsU5LtPRl?rdid=scwLIntD38jUgfAe


Quezon PIO

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 3

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 3

Tropical Depression #EntengPH

Issued at 5:00 PM, 01 September 2024

Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 PM today.

“ENTENG” SLIGHTLY INTENSIFIES OVER THE WATERS NORTHEAST OF NORTHERN SAMAR.

Location of Center (4:00 PM):

The center of Tropical Depression ENTENG was estimated based on all available data at 100 km Northeast of Catarman, Northern Samar or 115 km East Southeast of Virac, Catanduanes (13.2°N, 125.2°E)

Intensity:

Maximum sustained winds of 55 km/h near the center, gustiness of up to 70 km/h, and central pressure of 1000 hPa

Present Movement:

Northwestward at 15 km/h

Extent of Tropical Cyclone Winds:

Strong winds extend outwards up to 200 km from the center

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) IN EFFECT

TCWS No. 1 Wind threat: Strong winds

𝐏𝐨𝐥𝐢𝐥𝐥𝐨 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐩𝐨𝐫𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 (𝐓𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐢𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐁𝐮𝐞𝐧𝐚𝐯𝐢𝐬𝐭𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐫𝐜𝐢𝐬𝐨, 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬, 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨, 𝐋𝐨𝐩𝐞𝐳, 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐮𝐚𝐠, 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐦𝐚𝐜𝐚, 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐞𝐥𝐨𝐧, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐧𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐀𝐥𝐚𝐛𝐚𝐭, 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳)

Link:

https://www.facebook.com/PDRRMOQuezon/posts/pfbid02awPHVxAWreZCas2GDjxCqxdgkwnhGouVgz9qH4AvirqK7Y6Zjwf1fCyHfBHYmqG9l?rdid=B4eP6y611AFbaQQu


Quezon PDRRMO

iba’t-ibang libreng serbisyong medikal para sa mga Quezonian at Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan | September 01, 2024

iba’t-ibang libreng serbisyong medikal para sa mga Quezonian at Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan | September 01, 2024

TINGNAN: Tuloy-tuloy ang paghahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ng iba’t-ibang libreng serbisyong medikal para sa mga Quezonian, at sa tulong ng Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan napakinabangan ang mga libreng serbisyong ito ng mga mamamayan ng Tayabas City ngayong araw ng Linggo, Setyembre 1.

Narito ang ilang kaganapan sa nasabing Medical Mission.


Quezon PIO

Cacao Beans Marking | August 29-30, 2024

Cacao Beans Marking | August 29-30, 2024

Sa pamamagitan ng aktibong pagsuporta ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa industriya ng cacao ay buong kasiyahang nakiisa ang lahat ng miyembro at mga pinuno ng Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan (SICAP-Quezon) at SICAP Quezon Agriculture Cooperative (SICAP Coop) sa isinagawang Cacao Beans Marking nitong nakaraang Agosto 29-30, 2024 sa pasilidad ng DLA Naturals, Subic, Zambales.

Ang DLA Naturals ay kilalang kumpanya na nagproproseso ng ibat-ibang produktong pagkain kabilang ang tsokolate na gawa mula sa cacao. Pagmamay-ari ito ng pamilya Ladrière mula sa bansang Belgium na nag-aalok at handang bumili ng toneladang buto ng cacao sa magandang presyo mula sa mga magsasaka ng Quezon.

Sa pangunguna ni G. Damien Ladrière kasama ang kanyang ama ay nilibot ng samahan ang kanilang pasilidad at ipinakita kung paano prinoproseso ang iba’t-ibang tsokolate sa kanilang pagawaan. Pinag-usapan rin ang mga mahahalagang ugnayan kung papaano patuloy na pasisiglahin ang pamimili ng cacao sa pagitan ng SICAP Coop at kompanya nila.

Buong kagalakan naman ang naramdaman ng bawat isa sa ugnayang mabubuo sa pagitan ng samahan at ng kumpanya kung saan higit na mapapalakas ang kapasidad ng samahan ukol sa pagnenegosyo na magbibigay karagdagan sa kita ng mga ito. Ang ugnayang ito ay nakikita ring isang daan upang patuloy na paunlarin ng bawat isa ang kanilang mga taniman.

Nasasabik naman ang pamunuan ng samahan sa oportunidad na nabuksan kung kaya’t isang pagtitipon ang agad na sisimulan para sa pagpaplano upang maparami ang koleksyon ng mga buto ng cacao at mahikayat ang marami pang magsasaka sa patuloy na pagpapalawak at tamang pag-aalaga ng cacao tungo sa mas mataas na produksyon nito sa buong lalawigan.

Courtesy of: OPA Info Unit


Quezon PIO

Meat Processing and Hands on Demo | August 27-30, 2024

Meat Processing and Hands on Demo | August 27-30, 2024

Ginanap ang Training on Meat Processing and Hands on Demo noong August 27 -28 sa Tagkawayan at August 29-30 sa Pitogo para sa ating mga kababayan.

Sa bawat Training ay may 25 na participants na ang hanap-buhay ay pagbababoy .Pinonduhan naman ito ng OPV-VET at si Cherry C. Favor ay nag silbing guest speaker ng Tagkawayan na nagbigay kaalaman sa mamamayan.

Layunin ng pagsasanay ang madagdagan ang kaalaman upang magkaroon ng additional income ang ating mamamayan sa pamaagitan ng meat proocessing.

Tinalakay sa training ang mga Hygien and Sanitation, Meat and Non-meat ingredients in meat processing, Equipment and Utensils needed at Pork Value Chain.


Quezon PIO

GAWAD PARANGAL | August 30, 2024

GAWAD PARANGAL | August 30, 2024

“Naniniwala ako na ang kagalingan ng kababaihan ay kagalingan ng pamilyang Pilipino”

Ito ang inihayag ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na “GAWAD PARANGAL Para sa mga Programa sa Responsableng Pagpapamilya” ngayong araw ng Biyernes, Agosto 30 sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

Binigyang-diin ng gobernadora ang kahalagahan na mabigyan ng sapat na kamalayan at pangangalaga ang mga nanay ukol sa kanilang kalusugan sapagkat sila ang magsisilbing pangunahing pundasyon para sa malusog at maayos na pagpapamilya.

Kinilala naman at ginawaran sa ginanap na programa ang mga kawaning nagpakita ng husay at dedikasyon sa pagpapatupad ng dekalidad na mga serbisyong pangkalusugan. Pinasalamatan din ni Governor Tan ang bawat isa sa mga dumalo sa patuloy nilang paghahatid mga angkop na tugon sa mga nangangailangan Quezonian.

Samantala, pinangunahan ang nasabing programa ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor.


Quezon PIO

PDRRMO Call to Order | August 30, 2024

PDRRMO Call to Order | August 30, 2024

Sa gitna ng muling pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Quezon, nagpulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ngayong araw, Agosto 30 para matugunan ang problemang ito.

Matapos ang naging updates tungkol sa sitwasyon ng ASF sa probinsya kung saan 12 bayan ang naapektuhan, inimungkahi ni Provincial Veterinarian Dr. Flomella A. Caguicla ang pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa epekto nito sa populasyon ng mga baboy at sa presyo nito sa merkado.

Samantala, pinag-usapan din ang pagkalat ng army worms sa probinsya kung saan 18 munisipalidad ang naapektuhan. Inirekomenda rin ni Mr. John Arrish Ocampo mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang pagdeklara ng State of Calamity para naman sa nasabing problema sa agrikultura na nakakaapekto sa suplay at presyo ng palay, mais, at gulay.


Quezon PIO

Lalawigan ng Quezon Nakatanggap ng Capitation Fund mula sa PhilHealth | August 30, 2024

Lalawigan ng Quezon Nakatanggap ng Capitation Fund mula sa PhilHealth | August 30, 2024

Sa ikalawang pagkakataon , Lalawigan ng Quezon nakatanggap ng Capitation Fund mula sa PhilHealth ngayong araw ng Biyernes, August 30.

Pinangunahan ni PhilHealth IV-A Regional Vice President Dr. Edwin Oriña ang pormal na pagkakaloob ng cheke sa lalawigan ng Quezon at nagkakahalaga naman ng P100, 882,161.10 ang nasabing pondo na magsislbing malaking tulong para sa mas malawak na implimentasyon ng Universal Health Care Act (UHC).

Matatandaan noong Oktubre 2023 una ng naibigay sa lalawigan ng Quezon ang P72,983,582 Capitation Fund.

Labis naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan dahil sa pamamagitan ng Capitation Fund mas magiging maayos ang sistema ng serbisyong pangkalusugan.


Quezon PIO

Maligayang Ika-294 Araw ng Pagbilao! | August 29, 2024

Maligayang Ika-294 Araw ng Pagbilao! | August 29, 2024

Maligayang ika-294 Araw ng Pagbilao!🎊

Nakisaya at nakiisa ngayong araw ng Huwebes, Agosto 29 si Governor Doktora Helen Tan kasama si 1st District Congressman Mark Enverga sa pagdiriwang ng PAPAG AT BILAO FESTIVAL 2024.

Bidang-bida ang mayamang kultura at tradisyon ng bayan ng Pagbilao sa ginanap na magarbong parada kabilang na ang mga kamangha-manghang karosa na gawa sa mga natural na materyales tulad ng niyog.

Mainit ding pinaunlakan ni Mayor Gigi Portes ang pagtungo ng gobernadora upang maipagmalaki ang kagandahan ng kanyang minamahal na bayan.


Quezon PIO