Memorandum of Agreement Signing of Health Referral Services with Private Health Care Providers | November 06, 2024
Kasabay ang 10th Provincial Health Board Meeting matagumapay na isinagawa ang Memorandum of Agreement signing on Health Referral Services with Private Health Care Providers sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa 3rd Floor Provincial Capitol, Lucena City ngayong araw, Nobyembre 6.
Kasama sa nabigyan ng MoA ang 17 ospital at 38 klinika na nagmula sa iba’t ibang Local Goverment Units (LGUs). Layunin nitong makapagbigay ng mas maayos at mapabilis ang dekalidad na serbisyong-pangkalusugan sa pamamagitan ng enhanced referral system ng mga pasyente sa pampribadong ospital sa buong Lalawigan ng Quezon.
Ang seremonyang ito’y bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagbigay ng mas epektibong serbisyong-pangkulusugan para sa mga Quezonian.
Nakiisa sa nasabing seremonya sina Philippine Hospital Association President Dr. Anna A. Andaman-Villanueva, Private Lying-ins Owners Association President Corazon Delos Reyes at Quezon Provincial Department of Health (DOH) Office Provincial Health Team Leader Juvy Paz P. Purino, MD, MPH, Dr. Kris Conrad M. Magunay, Dr. Ronald Macinas, at iba’t ibang ahensya gaya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Provincial Health Office (PHO) at mga doktor, nurse, midwife na kinatawan ng mga ospital at klinika sa buong Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO