NEWS AND UPDATE

Distribution of Agricultural Inputs – Patnanungan | March 17, 2025

Distribution of Agricultural Inputs – Patnanungan | March 17, 2025

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist ang isinagawang pamamahagi ng kagamitan para sa mga mangingisda at magsasaka mula sa islang bayan ng PATNANUNGAN ngayong araw, Marso 17.
Dahil sa ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan ng nasabing bayan ang mangisda at magsaka, parating pinagsusumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan na may maihahandog na tulong sa kanila.
Kung kaya’t natanggap nila ang iba’t ibang fertilizers, bottom set gill nets, seedlings, grasscutter, plastic drum, knapsnack, at assorted vegetables bilang suportang mapaunlad ang kanilang sektor.


Quezon PIO

Medical Mission and Legal Mission sa Bayan ng  Patnanungan | March 17, 2025

Medical Mission and Legal Mission sa Bayan ng Patnanungan | March 17, 2025

Mahalaga na ang bawat barangay sa lalawigan ay maaayos at matiwasay na sistema, kung kaya’t kasabay ng isinagawang Medical Mission ngayong araw ng Marso 17 sa islang bayan ng PATNANUNGAN ay ginanap din ang Legal Mission sa pangunguna ng Provincial Legal Office na pinamumunuan ni Atty. Julienne Therese Salvacion.
Nakasama sa ginanap na program si RTC Executive Judge Agripino Bravo sa layunin na mas mapalawak pa ang kamalayan at kaalaman ng mga justices o lupon ng iba’t ibang barangay sa nasabing bayan.
Samantala, nagbigay rin ng iba’t ibang libreng gamot at nagkaroon naman ng tax campaign Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Assessors Office na layong hikayatin ang mga mamamayan na magbayad ng buwis lalo na sa mga property owners.


Quezon PIO

Provincial Climate Risk Diagnostic (PCRD) Technical Workshop Mission 4: Application to Planning – Mentoring on Project Prioritization & Investment Programming | March 17, 2025

Provincial Climate Risk Diagnostic (PCRD) Technical Workshop Mission 4: Application to Planning – Mentoring on Project Prioritization & Investment Programming | March 17, 2025

Upang gabayan sa pagpaplano ng mga proyekto, programa, at pamumuhunan sa lalawigan ng Quezon isinagawa ang Provincial Climate Risk Diagnostic (PCRD) Technical Workshop Mission 4: Application to Planning – Mentoring on Project Prioritization & Investment Programming ngayong araw ng Lunes, Marso 17 sa Queen Margarette Hotel – Domoit, Lucena City.
Ang PCRD Tool ay isang mahalagang instrumento upang gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpaplano nang sa gayon ay maging matibay ang mga komunidad, mas tumaas ang kakayahang umangkop sa pagbabago ng klima at mapabilis ang pagtugon sa hamon ng mga sakuna.
Sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang proyektong ito ng Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD) ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Office of the Provincial Planning and Development Council (PPDC), Provincial Health Office (PHO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PGENRO), Office of the Provincial Veterinarian (ProVet), Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at Provincial Engineering Office (PEO).
Gayundin, naisagawa ito sa tulong ng UNDP Philippines, UN-Habitat Philippines, Consortium of Bangsamoro Civil Society, National Resilience Council, at Philippine Business for Social Progress (PBSP), kasama ang mga pangunahing ahensya ng DILG Philippines, Civil Defense PH, at Department of Science and Technology (DOST).


Quezon PIO

Ilang Kaganapan sa Medical Mission sa Bayan ng Patnanungan | March 17, 2025

Ilang Kaganapan sa Medical Mission sa Bayan ng Patnanungan | March 17, 2025

Ang mga kaganapan sa walang pagod na paghahatid ng buong Medical Team ng “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan” o Medical Mission para sa mga residente ng islang bayan ng PATNANUNGAN ngayong araw ng Lunes, Marso 17.

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

📌 A N U N S Y O 📌 | March 17, 2025

📌 A N U N S Y O 📌 | March 17, 2025

📌 A N U N S Y O 📌
Heto na ang pinakahihintay n’yong araw mga kabataan ng Polillo Group of Islands at REINA🏝
(Jomalig, Patnanungan, Burdeos, Polillo, Panukulan, Real, Infanta, at General Nakar).
Available na ang listahan ng mga Shortlisted SPES Applicants na sasailalim sa Face-to-Face Interview!
Maaari na ninyong ma-access sa link na makikita sa imahe o larawan sa ibaba ng posting na ito.
🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹
Ang listahan ay naglalaman ng mga sumusunod:
✅Pangalan ng mga Aplikanteng pumasa sa initial screening
✅Pangalan ng mga Aplikanteng may kulang na dokumento (na kailangang isumite sa araw ng interbyu o panayam kasama ang iba pang kinakailangang dokumento)
✅Mga detalye ng Interbyu.
MAHALAGANG PAALALA: Ang pagkakasama sa listahan ay HINDI GARANTIYA na kabilang na bilang benepisyaryo ng programa. Ang lahat ng aplikante ay sasailalim pa rin sa interbyu at karagdagang beripikasyon.
🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹
Mga Kinakailangang Dokumento: (Kailangang magdala ng photocopy)
☑️Original Signed Copy of SPES Application Form
☑️ Photocopy of Birth Certificate
☑️ Patunay ng Kita ng Magulang/Guardian (ITR, BIR Certification o
Barangay/DSWD Certification)
***Ang Certificate of Indigency ay para lamang po sa mga magulang na walang sapat na hanapbuhay.
☑️Para sa mga Estudyante: Photocopy of Grades
☑️Para sa Out-of-School-Youth (OSY): Sertipikasyon bilang OSY mula sa DSWD / Barangay
🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹 🔶 🔹
Dalhin ang kumpletong requirements o kinakailangang mga dokumento sa araw ng iyong interbyu.
Salamat at inaasahan namin ang inyong pagdalo❗️
Goodluck mga bes😉
https://tinyurl.com/SPESONLINESCREENINGRESULT


Quezon PESO

139th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | March 17, 2025

139th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | March 17, 2025

Upang patuloy na pagtibayin at mas palawakin ang mga makabuluhang inisyatibang nagtataguyod ng tapat, may malasakit, at epektibong pamamahala sa Lalawigan ng Quezon, pormal na ginanap ang ika-139 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Marso 17.
Sa pangunguna ni Acting Vice Governor at Presiding Officer Vinnette Alcala-Naca kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa higit pang pagpapaunlad at pagpapatatag ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, aprobado ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isinulong na Ordinansa ni 3rd District Board Member John Joseph G. Aquivido na may pamagat na “Isang ordinansang nagtatatag at nagpapalakas sa pagsasaayos at operasyon ng Quezon Province-Wide Health Syst, kabilang ang mga sistemang sumusuporta sa pamamahala nito, alinsunod sa Universal Health Care Act, At paglalaan ng pondo para dito”, ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas accessible, episyente, at dekalidad na healthcare system hindi lamang sa bayan ng Macalelon kundi sa lahat ng mamamayang Quezonian.
Gayondin ang ordinansang isinulong ni 4th District Board Member at Committee on Peace and Order Roderick Magbuhos patungkol sa Kautusang Pambayan Blg. 01-2025 na may pamagat na “Kautusang nagbabawal sa lahat ng mga motorsiklo at iba pang sasakyang kauri nito ang pagparada sa mga delikado at madidilim na lugar, nagtatakda ng mga regulasyon ukol dito at nagpapataw ng parusa sa sinumang lalabag.”


Quezon PIO

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Patnanungan Quezon | March 17, 2025

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Patnanungan Quezon | March 17, 2025

PANOORIN: Sa pagpapatuloy ng pagsusumikap na maipadama na may masasandalang Pamahalaang Panlalawigan ang bawat mamamayang Quezonian, naihatid ang libreng serbisyong medikal sa islang bayan ng PATNANUNGAN ngayong araw ng Lunes, Marso 17.
Madamdamin namang naihayag ng mga residente ng nasabing bayan ang pasasalamat sa walang samang paghahatid ng serbisyo gaaano man sila kalayo.

Panoorin rito: https://www.facebook.com/share/r/1A4gFPKpmJ/

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Top 10 Highest Increase in Assessed Value for 2024 | March 17, 2025

Top 10 Highest Increase in Assessed Value for 2024 | March 17, 2025

Matapos ang seremonya sa lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Marso 17 nagkaroon ng maiksing aktibidad ang Provincial Assessor’s Office para sa 1st hanggang 5th Class Municipalities na pasok sa Top 10 Highest Increase in Assessed Value for 2024 at Top 10 Highest Growth Rate in Taxable Assessed Value for 2024.
Para sa Top 10 Highest Increase in Assessed Value for 2024, nakamit ng bayan ng Sariaya ang unang puwesto para sa 1st at 2nd Class Municipalities habang nakamit naman ng bayan ng San Antonio ang unang puwesto para sa 3rd to 5th Class Municipalities.
Samantala, para sa Top 10 Highest Growth Rate in Taxable Assessed Value for 2024, nakuha ng bayan ng Tiaong ang unang puwesto para sa 1st-2nd Class Municipalities at nakuha naman ng bayan ng Plaridel ang unang puwesto para sa 3rd-5th Class Municipalities.
Ang pagkilalang ito ay resulta ng masusing pagtatala at malalim na pagsusuri sa mga ari-arian (real properties) sa naturang mga bayan. Patunay rin ito na patuloy ang pagsusumikap ng mga bayan sa Quezon upang makapagbigay ng mas matibay na pundasyon para sa kaunlaran hindi lamang sa proyektong pang-imprastruktura, kundi pati na rin sa pagpapalago ng lokal na ekonomiya.
Ang papel na kanilang ginagampanan ay mahalaga lalo’t higit sa pagpapatakbo ng mga buwis at mga legal na aspeto ng mga ari-arian na kanilang nasasakupan.


Quezon PIO