
Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 12, 2024
Sa pagpapatuloy ng malawakang paghahatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga Quezonian, sunod na nagtungo sa bayan ng Lucban ang buong Medical Team sa pangunguna nina Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala nitong araw ng Sabado, Oktubre 12.
Mayroong 4,005 benepisyaryo ang naitalang nakinabang ng medical check-up, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa maliit na bukol, ENT, cervical cancer screening, pagbabakuna ng anti-pneumonia, eye check-up at libreng pagpapasalamin para sa lubos na nangangailangan na nito, X-ray, Ultrasound, ECG, FBS/RBS, CBC, Cholesterol, at Urinalysis.
Para naman mga pasyenteng hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang pagpapa-laboratoryo ng doktor, nabigyan sila ng medical assistance mula sa programang AICS na naisakatuparan sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).
Quezon PIO