NEWS AND UPDATE

Benchmarking Activity on Quezon’s Beat GAD Practices | August 29, 2024

Benchmarking Activity on Quezon’s Beat GAD Practices | August 29, 2024

Sa pangangasiwa ng Provincial Gender and Development Office (PGAD), nagkaroon ng Benchmarking Activity and Learning Visit on Quezon’s Best GAD Practices ngayong araw, August 29, na dinaluhan ng mga kawani mula sa San Pablo City, Laguna.

Upang makatulong sa pag-unlad ng Gender And Development (GAD) sa nasabing lungsod, ibinahagi ni PGAD Community Affairs Officer IV Cynthia M. Profeta sa 37 na delegado ang mga kaugnay na programang naisakatuparan na sa lalawigan ng Quezon.

Nagkaroon din ng open forum, na sinundan ng distribution of IEC materials upang mas maunawaan ang iba pang mga detalye tungkol sa mga programang ito.


Quezon PIO

Quezon Linggo ng Kabataan 2024 Quiz Bee | August 29, 2024

Quezon Linggo ng Kabataan 2024 Quiz Bee | August 29, 2024

Tagisan ng talino at kaalaman ng mga kabataan – naganap ang Quezon Pasiklaban 2024 Quiz Bee na pinangunahan ni Board Member Jacky Delimos bilang presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) Provincial Federation, at ang Provincial Youth Development (PYD) sa pamumuno ni Mr. John Carlo Villasin.

Labing-anim (16) na koponan (teams) na may tig-tatlong miyembro, kabilang ang ilang SK Officials, ang kumatawan sa kani-kanilang mga bayan sa Lalawigan ng Quezon para masukat ang kanilang angking katalinuhan, pagkakaisa, at kaalaman sa mga batas tungkol sa Sangguniang Kabataan (R.A. 7160 at R.A. 10742).

Nakuha ng bayan ng Dolores ang 1st place habang 2nd place ang bayan ng Sampaloc at 3rd place naman ang bayan ng San Francisco. Ikinagalak ng mga organizers ang talino at determinasyon ng bawa’t kalahok sa nasabing quiz bee.


Quezon PIO

Alternergy Holdings Corporation sa lalawigan ng Quezon, masayang tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ang isang Local Emergency Alert (LEA) System | August 29, 2024

Alternergy Holdings Corporation sa lalawigan ng Quezon, masayang tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ang isang Local Emergency Alert (LEA) System | August 29, 2024

TINGNAN: Sa pakikipagbalikatan ng Alternergy Holdings Corporation sa lalawigan ng Quezon, masayang tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ang isang Local Emergency Alert (LEA) system ngayong araw, Agosto 29.

Ang LEA ay isang portable messaging system na binubuo ng laptop, cellur radios, at antennas na ilalagay sa LGU owned vehicles na iikot sa mga sulok ng bayan at barangay. Layon nitong magsiwalat o magsend ng mga localized real-time emergency alerts at updates tuwing kasagsagan ng sakuna at medical emergencies.

Labis naman ang pasasalamat ng Gobernadora sapagkat malaking tulong ito upang masigurong alerto at handa ang bawat mamamayan sa lalawigan ng Quezon sa panahon ng anumang sakuna.


Quezon PIO

Bagong MILK HUB sa lalawigan ng Quezon na matatagpuan sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), mapapakinabangan na matapos isagawa ang pormal na pagbabasbas nito ngayong araw ng Huwebes, Agosto 29 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Ang nasabing pasilidad ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng mga doktor ng ospital sa Pamahalaang Panlalawigan. Kasabay nito’y malugod ding ipinagdiwang ng QPHN-QMC ang kanilang pagiging DOH-accredited “Mother Friendly Hub.”

Samantala, isinagawa rin sa parehong araw ang CATARACT CARAVAN kung saan 48 pasyente mula sa iba’t-ibang bayan sa Quezon ang nakinabang sa libreng check-up at operasyon ng kanilang mga mata.

Magtatapos naman ang nasabing caravan bukas ng Agosto 30, at nakatakdang operahan ang second batch ng mga pasyenteng may diperensya sa mata.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Tan sa mga dakilang doktor na patuloy pakikipagbalikatan sa Pamahalaang Panlalawigan upang marami pang matugunan ang pangkalusugan na pangangailangan ng mga Quezonian.



Quezon PIO

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

HAPPENING NOW: Araw ng Pagbilao | Papag at Bilao Grand Parade


Livestream – Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

HAPPENING NOW: Araw ng Pagbilao | Papag at Bilao Grand Parade


Livestream – Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Gabi ng Kabataang Quezonian | August 29, 2024

Gabi ng Kabataang Quezonian | August 29, 2024

Matagumpay na isinagawa kahapon, Agosto 29 ang PASIKLABAN AT GABI NG KABATAANG QUEZONIAN 2024 sa pangunguna ng Provincial Youth and Development Office (PYDO) na pinamumunuan ni Mr. John Carlo Villasin.

Sama-samang ipinagdiwang ng mga kabataang Quezonian ang kanilang husay sa pagsayaw at pag-awit sa ginanap na mga kompetisyon tulad ng vocal solo, vocal duet, inter-town dance contest, at battle of the bands.

Samantala, nagbigay sigla at saya rin sa mga kabataan ang FREE CONCERT kasama ang bandang Magnus Haven at Agsunta.

Nawa’y manatili ang nag-aalab na kagalingan ng bawat kabataang Quezonian sa anumang larangan na kanilang tinatahak.

Mabuhay ang mga kabataang Quezonian!


Quezon PIO