
Distribution of Medicine to Barangays – Gumaca, Quezon | November 9, 2024
Livestream part 1: https://www.facebook.com/share/v/LzTRmjkuknMp7fGa/
Livestream part 2: https://www.facebook.com/share/v/xkcqPK8MoruWDcWg/
Quezon PIO
Livestream part 1: https://www.facebook.com/share/v/LzTRmjkuknMp7fGa/
Livestream part 2: https://www.facebook.com/share/v/xkcqPK8MoruWDcWg/
Quezon PIO
Livestream part 1: https://www.facebook.com/share/v/mHYxGskk6wAXKFvA/
Livestream part 2: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/907297077652954/
Quezon PIO
Isa si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla, sa mga naging panauhing tagapagsalita sa ginanap na 2024 Animal Health Congress sa pangunguna ng Bureau of Animal Industry na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, ngayong Nobyembre 6-8, 2024.
Ibinahagi ni Dr. Caguicla ang “Quezon Province Experiences in Handling Animal Disease Emergencies”, kung saan ay ipinakita niya ang ginagawa ng Lalawigan ng Quezon sa sama-samang pagsugpo sa mga nakakahawang sakit ng hayop gaya ng African Swine Fever, Avian Influenza, at iba pa.
Kabilang sa mga naging panauhin ang ilang international at local development partner representatives, mula sa FAO, Lionel Dabbadie; at WHO Philippines, Dr. Rui Paulo De Jesus; pati na rin ang ilang Department of Agriculture Officials, na sina, Assistant Secretary for Swine and Poultry, Dr. Constante Palabrica; Assistant Secretary for Ruminant Livestock, Dr. Benjamin Albarece; Undersecretary for Livestock Deogracias, Victor Savellano; at Undersecretary for Policy, Planning and Regulation, Atty. Asis Perez, at BAI Director, Diosamia Sevilla.
Ang mga dumalo sa Animal Health Congress 2024 ay ang mga eksperto, opisyal ng gobyerno, local government units (LGUs), veterinary collegial bodies, at academe, mula sa buong bansa.
Ang layunin ng nasabing aktibidad ay nakatuon sa pagtugon sa mga kritikal na isyu sa kalusugan ng hayop, gayundin sa mga sakit na maaaring makahawa mula sa hayop patungo sa tao.
Quezon PIO
Sa kabila ng init ng panahon, produktibong pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si 4th District Congressman Atorni Mike Tan ang paghahatid ng serbisyo para sa mga mamamayan na naninirahan sa ALQUEREZ (Alabat, Quezon, at Perez) ngayong araw, Nobyembre 7.
Naipamahagi sa mga residente ng nasabing mga bayan ang kanilang sahod na pinagtrabahuhan sa programang TUPAD kung saan 372 ang naging benepisyaryo mula sa Alabat, 334 mula Perez, at 405 ang mula sa Quezon.
Ipinapaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ang pasasalamat sa tanggapan ni Senator Grace Poe at sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil rin sa walang sawang pakikipagbalikatan upang maihatid ang mga ganitong programa at serbisyo sa lalawigan.
Samantala, kasabay ring naipamahagi ang Relief Supplies mula sa tanggapan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian gayundin kay Senator Lito Lapid.
Quezon PIO
TINGNAN: Sa pagtungo ni Governor Doktora Helen Tan sa islang bayan ng Alabat ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 7 ay kanya ring binisita ang Quezon Provincial Hospital Network – Alabat.
Sa kasalukuyan, patuloy na isinasaayos ang nasabing ospital na bahagi sa mga proyektong nais maisakatuparan ng Gobernadora upang masiguro na mas mataas na dekalidad na serbisyong pangkalusugan ang maibibigay sa mga mamamayan ng ALQUEREZ (Alabat, Quezon, at Perez).
Quezon PIO
Pormal na isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 7 ang pagbabasbas ng bagong gusali sa Alabat Central Elementary School na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan at Mayor Ramil Arquiza.
Ang ipinatayong school building na ito ay may dalawang palapag at apat na silid-aralan, gayundin ay mayroong solar panel at 1000 liters water tank.
Quezon PIO
Validity: Valid within the forecast period, unless superseded by succeeding forecast.
Forecast Summary: 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗠𝗔𝗜𝗡. 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗬𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗜𝗢𝗗. 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗗𝗜𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗖 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗜𝗢𝗗.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/TCTHREATDOSTPAGASA
Quezon PIO
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, matagumpay na naisagawa ang pormal na pagbabasbas ng bagong Patrol Boat para sa islang bayan ng Perez, Quezon ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 7.
Ang nasabing 40-footer patrol boat ay malaking tulong upang masugpo ang ilegal na pangingisda sa isla sapagkat siniguradong mabilis ito na mayroong 3 makina (Triple 150 Hp, 4 Stroke) at kayang tumakbo ng hanggang 55 knots per hour.
Samantala, nakasama naman sa ginanap na seremonya upang ipaabot ang kanilang pagsuporta sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan at Mayor Charizze Marie Escalona.
Quezon PIO
HAPPENING NOW: TUPAD PAYOUT
November 7,2024| Quezon,Quezon
Livestream: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/578545361521554
Quezon PIO
Nagsagawa ang Quezon Provincial Library ng Handog Aral sa mga Katutubong Aeta ng Barangay Tongko, Lungsod ng Tayabas ngayong ika-7 ng Nobyembre, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Library and Information Services Month at National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Layunin nito na bigyang importansya ang magandang dulot ng pagbabasa para sa mga bata na kabilang sa Katutubong Aeta. Pinapakita rin nang programang ito ang aktibong partisipasyon sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ang mga mamamayan nito.
Quezon PIO