NEWS AND UPDATE

Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index | November 26, 2024

Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index | November 26, 2024

Sa pangunguna ng Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) at Department of Trade and Industry (DTI), ginanap ngayong araw ng Nobyembre 26 ang Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

Dinaluhan ang nasabing seremonya ni Governador Doktora Helen Tan kung saan kanyang pinasalamatan at binigyang pugay ang bawat Local Government Unit (LGU) na patuloy na naisasakatuparan ang magandang performance para sa pagtaas at pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.

Ayon naman kay PPDC Engr. Russell Narte, malaki ang naitutulong ng pagtaas ng ranking at pagiging competitive ng mga LGU upang dumami ang investors sa lalawigan ng Quezon. Sa pamamagitan din nito ay na-momonitor kung ano ang kalagayan ng kanilang bayan para ma-improve ang sektor na hindi nila napagtutuunan ng pansin.

Samantala, malugod namang ginawaran ng parangal ang mga bayan na nagpakita ng mataas na ranking competitiveness sa iba’t-ibang kategorya gaya na lamang ng Quezon, Dolores, at Candelaria na kinilala bilang Top 1 Overall Most Competitive LGUs.


Quezon PIO

National Correctional Consciousness Week | November 26, 2024

National Correctional Consciousness Week | November 26, 2024

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week (NACOCOW), isinagawa sa Quezon District Jail, Pagbilao ang libreng serbisyong medikal gaya ng X-ray, Eye check-up, at iba’t-ibang laboratoryo na napakinabangan ng 494 Person Deprived of Liberty (PDL) ngayong araw ng Nobyembre 26.

Ang nasabing aktibidad na ito ay taunang ipinagdiriwang sa Pilipinas na naglalayong paigtingin ang kamalayan at pag-unawa sa kahalagahan ng mga korreksiyonal na institusyon sa pagbabago ng buhay ng mga bilanggo at pagbibigay ng halaga sa kanila.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapatid nating Inmate at mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pangunguna ni Jail Superentident Rodante Oblefias.


Quezon PIO

Photography and Digital Poster Making Contest | November 30, 2024

Photography and Digital Poster Making Contest | November 30, 2024

Due to popular demand, we are pleased to announce that the deadline for submission has been extended! You can still submit your entries for the Photography and Digital Poster Making Contest until November 30, 2024!

How to participate:

✔️Review the guidelines below.

✔️Submit your entries to dilgquezonpcit@gmail.com

✔️Include a valid ID and follow the file name format: Fullname-City/Municipality.

Together, let’s make a difference—one photo and poster at a time!

P.S. This contest is OPEN TO ALL 😊

Link: https://www.facebook.com/DILGQuezonProv/posts/pfbid02Pd5a9M4wkU7pKw6gNHLX1FrZeuvk5mna5aaEmkaEPdLpL2rnwx4F3pFpBqdaT4d3l?rdid=862vA4k4n3pueYjA


Quezon DILG

Nutrition Code of Quezon Province 2024 – Grand Public Hearing | November 26, 2024

Nutrition Code of Quezon Province 2024 – Grand Public Hearing | November 26, 2024

Matagumpay na naisulong ang Nutrition Code of Quezon Province 2024 sa ginanap na Grand Public Hearing sa pangunguna ni Chairperson Committee on Health and Sanitation, at 3rd District Board Member John Joseph G. Aquivido ngayong araw ng Martes, Nobyembre 26 sa Bulwagang Kalilayan, Lucena City.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay kauna-unahan sa bansang Pilipinas na nagsusulong ng Nutrition Code at dito nga ay iprinisenta ni Provincial Nutritionist Action Officer (PNAO) Joan Maricel Zeta-Decena ang Nutrition Code, Nutrition Specific Programs, Nutrition-Sensitive Programs, Nutrition-Enabling Institutional Mechanisms, at Final Provisions. Naibahagi rin kung paano ito makakaapekto sa iba’t ibang sektor sa lalawigan, gaya ng edukasyon at agrikultura.

Layon nito na mas paigtingin pa ang partisipasyon sa pagitan ng Stakeholders, Local Government Units (LGUs), Health Professionals, at mga mamamayan patungkol sa bagong Nutrition Code.

Sinagot at binigyang linaw naman ang ilang mga katanungan mula sa mga tagapakinig na may kaugnayan sa implementasyon ng nasabing Code, at binigyang-diin din ang pakikiisa at suporta ng LGUs para sa maayos na implementasyon nito.

Samantala, dinaluhan ang nasabing hearing ng mga Municipal at City Nutrition Action Officers, Nutrition Program Coordinators, Municipal Health Officers, Provincial Nutrition Multisectoral Council, Sangguniang Bayan at Panlungsod, at Barangay Nutrition Scholars.


Quezon PIO

4th Quarterly Meeting ng Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan | November 26, 2024

4th Quarterly Meeting ng Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan | November 26, 2024

TINGNAN: Para sa pagpapayabong ng kagandahan pagdating sa turismo ng lalawigan ng Quezon, ginanap ang 4th Quarterly Meeting ng Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Martes, Nobyembre 26.

Sa pumumuno ni Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro kasamang dumalo ang mga kinatawan ng Quezon Province Association of Travel and Tour Agencies (QuePATTA), Tourism Organization of Quezon Province, Philippines, Inc (TOQPPI), Provincial Assistance for Community & Sectoral Empowerment and Development Unit (PACSEDU), Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC), Office of the Provincial Agriculture (OPA), Department of the Interior and Local Government (DILG – Quezon) at Department of Trade and Indutry (DTI – Quezon)

Samantala, tatlong resolusyon ang naipasa ng mga konseho kabilang dito ang QPTC Resolution No. 006-2024 sa paglalayon ni Governor Doktora Helen Tan na isama ang Master of Science in Tourism Development and Management bilang isa sa mga prayoridad na kurso sa programa ng iskolarship para sa graduated students na mga kawani ng Pamahalaan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Blessing and turnover of RUSI service vehicle | November 26, 2024

Blessing and turnover of RUSI service vehicle | November 26, 2024

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, naipagkaloob ang mga bagong service vehicle ngayong araw ng Martes, Nobyembre 26.

Ang nasabing 10 behikulo ay natanggap piling mga barangay sa mula bayan ng Pagbilao, Lucban, Mauban, at Tayabas City na magagamit na transportasyon upang maghatid ng serbisyo sa residente.


Quezon PIO

Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolks and Families (PAFFF) | November 25, 2024

Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolks and Families (PAFFF) | November 25, 2024

Matagumpay na isinagawa ang Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolks and Families (PAFFF) Program sa Quezon Capitol Compound, Lucena City, ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 25.

Humigi’t-kumulang 100 mga magsasaka at mangingisda ang muling nakatanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim PAFFF Program ni President Bongbong Marcos.

Sa ilalim ng patnubay ni Governor Doktora Helen Tan ay nagkaroon ng pagtitipon para sa mga mamamayan ng lalawigan na nasalanta ng mga kalamidad tulad ng bagyo at tagtuyot. Layunin ng programang ito na makapagsimulang muli at tulungang makabangon ang mga pamilya ng bawat magsasaka at mangingisda na higit na naapektuhan ang mga pangunahing hanapbuhay.

Ipinaabot naman nina Provincial Administrator Manny Butardo at Provincial Agriculturist Liza Mariano ang hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagbigay ng karampatang tulong para sa patuloy na ikauunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan tungo sa pagiging pangunahing lalawigan pang agri-turismo sa buong rehiyon.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO